Chapter 6

4.6K 222 8
                                    

Summer

"Stop pestering me, Porche." ungot ko dito sa kasama kong ipinaglihi ata sa kakulitan.

"Ang sungit mo naman! Parang nagtatanong lang eh."

"Ano ba kasing kailangan mo sa pinsan ko? Kahit naman ibigay ko sayo ang phone number ni Autumn hindi pa rin naman non sasagutin ang text o tawag mo."

Kanina pa kasi nangungulit ang isang 'to at hindi ko alam kung bakit nya naisipang itanong ang phone number nong isa. Hindi naman sila close.

Teka nga muna. Hindi kaya?

"May gusto ka ba kay Autumn? Huh, Porche?"

Pinakatitigan ko sya ng mabuti kaya pansin ko ang unti-unting pamumula ng magkabilang pisngi nito. Ayon naman pala.

"I just have a little crush on her, Sum." pag'amin nito.

Little daw pero grabe naman ang pagkapula ng kanyang mukha. Daig pa ang nag'mukbang ng siling labuyo.

"Naku! Wala kang pag'asa doon."

"Why? May boyfriend na ba sya?"

Gusto kong matawa sa sinabi nya. I forgot to tell you guys na wala nga pala syang alam tungkol sa kondisyon naming magpipinsan. Ni hindi nga nya alam na into girls si Autumn. Well, hindi ko sya masisisi. Masyado nga namang chicks tingnan ang babaitang yun lalo na si Raine. Parang mga dalagang pilipina na hindi makabasag pinggan. Hahaha

"Wala naman. Pero sure akong hindi ka magugustuhan no'n." Pang'aasar ko dahilan ng pagsimangot nito.

"Ganon na ba ako ka'pangit sa paningin mo?" ngumuso pa ito na parang bata dahilan para matawa ako. Mukha kasi syang pato tingnan.

"May sinabi ba akong pangit ka?"

Nauna na akong maglakad rito papunta sa classroom namin dahil sigurado akong hindi ito magpapatalo pagdating sa diskusyon. Ikaw na lang talaga ang mabibingi sa pagiging madaldal nya.

Paliko na sana ako sa hallway ng mahagip na aking mga mata si Cassidy. Naka'upo ito sa isang bench kasama ang kaibigan nyang si Veronica. Napa'iling ako ng hindi nya pinansin ang isang lalaking pilit na kumaka'usap sa kanya.

"Parang may mali sa dalawang iyan ngayon." Biglang sulpot ni Porche sa likuran ko na kamuntikan ko ng ikatalon dahil sa pagkakagulat.

"Letchugas ka naman! Gusto mo bang atakihin ako sa puso?!" Inis kong bulyaw sa kanya ngunit umirap lang ang gaga.

"Kasalanan ko bang ginagawa mo ng tubig ang kape?" namimilosopo pa talaga ang bruha.

"At sumasagot-sagot ka pa talaga."

"Malamang may bibig ako. Magulat ka kung hindi ako nagsasalita."

Sinamaan ko sya ng tingin ngunit nag'peace sign lang ito.

"Joke lang iyon tag'init. Anyway, wala ka bang napapansin sa dalawang iyan?" Nginuso nito ang direksyon ng magkaibigang sakit sa ulo ng mga estudyante rito.

"Huwag mo akong idamay sa pagiging marites mo."

"Ang saya kaya maging marites. Try mo nga yun minsan." Tumawa ito ng magsalubong ang makakapal kong kilay, "Pero seryoso, Sum. Pansin ko lang, medyo nababawasan na ang pagiging bitch ng dalawang yun. Hindi na sila masyadong nagtataray lalo na si Cassidy. Hindi na palaging byernes santo ang mood nya. At in fairness din naman sa kanya, hindi ko na sya nakikitang may kasamang lalaki, hindi katulad noon na parang damit lang kung magpalit ng boyfriend. Yun nga lang parang ang lungkot ng aura ni Miller."

Bring Me Back To Life (Cousin Series #3) √Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon