SummerAng puting kisame agad ang syang bumungad sa akin pagkabukas ko ng aking mga mata. I even blinked a lot of times dahil nasisilaw ako sa ilaw. I'm pretty sure na nasa hospital ako dahil hindi naman ganito ang kulay ng kwarto ko.
Kahit nanghihina ang katawan ay pinilit kong bumangon. Natigil lang ako sa pagkilos ng maramdaman ang isang malambot na bagay na nakahawak sa aking kamay.
Agad akong napangiti ng makita si Cassidy na natutulog sa tabi ko habang nakaupo sa isang upuan. She intertwined our hands na para bang ayaw nya itong pakawalan. Na para bang mawawala ako sa kanya.
"Love?" pag-gising ko rito dahil sobra na ang pagka-uhaw na nararamdaman ko. Marahil isa ito sa epekto ng droga na nainom ko.
"Baby...gising na ikaw. Nauuhaw po ako. Cassidy?" Marahan kong tinatapik-tapik ang pisngi nito kaya tuluyan na itong nagising. Nanlaki pa ang mga mata nito ng makita akong nakangiting nakatitig sa kanya.
"Oh my gosh!" tili nito at bigla na lang tumayo sa kanyang kinauupuan. She even checked every inch of my body. "Kumusta na ang pakiramdam mo? May masakit ba sayo? Tatawag ba ako ng doctor?" nataranta ito habang ako ay palihim na nakangiti rito. "Ano? Love, sumagot ka."
Kahit nauuhaw nakuha ko pa ring tumawa dahil sa mga katanungan nya. Pansin ko ang pagkunot ng noo nito dahil sa ginawa ko.
"What's funny?" At nagtaray na nga po sya.
"I'm just thirsty, love. Can you please get me some water, please?" Untag ko kaya mabilis itong kumuha ng tubig sa water dispenser na mayroon dito sa loob ng kwartong kinalalagyan ko.
"Let me help you." presinta nito kaya hindi na ako umangal pa.
Tinulungan nya akong bumangon at umupo sa kama. Sya na mismo ang humawak ng basong may tubig at ipinainom iyon sa akin.
"Thank you, love. Anyway, ba't ikaw lang mag-isa rito? Hindi ba ako binisita ng mga pinsan ko or nila mom?" grabe na talaga ang pamilyang 'to.
"About that. Hindi na pina-alam nong pinsan mong si Winter ang nangyari sayo sa iba mo pang cousins. I don't know why, so hindi ko na din sinabi kay Veronica baka kasi sabihin nya kay Autumn. Sina tita naman ay kakaalis lang kanina. She said babalik din sya mamaya."
Kaya pala. Well, I really do know my cousins, especially Raine. Mababait silang dalawa ni Autumn sa totoo lang. Pero kapag pisikalan na ang usapan at may nadehado sa taong malapit sa kanila they can be a monster. Kaya siguro ayaw ipaalam ni Winter dahil ayaw nyang gumawa ng kung ano ang mga ito na pwede nilang ikakapahamak.
Pero ang ipinag-aalala ko ay ang pwedeng gawin ni Winter. Mas malala talaga sya sa aming apat na magpipinsan. She became heartless if she wanted to. Since then gano'n na talaga sya. Mas lumala lang ata ngayon kung saan sya na ang humawak sa isa sa mga kompanya nila.
"Nakakapagpahinga ka pa ba? Ba't parang lumaki ata ang eyebags mo?" may halong katotohanan kong biro sa kanya. Mukhang ilang araw syang walang tulog, but nonetheless, she's still gorgeous in my eyes.
She heaved a deep sigh before sitting down beside me in this hospital bed.
"I'm okay, love. Nag-aalala lang talaga ako sayo." Hinalikan nito ang kamay kong hawak nya. "You've been asleep for two days straight."
BINABASA MO ANG
Bring Me Back To Life (Cousin Series #3) √
RomanceStudent x Student "You managed to make me fall in love with you hardly. So whether you like it or not, you'll stick with me forever."- Summer Morris Lambert Date Started: August 30, 2022 Date Finished: January 15, 2024