Cassidy"You okay?"
Napalingon ako sa taong nagmamay-ari ng boses na iyon. I immediately smiled at her when I saw her confused look. Minsan talaga ang cute nitong si Summer.
"Of course. I am just mesmerized by the scenery in front of me. I didn't know that this kind of place still existed."
Muli akong lumingon sa unahan habang hindi nawawala ang paghanga sa aking mga mata. Matapos ang nangyari kanina sa parking lot ng school ay agad nya akong dinala dito sa isang restaurant na may overlooking view.
First time kong makapunta sa lugar na ito and I'm happy na dito nya ako dinala. It is so peaceful here at ang ganda ng tanawin at ang lamig ng hangin. Ang sarap lang sa pakiramdam.
"Pasensya na kung medyo natagalan ako. May nakasalubong lang akong kakilala pagpunta ko ng comfort room." agad na paliwanag nito dahilan upang ilayo ko ang aking mata sa tanawin na nasa harapan ko.
Pagkatapos naming kumain kanina nagpa'alam nga ang isang 'to na pupunta sa cr. So yun pala ang rason kung ba't ang tagal nyang bumalik dito.
"Who?" I sip from my tea habang mariing nakatitig sa kanya.
I don't want to sound and look weird but yeah. I get so easily jealous lalo na pagdating sa kanya that's why ayokong may mga babaeng lumalapit sa kanya lalo na kapag alam kong may gusto ang mga iyon kay Summer ko.
"Just a friend way back in high school." nakangiting sagot nito.
"Babae?" Ayaw pa'awat ang bibig ko sa pagtatanong.
"Yes. And if you'll asked me if close kami. Then my answer is a big NO. We're not close that's why I tried to end our conversation immediately."
I don't know why, pero biglang kumalma ang pagtibok ng puso ko dahil sa paliwanag nyang iyon.
"And also, I don't want you to wait for me that long. It is our first date and as much as I can, ayokong may umistorbo sa atin." She winked at me dahilan ng pagkagat ko sa ibaba kong labi. Ramdam ko din ang pag'iinit ng magkabila kong pisngi na mukhang napansin nya pa ata dahil sa biglang pagngisi nito.
"I didn't know you have a sweet tongue," kunwa'y pagmamaldita ko.
"I'm just telling the truth. And seems like you have a trust issues that's why I explained immediately. Ayokong pag'isipan mo ako ng masama, 'no." She playfully said.
Alam kong nagbibiro lang sya ngunit diko mapigilang ma'guilty.
Yeah, I do have a trust issues. And it was the reason why I became a person that I never imagined I would be.
It seems like what happened in the past will still haunt me, eh?
"I trust you." The only words that came out from my mouth.
Mukhang natigilan pa ito dahil sa sinabi ko. She looked at me intently as if she wanted to know what's going on inside my head.
Ngumiti ito, "Thank you. I won't break your trust. I promise."
Yes, please. Kasi hindi ko na alam kung ano ang mangyayari sa akin kung pati ikaw.....
Damn this thoughts!
"Promises meant to be broken." Bigla na lamang lumabas sa aking bibig na mukhang ikinagulat nya. Ako din naman nagulat sa sinabi ko.
Damn! I didn't mean it.
BINABASA MO ANG
Bring Me Back To Life (Cousin Series #3) √
RomanceStudent x Student "You managed to make me fall in love with you hardly. So whether you like it or not, you'll stick with me forever."- Summer Morris Lambert Date Started: August 30, 2022 Date Finished: January 15, 2024