Chapter 29

4.6K 159 12
                                    


Cassidy

"Mukha kang aligaga tingnan, sweetie. What's wrong?" Tita-mama asked ng mapansing hindi na ako mapakali rito.

Nagsimula na ang birthday party ni Dad ngunit hindi pa dumadating si Summer. She even not contacted me yet na syang ikinababahala ko. Maayos naman ang pag-uusap namin kahapon and we already settled things out about doon sa nakita nya kaya imposible naman sigurong hindi iyon tutuloy ngayon. Isa pa, nandito na lahat ng family nya. Akala ko pa nga kanina ay sama-sama silang dumating dito.

"I am just worried about Summer. She should already be here right now."

"You worry too much, sweetie. Just wait a little bit, okay? The party just started, and maybe she's on her way here already. Minsan kasi parang uod talagang kumilos ang anak kong iyon. Pagpasensyahan mo na." Pagbibiro nito na ikinangiti ko.

Napabuntong-hininga na lamang ako at kahit nag-aalangan ay nagawa ko pang ngumiti sa kanya. She patted my shoulder bago umalis sa pwesto ko upang pumunta sa pwesto ng asawa na kausap ngayon ng tatay ko at ng iba pang bisita. I think magkakakilala ang mga ito dahil yung ibang bisita ni Dad ay kasama sa mga matutunog na pangalan sa business industry.

"A gorgeous woman like you doesn't deserve to be alone." napalingon ako sa taong nagsalita sa likuran ko. "Can I sit here beside you?" aniya dahilan upang tumaas ang kilay ko. Lalo na ng maging pamilyar ang mukha nito.

"No. I don't know you, and I don't need someone to talk to me right now." pagmamaldita ko na tinawanan nya lamang. Is he crazy?

"Well, I am Zion Florence." pagpapakilala nito. "Remember the guy who helped you yesterday? That's me, in case you forgot."

"Alam ko. Thank you if that's what you want to hear from me. I really appreciate your help, but please. Refrain from talking to me." akma na sana akong tatayo sa kinauupuan ko ng pigilan ako nito.

"Chill, Miss Miller. I meant no harm. I just wanted to know you more and maybe become your friend if you like."

Walang gana ko itong tiningnan na ang laki ng ngiti towards me. "Really?" bored kong tanong. "Do I look like I need a friend? I already have a best friend, and she's enough. Stop this drama. I think I know where this talk is headed."

Nagulat ako ng bigla itong tumawa. Like tawang-tawa talaga sya na para bang nagjo-joke time ako kahit hindi naman. May sayad ata sa utak ang lalaking 'to.

"Omg! Girl, stop me! Hahaha." ang saya nya. Sobra. 'Tsaka ano daw? Tama ba ang narinig ko?

Is he?

"Are you gay?!" bulalas ko na ikina-irap nya. Ay, shala? So, bading nga ang isang 'to?

"Yes, I am. So stop thinking that I am making a move on you. Gosh! Kabahan ka naman, teh. Hindi tayo talo." Parang diring-diri pang sabi nito. "Hotdog din ang hanap ko." natawa ako sa huli nitong sinabi at may pagpilantik pa talaga ng mga daliri. Bakla nga!

"Hindi halata ah." pang-aasar ko dahil lalaking-lalaki ang awrahan nito. Yung tipong pang boy next door ang peg nya.

"Ikaw din naman. Hindi halatang patay na patay kay Miss Summer."

Hindi na ako magtataka kung paano nya nalamang may relasyon kaming dalawa ni Summer. Halos lahat naman ata ng students sa Payton University ay alam ang tungkol sa relasyon naming dalawa. We never bother to keep it a secret lalo na ako. Duh? Hinahabol-habol ko pa nga 'yan dati. Kaya ba't pa itatago kung pwede namang landiin ng lantaran. Right?

Bring Me Back To Life (Cousin Series #3) √Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon