Summer
"Baliw kana! Paano mo nagawa sa akin yun? Paano kung napahiya ako sa harapan ng maraming tao huh, Yuan?" Nanggigigil ako sa isang 'to. Sarap kutusan eh.
"Maganda naman ang boses mo kaya ayos lang." Pangiti-ngiti pa ang walanghiya. Napa'irap na lang ako sa kawalan.
"Aalis na ako. Umuwi kana rin. Nandito naman si Harold." tukoy ko sa empleyado nyang pinagkakatiwalaan nya. "Anyway, gusto mo bang ihatid na lang kita sa condo mo?"
"Aww! That's so sweet of you, babe" Ang sakit nya talaga sa ulo. "But, no thanks. May gagawin pa ako rito and ayoko namang ma'late ka sa pag'uwi sa bahay nyo. May klase ka pa bukas, right?"
Ah, right! Last week na namin ngayon bago mag'sem break. At least may isang linggo kaming pahinga bago magsimula ang second semester and also last sem na namin iyon sa college. I am a graduating student at masaya sana kung kasama ko pa rin si Raine sa school hanggang ngayon.
Pero ang kupal mas inuna pang lumandi doon sa propesora na kapatid ni Xavier. Nagawa pa talaga nyang lumipat ng paaralan dahil lang doon. Pero kung sabagay, suntok sa buwan lang kung ma'in love kaming magpipinsan kaya sige lang. Suportado namin sya kung iyon talaga ang totoong magpapasaya sa kanya.
"Unfortunately. Sige na, mauuna na ako sayo. Ingat sa pag'uwi. Huwag kaskasera, okay?" I kissed her forehead bago ito tumango-tango.
Lumabas na ako sa office nya habang kinukuha ang cellphone ko sa suot kong pantalon ng bigla itong mag'vibrate. Tumaas ang kilay ko ng makita ang pangalan ni Autumn. Paminsan-minsan lang ito kung tumawag o mag'text.
"Oh, shit!" Masayang bulalas ko ng mabasa ang mensahe na ipinadala nya. Na'excite ako bigla.
She told me kasi na hanapan ko daw sya ng magandang unibersidad na pwede nyang pasukan rito. Mukhang alam ko na ang dahilan ng pag'transfer nya.
Anyway, ba't sa iba ko pa sya ilalagay kung maganda naman ang university na pinapasukan ko ngayon? Tsaka, para na din may kasama na ulit ako sa Payton University.
"Bye, Summer!" sigaw ni Harold ng makita ako nitong papalabas na ng bar.
Tipid akong tumango rito bago tinahak ang daan papunta sa parking lot.
"Ugh! Get off me!" Natigil ako sa paglalakad ng marinig ang sigaw na iyon ng isang babae.
Hindi ko na sana papansinin ng sumigaw na naman ulit ito na para bang may nilalabanan. Kunot-noo kong inilibot ang aking paningin sa paligid ng parking lot habang sinusundan ang pinanggagalingan ng boses.
I grit my teeth ng makita si Cassidy na pilit hinuhubaran ng lalaking kahalikan nya kanina. Nakasandal sya sa pintuan ng kotse habang ang lalaki naman ay marahas syang hinahalikan sa leeg.
Without a second thought, mabilis kong pinuntahan ang pwesto nilang dalawa. Mahigpit kong hinawakan sa balikat ang lalaki dahilan ng paglingon nito sa akin. Hindi na ako nagdalawang-isip na suntukin ito sa mukha na pareho nilang ikinagulat.
Bago pa man ito bumagsak sa sahig, mabilis at ubod lakas ko syang tinuhod sa sikmura bago ko sya sinapak ulit. Kaya ang ending? Ayon, mabilis nakatulog ang gago.
Walang emosyon ko lang na tiningnan ang katawan nito na nakahandusay sa sahig.
"Tha.. thank you" Nabaling ang tingin ko kay Miller na halos hindi makatingin sa akin ng deritso. Tsk!
BINABASA MO ANG
Bring Me Back To Life (Cousin Series #3) √
RomanceStudent x Student "You managed to make me fall in love with you hardly. So whether you like it or not, you'll stick with me forever."- Summer Morris Lambert Date Started: August 30, 2022 Date Finished: January 15, 2024