Chapter 13

5.6K 219 11
                                    


Summer

"Ano na?"

"Anong ano na?" umikot ang mata ng kasama ko dahil sa sagot kong iyon.

Ba't ba ang hilig nilang paikutin ang kanilang mga mata? Para tuloy silang sinasaniban ng kung anong elemento.

"Past four na po. Malapit nang matapos ang klase ng future girlfriend mo. Huwag mong sabihing nakalimutan mong may date kayo ngayon?" Porche raised her eyebrows at me.

Mabilis akong napatitig sa suot kong relo. Damn! Buti na lang pinaalala nya sa akin.

Well, she knew na inaya kong lumabas si Cassidy.

Akala ko magugulat pa ito sa nalaman ngunit nagkamali ako dahil tinawanan lang ako ng bruha. She even congratulate me dahil nalampasan ko na daw ang pagiging denial era ko.

Baliw talaga!

Buti na lang din wala si Xenon ngayon, ang kakambal nya. Sigurado akong tutuksuhin lang ako ng isang yun. Malakas pa naman ang topak non sa utak.

"I have to go. Pupuntahan ko pa sya sa classroom nila." aniya ko dahil hindi kami magkaklase ni Cassidy sa huling subject. Tapos nasa kabilang building pa ang classroom nito. Hays!

"Sure. Huwag masyadong aggressive." Pilya itong ngumiti na ikina'ikot lang ng mga mata ko.

Parang tanga talaga.

Walang imik na lang akong lumabas sa aming classroom habang malalaking hakbang ang ginawa ko upang maabutan si Cassidy. Five minutes na lang matatapos na ang klase nya.

"Hi, Sum! Himala at naligaw ka dito?" natatawang tanong ni Quinn habang nakatingin sakin. Probably because of my face na may tumutulo ng pawis ngayon.

Damn it! Ayoko talagang naglalakad ng mabilis dahil mabilis din akong pagpawisan.

"May susunduin lang." keme kong sagot habang sinusuklay ang aking buhok gamit ang aking mga daliri.

Sa lahat ng pagkakataon ba't ngayon pa ako 'di nakapagdala ng panyo? Kainis naman!

"Who's the lucky girl?" tumaas-baba ang kilay nito habang may pang aasar na ngiti ang syang nakapaskil sa labi nito.

She's a friend of mine though not that close, but she knows na hindi ako madaling magka gusto sa isang tao. Kaya ganyan ang reaction nyan.

Anyway, she's the SSC President here kaya sikat talaga ang babaeng 'to. Beauty and brain 'ika nga ng mga students na nagkakagusto sa kanya.

Well, she's really beautiful naman talaga. It just that, she's not my type. So, nah.

"Si Cass...." Hindi ko na natapos ang sasabihin ko ng biglang lumabas ng classroom ang taong dahilan kung bakit ako nandito ngayon.

Mukhang wla sya sa mood ngayon dahil sa pagsasalubong ng magaganda nyang kilay. Napa kunot-noo ako ng makita ang lalaking nasa tabi nya na pilit syang kinakausap habang nagpapa cute sa kanya.

Eww! Mukha namang aso. Tch!

Akmang lalapitan ko na ang mga ito ng bigla syang lumingon sa pwesto ko. Natuod ako sa aking kinatatayuan ng magtama ang mata naming dalawa. Mukhang nagulat ito ng makita ako ngunit agad din namang napalitan ng ngiti ang nakabusangot nyang mukha kanina.

Bring Me Back To Life (Cousin Series #3) √Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon