Chapter 1

8.3K 243 11
                                    


Summer

"Ka'asar naman! Saan ba kasi dito ang bruhang yun?" palatak ko ng makapasok sa loob ng bar na ito.

Kung hindi ko lang talaga pinsan ang isang yun, nungka kung pupunta ulit ako sa maingay at mabahong lugar na ito.

Takte! Nakakasuka ang amoy ng usok ng sigarilyo sa paligid. Pakiramdam ko hindi ako makahinga ng maayos.

Kung hindi ko lang alam na buhay pa ang mga taong nasa loob nito baka isipin kong patay na ang mga ito. Letche! Ang babaho ng mga animal!

Amoy alak!

"Cous?! Oh my! Mabuti naman at dumating ka." Ngiting-ngiti pang sambit ng pinsan ko ng makalapit ito sa pwesto ko.

"Bwiset ka eh." Inikutan ko ito ng mata ngunit tumawa lang ito, "Oh! Ayan na ang gitara mo. At pwede ba, Yuan Lambert Wang? Sa susunod huwag mo na akong tatawagan kung papapuntahin mo lang ulit ako sa letcheng lugar na ito." And again, tumawa na naman ang bruhilda. Parang baliw!

She's my cousin sa father side ko. Magkapatid ang mama nya at si Dad and obviously, chinese ang papa nito--si Tito Jerick.

Minsan lang din kami magkita ng isang 'to dahil busy-busyhan sya sa buhay nya. Katulad na lamang ngayon, kumakanta sya sa bar na ito na pagmamay'ari din naman nya.

Kukunti lang din ang nakaka'alam na magpinsan kami dahil hindi nya ginagamit ang Lambert na apelyido. Ang galing din kasi magtago ng sekreto ang isang 'to.

Hindi ko alam kung ikinakahiya nya ba ang apelyido namin o ano. Kung tatanungin ko naman sya kung bakit, ang tanging sagot nya lang ay nakaka'pressure daw maging isang Lambert. Kilala kasi ang pamilya namin sa business world katulad ng pamilya nina Autumn at Raine, sabayan pang isa kaming Morris.

"Ang boring mo talaga kahit kailan." palatak nito bago ako inikutan ng mata.

Tusukin ko kaya ang mga mata nito?

"Ang baho naman kasi dito"

"Malamang bar 'to, babe. Saan ka nakahanap ng bar na amoy mamahaling perfume? Sabihin mo nga ng mapuntahan ko."

Namimilosopo pa talaga ang walanghiya.

"Edi wow! Maka'alis na nga." Akma na sana ako tatalikod ng mabilis itong kumapit sa braso ko, "Hoy! Bumitaw ka nga."

Tangina! Nagiging tuko na naman ang isang 'to.

"Dito ka muna. 'Tsaka may favor akong hihilingin sayo. Pagbigyan mo ako, huh?" ngumiti ito ng malaki kaya kitang-kita ko ang mapuputi at pantay-pantay nyang ngipin.

"Kabahan ka nga sa ginagawa mo. Para kang tanga tingnan." nakangiwi kong saad na ikinasimangot nito dahilan para matawa ako.

Bu'bwesitin ko pa sana sya ng mahagip ng aking mga mata ang isang babaeng nakakandong sa hita ng kasama nyang lalaki.

Nalukot ang mukha ko dahil mukhang walang paki'alam ang mga ito habang naghahalikan na parang wala ng bukas. Kulang na lang ay kainin na ng mga ito ang mukha ng isa't-isa.

Ilalayo ko na sana sa kanila ang mapanuri kong mga mata ng makilala ko ang babaeng iyon. Tuluyan na akong sumimangot ng makumpirma ko kung sino sya.

Right! She's no other than, Cassidy Miller. Ang dakilang playgirl ng Payton University kung saan ako nag'aaral ngayon. Mukhang bagong laruan na naman ata nya ang lalaking yun.

Bring Me Back To Life (Cousin Series #3) √Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon