Nang wala akong natanggap na sagot ay napabuntong hininga na lang ako. Hinayaan ko na muna siya sa kwarto at sinimulang linisin ang unit niya.
Pola is sleeping in my room before. Siguro ay natakot ng amo.
There's a lot of trash around. May basag na baso. Napahinga ako ng malalim at napagtanto ang katangahan ginawa ko.
Tumitig ako sa pintuhan niya pero nanghinayang nang hindi siya lumabas.
I started to clean everything even the dishes and the pillow case who smell alcohol. Natapunan niya ata. Nang matapos ay inilabas ko ang basurang nakolekta. When i got back to his unit still, he still doesn't come out to his room.
Huminga ako ng malalim at nagsimulang lutuan siya. Umabot ako ng alas-tres kaka linis. Nilabhan ko na rin ang pillow case niya. I put the cooked food in the table.
Huminga ako ng malalim at nagtungo sa pintuhan niya. I knock three times. Pero hindi pa rin ito sumasagot.
"I-I'm going na ah... take care. I cooked food for you. Please eat, don't drink too much alcohol. Nalulungkot na si Pola... pakainin mo siya ah? a-aalis na ako... I'm so sorry love." i said.
Bago umalis ay hinaplos ko ang pintuhan niya at umalis na. Nakasimangot akong umalis sa condo unit niya.
Medyo okay na ako. Kailangan ko lang humingi ng tawad. Kung hindi niya kaya na... patawarin ako. Tatanggapin ko. I deserve it. Malisyosa kasi e!
Matapos ang araw ay nagpahinga na ako. Kinabukasan ay maaga ulit ako.
Pupunta ako sa condo niya. Pero bago pa ako pumunta ay nagluto na ako ng almusal para hindi ko na kailangan magluto ro'n at hindi na siya maghintay pa.
But when i reached his condo unit he wasn't there. Kahit sa kwarto ay wala siya. Napatingin ako sa kusina at napangiti ng makitang wala na ang pagkain inihanda ko kahapon. He eat it.
Napatingin ako sa binti ko ng makitang kinikiskis ni Pola ang balahibo niya sa binti ko. Napangiti ako at kinuha siya. Hinaplos ko ang buhok niya.
Naghanda ako ng pagkain para kung sakaling umuwi siya ay may makakain siya. I put that to his fridge.
Naglagay rin ako ng cat food sa pinagkakainan ni Pola at iniwan na siya. Siguro may flight siya ngayon.
Nang makauwi ay gano'n pa rin ang naging routine ko. Natulog lang ako at nagpahinga. May schedule ako kinabukasan. Medyo matagal ang balik ko dahil Philippines to Saudi ang flight. Mag sastay in kami roon ng mga dalawang araw at isang araw naman sa Pakistan, dahil na rin sa back to back flight. Bali lilipad kami papunta roon at lilipad ulit papuntang Pakistan at babalik na sa Pilipinas.
Hindi na rin ako nakapagpaalam kay Cloud. Dahil maaga ang alis ay hindi ko na nagawang mag paalam ng personal, but i text him. Pero hindi naman niya binabasa mga messages ko.
Maagang maaga palang ay umalis na ako ng apartment ko. Habang bumabiyahe papuntang airport ay may nag text sa'kin. It was our land seller. Sinabihan ako nito na nahanda na niya ang papeles.
Sa Pampanga ang lupang bibilhin. Ako ang nag-aasikaso dahil na rin hiniling ko kay Cloud. Nag reply ako at nag update ng schedule for meet up.
Sinabi ko rito na hindi ako pwede at tinitigan ko pa kung papayag ba si Cloud. Especially na hindi pa kami ayos. Nakakalungkot na bawat araw ay mukhang lumalayo siya sa'kin.
Naintindihan naman ng seller ang sinabi ko. Nang makarating sa airport ay si Logan ulit ang captain ng eroplano.
"Hey." bati nito.
Ngumiti naman ako. "Hellow Cap."
"Ayos na kayo ni Cloud?" tanong niya.
Ngumiti ako ng tipid at umiling. Napabuntong hininga naman siya at ipinokus ang sarili sa pagpapalipad ng eroplano.
"That man is wasted. Lagi kaming ginugulo. Nakakaawa balikan mo na." saad nito na ikinatawa ko.
"Sorry. Ako ang may kasalanan. Pero hindi ako susuko. Ayaw niya akong labasan ng kwarto e." saad ko.
"Tsk. Kahit kailan ma pride." he said that made me laugh.
Wala ngayon si Bea dahil day-off niya ngayon. Nakakapagod pabalik balik ng flight.
Nang makarating sa Saudi ay kaagad akong natulog. Dalawang araw kami sa saudi tapos ay lilipad ulit.
I miss him na.
Miss ko na pag pisil niya sa baby bibil ko. Miss ko na mahalikan niya. Ba't kasi ang bobo ko sa part na pakinggan lang hindi ko pa magawa.
Nagsisi tuloy ako. Wag sanq siyang maghanap ng iba habang wala ako. Akin siya e.
Tumingala ako sa kalangitan at nakita ang mga bituin. I search for a constellation in the sky night of the saudi. Mero'n nga. It was Orion constellation.
Sumulyap naman ako kay Sirius. I remember my brother. Masaya ako nung ibanalita ni Mama na nasasabi na nito ang pangalan at tinatawag na sila bilang Mama tsaka Papa.
Na mimiss ko lahat.
Sumigaw ako sa ilalim ng unan at nagpagulong gulong bago matulog.
Kinabukasan ay hindi na ako naglibot. Tinatamad ako. Nag-aaya sila pero nagkulong lang ako sa kwarto at nanood ng kung ano ano na hindi ko naman naiintindihan.
Mamayang madaling araw ang lipad namin sa Pakistan.
At nung lumipad na ang aming team sa Pakistan ay kaagad kaming dumeretso sa tutuluyan namin. Gano'n parin natulog lang ako at hinintay mag umagahan.
Last na flight na at ngayon rin naka schedule ang meet up ko sa seller. Nakakapagod pero pinilit ko na lang.
Pagkarating ko sa bahay ay natulog ulit ako. Jetlag ang inabot ko. Medyo na late na ako sa meet up.
Nang makarating sa isang café na may pangalan Mancao Imperial tea sa A place building. Malapit lang ito sa mall of Asia. Naroon na daw ang ka-meeting ko.
Hindi na ako nakapag-ayos ng maayos dahil sa jetlag. Kulang ako ng tulog. Ang suot suot kolang ay isang itim na tank top at pinatungan ko ng long sleeves na maluwag.
Sabog akong pumasok sa cofe at nag order. Nagsimula naming pag-usapan kung gaano at ano ang itsura ng bibilhin lupa.
Galing pa raw sa mga lola niya ng lupa. Wala naman daw titira ro'n kaya ipinagbibili na lang. Maganda ang lupang binibenta nila. Mawalak ito at medyo peaceful dahil wala masyadong naninirahan sa lugar.
Nagkamayan kami ng napagdesisyunan na bibihil. Even if Cloud and I is in a complicated situation, i still want to build a house.
Lumabas ako habang dala ang kapeng in-order kanina na hindi ko naubos. Dahil mahangin at may kagandahan sa paligid ay naisipan kong mag lakad lakad.
Ngayon lang ako nakadaan dito. Maraming din palang mapapasyalan. Ang ganda pa ng mga building.
Malayo layo na ang nalakad ko at napahinto ako sa may fountain. The building is look an old design. May malaking sign at tingin ko ay ang name ng building. Casa ibarra.
Napatingala ako at nakitang veranda. Napapangiting umiling na lang ako at magsisimula na sanang mag lakad ng biglang may nahulog na bulaklak.
I stare at it and frowned. Sa'n galing 'to? napatingala ako sa pinaghulugan ng flower bouquet at natigilan.
There's a man in the veranda of the casa ibarra building. Parehong nanlaki ang mga mata namin.
In all of sudden i felt weak after seeing him. Na miss ko siya. He looks fine. I smile at him a bit.
Nakanganga lang ito at titig na titig sa'kin.
"W-Wife.." rinig kong tawag nito.
YOU ARE READING
Constellation Under the Plane
RandomThey were arranged marriage. None of them wanted to get married because of their personal things in life. So they came up with the deal. When Polaris had her dream and Cloud had his company, they got separated. But what if one of them fall for the...