Summer
"Don't get me wrong, Porche. You're beautiful inside and out, pero wala akong balak na patulan ka, okay?"
Umirap ito sa kawalan bago ako hinampas sa braso na syang ikina'igik ko. Ang bigat pa naman ng kamay ng babaeng ito. Badminton naman sana ang sports na sinalihan nito pero daig pa ang mga volleyball player kung maka'hampas. Ang sakit. Letche!
"Ang kapal talaga ng mukha mo kahit kailan, 'no?" She snorted habang nakabusangot ang mukha. Ang pikon talaga kahit kailan.
"Ano ba kasi ang bibilhin mo sa mall at magpapasama ka pa talaga sa akin? Pwede namang si Xenon na lang ang isama mo. Baka sakaling pumayag pa ang kakambal mong iyon."
Kanina nya pa kasi ako kinukulit tungkol dyan kaya hindi ko maiwasang tuksuhin sya na baka gusto lang nya akong e'date.
"Ayoko nga sa lalaking yun. Alam mo namang masyadong maharot ang letcheng yun! Baka kung sino-sino na namang babae ang lalapitan at lalandiin nya sa mall."
Natawa ako dahil sa reaksyon nito. Tama nga naman sya. Maloko talaga ang kapatid nyang iyon. Bigla-bigla na lamang lumalabas ang pagiging pilyo nito lalo na kapag nakakakita ng magandang babae na papasa sa kanyang standard.
"Okay, fine. Sasamahan kita mamaya. Just make sure na hindi mo ako gagawing alalay. Sinasabi ko sayo Porche, hindi ako mangingiming iwan ka sa loob ng mall kapag hinakot mo na naman ang mga paninda sa loob." Paalala ko sa kanya dahil alam ko kung gaano ito kabaliw kapag nagagawi sa mall. Kung ano-ano na lang kasi ang binibili nito na hindi naman importante.
"Oo na! Pangit mo kabonding." Mataray na sagot nito bago naunang maglakad papunta sa classroom namin.
Napa'iling na lamang ako dahil sa inasta nito. Akma na sana akong susunod sa babaeng yun ng biglang may humablot sa aking braso at hinila ako papunta sa comfort room. Kumunot ang noo ko ng makita ang seryosong mukha ni Cassidy.
"Ano bang problema mo ba't dinala mo ako rito?" hindi ko maiwasang magtaray sa kanya nang tuluyan na kaming makapasok sa loob ng cr.
Tumaas ang kilay ko ng mapansing ni'lock nya ang pinto at tinitingnan ang bawat cubicle kung may tao ba o wala.
"Okay, clear." Rinig kong sambit nito na syang ikinalito ko.
"Anong pinagsasabi mo dyan? Tsaka, ano na naman ba ang kailangan mo sa akin. Huh, Miller?"
Lumingon ito sa gawi ko ng marinig ang sinabi ko. Bigla akong kinabahan ng matamis itong ngumiti sa akin. And before I knew it, mahigpit na itong nakayakap sa akin ngayon. Well, she literally threw herself on me. Mabuti na lang malakas ako kaya hindi kami bumagsak sa sahig.
"Ano na naman bang masamang espiritu ang sumapi sayo? You dragged me here para lang dito? Really, Cassidy Miller?" Tiim bagang kong sabi habang nakapulupot ang mga braso nito paikot sa aking batok.
May parte sa puso ko na gusto syang yakapin pabalik ngunit hindi nakikisama ang utak ko. It's always been like this. Palaging nagtatalo ang utak at puso ko kapag kasama ko ang babaeng ito. Hindi ko alam kung ano ang susundin. Natatakot akong magkamali kapag sinunod ko ang sinasabi ng puso ko.
"Namimiss kasi kita. Ayaw ko namang yakapin ka sa hallway, baka sigawan mo lang ako." Ngumuso ito na parang bata. Hindi ko magawang salubungin ang mga mata nito dahil sa kanyang sinabi.
BINABASA MO ANG
Bring Me Back To Life (Cousin Series #3) √
RomanceStudent x Student "You managed to make me fall in love with you hardly. So whether you like it or not, you'll stick with me forever."- Summer Morris Lambert Date Started: August 30, 2022 Date Finished: January 15, 2024