4

342 11 0
                                    


Sa pagtatapos ng taon na magkasama kami ni Cloud ay wala naman problema. In the passed months nakita ko rin ang pabago bagong mood ni Cloud.

The last time he  got home he was extremely happy. Kulang na lang ipagsigawan niya sa labas.

Tingin daw niya ay magiging sila na ulit... until the next day he was so devastated.

He's wasted.

Umuwi siyang lasing na lasing at umiiyak. He said, myluvs leave him already. Hindi niya raw alam kung nasa'n siya ngayon.

I said I'll help him find her kahit na hindi ko naman kilala kung sino siya. Cloud is  a good man kaso tanga.

Sorry for saying it but yeah he is.

Kinaumagaan ay dumating ang mga kaibigan niya. Sila 'yong mga kaibigan niyang pumunta sa kasal.

Ang ingay nila. Hindi ako makapagpokus sa pag re-review. Sa huli ay hinintay ko na lang silang umalis.

Pagkalabas na pagkalabas ko ay nakita kong busy sa laptop si Cloud. Napatingin ako sa likod niya. Wala siyang damit pang itaas at dahil sanay naman na ako hindi na ako nailang. Umupo ako sa tabi niya at nakita ang maraming can of beer.

"Wow!" i exclaimed and get one of the can.

Tumingin naman siya sakin at tinaasan ako ng kilay.

"You can't drink that."

"Ay, Ulap baka nakakalimutan mong bente dos na ako. I can drink 'no, i use to partying every night" saad ko at itinaas ang beer. "Cheers"

Napapailing na ibinaba niya ang laptop at nakipag inuman sa'kin.

Makalipas ang oras ay wala ng natirang beer para samin kaya binuksan niya ang liquor na naka stock doon sa kusina at ininom.

"I gave up." mahinang bulong niya.

"I fucking give up. If she doesn't want to show herself... okay then i let her." bulong bulungan niya.

"Who? myluvs?"

"Yeah."

Natahimik kame saglit bago ko siya binalingan ulit at nagbigay ng makabasag bungong kasabihan.

"You know what kaya ayokong na iinlove e. Grabe tignan pa nga lang kita..." tumigil ako at tinignan siya na titig na titig sa'kin, "You're wasted. Ayusin mo na lang siguro ang sarili mo. Medyo... sorry ah. Medyo tanga ka na kasi pag dating sa part na humahabol ka sa tao 'yon eh alam mo naman na ginagawa kalang panakip butas."

Tumawa lang ito at tumango. "Yeah, dapat pala pinanindigan ko na lang ang pagkakaro'n ng asawa." mahinang bulong niya, taka naman akong bumaling sa kan'ya.

"I just realized. What if i should try making this marriage work? like what our family expecting for?" dahan dahang saad niya.

Nanlaki naman ang mata ko at nilunok ang huling baso.

"Hoy! hibang ka na naman. Lasing lang 'yan halika na, i hahatid na kita sa kwarto mo. Para kang ulap, lumilipad na kaluluwa mo."

Tinulungan ko siyang tumayo at gano'n na lang ang ngiwi ko ng magpabigat siya sa balikat ko.

Habang dala dala ko siya ay naaamoy ko ang kanyang pabango. Napapalunok ako ng maamoy siya.

"Wife..." mas natigilan naman ako ng bumulong siya sa tenga ko, bahagya rin dumitkit ang labi niya sa leeg ko.

"Eww." ngiwi ko.

Nang makarating sa kwarto niya ay padarag na inihiga ko siya. Ang lakas naman ata ng alak na ininom niya?

I just drink can beer, dahil nag rereview panga ako.

I use to clean Theo mess kaya ginawa ko na rin dito sa lalaking 'to. Kung bakit ba naman kasi tatanga tanga.

"Hay nako." buntong hininga ko.

Kumuha ako ng bimpong basa at ipinagpunas sa kan'ya. Habang pinupunasan ko siya ay umuugol siya.

"Hoy gagi" bulong ko sa kan'ya. "Nanaginip kaba ng porn?"

Hindi naman ito sinagot kaya itinuloy ko na lang ang pagpupunas sa kan'ya.

A minute passed i just stare at him. Tinitignan ang bawat sulok ng mukha niya. Hindi ko pa nagagawa 'to sa ibang tao, except of Theo sempre.

Tumayo na ako at lumabas sa kwarto. Bahala siya, siguradong ihe-head bang niya ang sariling ulo nito bukas.

Hindi ko na rin itinuloy ang pag rereview at natulog na lang. Sabi nga nung napanood ko, 'Ang solusyon sa problema, itulog mo'.

Kinabukas ay maaga ulit akong gumising at same ng routine, wala na naman si ulap dahil ata may lipad.

Pero 'yon ang pagkakamali ko. Nangunot ang noo ko ng makita siyang nagluluto ng almusal sa kusina.

"Hoy cap, wala kang pasok?" tumingin ito sa'kin at ngumiti.

"Hi."

Napangiwi ako nang 'yon lang ang sagot niya. Naiiling na kinuha ko ang sapatos sa gilid ng pintuan at isinuot 'yon.

"Are you going without eating breakfast?" biglang salita nito.

Umiling ako at tumayo, nagpunta ako sa harapan ng salamin para ayusin ang mukha ko.

"Hindi na cap, late na rin ako."

"Anong late? it's 7 in the morning, you should eat." pumunta siya sakin at hinila ang braso ko paupo.

Nagtataka naman akong tumingin rito. Magsasalita pa sana ako nang lagyan niya ng pagkain ang platong nasa harapan ko.

"You should eat. Ipinagluto talaga kita kaya kumain ka."

Nagsalubong ang kilay ko sa pagtataka. Why would he cook, for me? napapailing na kumain na lang ako.

Ilang saglit ay nagsimula na rin siyang kumain. Pero mas naiilang ako dahil bawat subo ko ata ay nakatitig siya sa'kin. May dumi ba ang mukha ko?

Umilaw ang phone na nasa tabi ko, kaya nakahinga ako sa matinding pag titig sa'kin ni Ulap.

Theo just text me. He was asking if I'm going to school na ba. Kaagad kong ni-replayan 'to at sinabi kong patapos na kong mag almusal.

Binitawan ko ang phone ko at humarap kay Ulap para makitang nakatitig lang 'to sa'kin. Nginitian ko naman 'to at ngumiti rin siya.

Ilang sandali lang ay umilaw na naman ang phone ko kaya tinignan ko 'to.

'Luh kala ko sabay tayo? apaka bad mo. Mabalaukan ka sana.'

Nangunoot ang noo ko at naalala ang napag-usapan namin. Nangingiting ni-replay ko siya. Alam na alam ko ugali niya. Kaya lang naman sasabay 'tong kumain dahil dun sa stalker niya.

'Bobo. Nakalimutan ko eh, sensya kana hanap kana bago mong kausap.'

Tumaas ang gilid ng labi ko dahil sa ngisi ko. Ibinaba ko ito at kumain na.

"You're eating, yet you're texting." saad naman ni ulap kaya napapangusong tumingin ako rito.

"I'll drive you to your school. Dadahan  din naman ako."

Tumango na lang ako. Malilibre pa'ko ng pamasahe.

"Theodoreable, huh?" rinig kong bulong niya.

Napahawak ako sa dibdib at tumaas ang kilay, umaktong nabigla. He was reading my conversation with Theo!

Constellation Under the PlaneWhere stories live. Discover now