Chapter 15

5.3K 195 31
                                    


Summer

"Miss Lambert?"

Kunot noo akong lumingon sa taong tumawag ng pangalan ko. Naipilig ko ang aking ulo ng tumambad sa aking harapan ang lalaking hindi pamilyar sa akin. I think he's in his late thirties ngunit hindi iyon masyadong halata dahil sa klase ng tindig nito at pangangatawan.

Pero base sa suot nitong itim na slacks at puting long sleeve na pinatungan ng itim na suit, masasabi kong isa syang bodyguard ng mayamang pamilya. Pansin ko rin ang baril na nakalagay sa gilid ng bewang nito na syang lalong nagkumpirma sa hula ko.

"Who are you, sir?" magalang kong tanong dito at pansin ko ang pagtaas ng gilid ng labi nito.

"I'm Desmond Hart. I'm a bodyguard working at Mr. Miller"

"What do you want from me?"

"Mr. Miller wanted to talk to you, kid. Please follow me. He's in the parking lot."

Tumaas ang aking kilay dahil sa sinabi nito. Gayunpaman, sumunod ako rito. I'm curious kung ano ang kailangan sa akin ng ama ni Cassidy.

Hindi ko maiwasang makaramdam ng kaba habang papalapit kami sa itim na sasakyan. I click my tongue ng makitang isa iyong rolls-royce phantom. Filthy rich old man.

"She's already here, sir." sambit nitong kasama ko at kasabay noon ang pagbaba ng bintana ng sasakyan kung saan ako nakatayo.

Kumabog ng malakas ang puso ko ng makita ang taong prenteng nakaupo sa backseat ng sasakyan. He's in his fifties at masasabi kong malaki ang pagkakahawig nilang dalawa ng babaeng mahal ko.

Lumingon ito sa gawi ko kaya kitang-kita ko ang seryosong mata nito na mariing nakatitig sa akin. He's trying to intimidate me pero wala akong pake. Mas nakaka'intimidate pa si kuya Emeric. Ang personal butler nila Winter na napaka'loyal sa kanya.

"Stay away from my daughter, kid."

I almost rolled my eyes because of what he said. Ba't ba palagi na lang ganito ang eksena kapag ang mga ama ang kausap? Para namang ang daling gawin ng mga utos nila. Tch! 'Tsaka in fairness naman sa kanya. Nakilala at nahanap nya ako. Hahaha. Joke!

Syempre madali lang iyon sa katulad nyang maimpluwensyang tao. Baka nga may mga bodyguard ang palihim na nagbabantay kay Cassidy. Her father wouldn't know about my relationship with her if walang nagsumbong.

"Nasaan ang ten million?" untag ko na ikina-kunot ng noo nito. Nagbibiro lang eh.

"What?" matalim itong tumitig sa akin. "I didn't know that my daughter liked a person like you." nang-uuyam ang boses nito na hindi ko pinansin.

Tinitigan ko lang ito ng maglabas sya ng cheque sa suot nitong business suit at nagsulat doon. Inabot nya iyon sa akin pagkatapos ng ginawa nya.

"That's one billion pesos. I suppose that's enough already for you to stay away from my daughter, Miss Lambert."

Nakangiti kong inabot sa kanya ang maliit na papel na hawak nya na mas lalong nagpalaki ng kanyang ngisi.

"Thank you, sir. Siguradong matutuwa ang mga bata nito sa charity. Malaking tulong po ito sa kanila." tukoy ko sa home of hope. Yung charity na sinusuportahan ko.

Pansin ko ang pagkawala ng ngisi nito bago ako matalim na tinitigan. Bago pa ito mag-alburuto sa galit, mabilis ko ng pinunit ang cheque habang nakangiti sa kanya ng matamis.

Bring Me Back To Life (Cousin Series #3) √Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon