Chapter 4

5.3K 232 10
                                    

Summer

"Stop pestering me, Miller. Wala kang mapapala sa akin kahit ano pa ang gawin mo." hindi ko maiwasang magtaray sa babaeng ito ng ganito ka'aga.

Tatlong linggo pa lang ang nakakaraan ng magsimula ang huling semester namin sa kolehiyo pero sakit agad ng ulo ang bumungad sa akin.

"I just wanted to be with you, love. Bakit ba ang init ng dugo mo sa akin?" ngumuso ito na parang bata.

Bakit ko ba kasi naging kaklase ang isang 'to sa isa kong subject? Nakakabanas lang. Lalo na ang endearment na palagi nyang tawag sa akin these past few weeks.

"Ilang beses ko din bang kailangan sabihin sayo na ayaw kong makasama ka? Hindi pa ba sapat na araw-araw kitang ipinagtabuyan para malaman mong hindi kita gusto?" Tiim-bagang kong sambit.

Nag'iwas ito ng tingin ngunit agad din namang ngumiti sa akin. Napabuntong-hininga na lamang ako dahil sa kakulitan ng babaeng ito. Ano ba kasi ang nakita nya sa akin upang maging ganito sya kakulit? Well, pwera na lang sa gusto nya akong isali sa mga laro nya na madalas nyang gawin sa mga lalaking karelasyon nya. Isang laro na puso mo ang nakataya.

"Look, wala ka bang magawa kaya ako ang pinipeste mo ngayon?"

Hindi ko na maitago ang inis sa boses ko dahil kanina pa sya nakabuntot sa akin. Kami tuloy ang pinagtitinginan ng mga estudyante.

"I told you already. Gusto lang kitang makasama. Pakiramdam ko kasi hindi kumpleto ang araw ko kapag hindi kita nakikita at nakakasama." Walang kagatol-gatol na sagot nito na mukhang nagpa'init sa aking magkabilang pisngi at tainga.

Masama ko syang binalingan ng tingin na ngumiti lang sa akin ng makita ang reaksyon ko.

"Huwag mo akong pinaglalaruan, Cassidy Miller!"

Hindi ko talaga maintindihan kung bakit sa lahat ng mga estudyante na pwede nitong bwesitin araw-araw, ako pa ang napili ng isang Cassidy Miller.

Maraming humahanga at nagkakagustong lalaki rito. Sikat ito sa aming paaralan. Hindi lang dahil sa ito ang nag-iisang bestfriend ni Veronica Payton na anak ng may-ari ng paaralang pinasukan namin, kundi dahil sa sya si Cassidy Miller.

A sexy and a gorgeous lady na pinagkakaguluhan ng mga kalalakihan katulad ng kaibigan nitong si Payton. Nanggaling din ito sa isang tanyag na pamilya na nagmamay-ari ng mga sikat na resort and malls sa buong Pilipinas.

Sa pagkaka'alam ko, pagmamay'ari din ng kanilang pamilya ang isang sikat na mamahaling brand ng sapatos at bag sa buong mundo.

Cassidy is the epitome of a beautiful lady. May inosente itong mukha ngunit may kapilyahan ding taglay. Hindi na iyon kataka-taka dahil kalat ang pagiging play girl nito sa loob at labas ng campus.

"Hindi kita pinaglalaruan, love." mahinahong sagot nito habang nagsusumamong nakatingin sa akin.

Agad akong nag'iwas ng tingin sa kanya dahil biglang kumabog ng malakas ang aking dibdib. Lately, madalas ko ng maramdaman iyon na pilit kong iwinawaksi sa aking isipan. Wala akong balak na maniwala sa kanyang mga sinasabi. Ayaw kong masama sa mahabang listahan ng mga lalaking nauto at pina'iyak nya.

"Hindi mo ako maloloko, Miller. Kaya paki'usap, tumigil kana." I coldly said bago sya iniwan sa kanyang pwesto.

Bring Me Back To Life (Cousin Series #3) √Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon