Cassidy"Love? Summer?" I gently called her name ngunit wala akong nakuhang sagot mula sa kanya.
Dahan-dahan kong sinilip ang mukha nito only to find out that she's already sleeping. She looked so drained, maybe because of her crying earlier. I wonder what's behind her tears. Even her eyes earlier were full of pain and sadness. Huwag ko lang talaga malaman-laman na may umaway sa kanya. I wouldn't forgive that person for making my Summer cry.
Imbis na gisingin ito ay maingat ko na lamang syang inihiga sa kanyang kama. Itinaas ko ang comforter hanggang sa may bandang dibdib nya.
Umupo ako sa gilid nito, "What happened, love?" pagkausap ko rito kahit na hindi naman ito sasagot sa akin.
Masuyo kong hinahaplos ang kanyang pisngi habang nakatitig sa maamo nyang mukha. Nakagat ko ang ibaba kong labi ng bumaba ang aking tingin sa namumula nyang labi. Kahit na nag-aalala ako sa kanya may oras pa talagang lumandi itong utak ko. Hays
"Iha? Ayos lang ba kayong dalawa dyan?" Nabaling ang atensyon ko sa boses ng mama ni Summer na nasa labas ng pintuan.
Dahan-dahan akong tumayo mula sa pagkaka-upo sa kama upang hindi magising si Summer. Agad kong tinungo ang pintuan at binuksan iyon. Tumambad sa akin ang nakangiting mukha ni tita Clara kaya gumanti ako ng ngiti sa kanya. Ang gaan talaga ng aura ni tita, 'tsaka ang soft and gentle ng personality nya. She will always remind me of my mom. Pareho silang soft and caring sa kanilang pamilya.
"Okay ka lang 'nak?" tanong nito na agad kong tinanguan. Parang may mainit na palad ang syang humaplos sa puso ko dahil sa tawag nito sa akin.
"I'm okay po. Si Summer nakatulog na dahil sa kakaiyak." Bumuntong-hininga ako at nahihiyang nagtanong sa kanya, "If you don't mind, Tita. I just wanted to ask sana kung may problema ba si Summer? Kanina kasi pagdating ko ay mugto na ang mga mata nya. Mukhang ilang minuto na syang umiiyak."
"I really don't know what's happening to her. Sa pagkaka-alam ko galing sya sa kompanya ng kanyang pinsan na si Winter. Akala ko nga dideretso na ito sa school. Nagulat na lang ako kanina ng makita syang matamlay na pumasok dito sa loob ng bahay. I thought pa nga baka nag-away kayo kaya I texted you immediately to come here." paliwanag nito.
And yes, sya ang nag inform sa akin na hindi pumasok sa school si Summer. Mabuti na lang nalaman ko agad. I have this habit pa naman na si Summer agad ang hinahanap ko kapag kararating ko lang sa loob ng classroom namin.
"We didn't fight or have an argument naman po, Tita." depensa ko dahil baka iba ang isipin ng nanay nya.
"I see. If okay lang sayo, pwede bang samahan mo na muna ang girlfriend mo, iha? It seems like she needs you right now. May aasikasuhin din kasi ako sa loob ng kompanya kaya hindi ko sya mababantayan ngayon. I hope it's fine with you." Magaan itong ngumiti sa akin habang malamyos nyang hinahaplos ang aking buhok.
What a sweet mother.
"Of course, Tita. I am more than willing to take care of her."
BINABASA MO ANG
Bring Me Back To Life (Cousin Series #3) √
RomanceStudent x Student "You managed to make me fall in love with you hardly. So whether you like it or not, you'll stick with me forever."- Summer Morris Lambert Date Started: August 30, 2022 Date Finished: January 15, 2024