11

305 10 1
                                    

Sa mga sumunod na araw ay pilit akong umiiwas. Mas mabuti na 'yon. Hindi naman naaalis o na co-control ng isang tao ang nararamdaman. Kaya ako na mismo ang umiwas.

At saka isa pa, lagi silang nandito. Hindi naman sila nag tatagal at nakakaramdam ata si Cloud na nandito ako sa unit lagi. Pinag hihintay niya lang rito o pinagpapahinga. Pero kahit na gano'n kahit kailan, hindi ko pa nakikita si my labs. Hindi ko alam kung sino siya.

Pero parang nananadya siya e. Bawat iwas ko ay siyang lapit niya. Kung hindi ako kakatukin sa kwarto ko para pakainin ay kinakausap niya ako pag nasa kitchen.

Kaya minsan tumatambay na lang ako sa coffee shop ni Theo. Roon kahit manggulo ako hindi ako palalayasan no'n. May libreng wifi pa.

Wala si Cloud kaya nandito ako sa condo at sinosolo ang living room. Nanonood ako sa tv habang inaayos ang papeles na nasa laptop ko. Nakaupo lang ako sa sahig habang nanonood ng Harry potter.

Ewan ko. Kahit ilang ulit kong panoorin 'yong pinaka unang palabas noon ay hindi ako nagsasawa. Kaming dalawa ni Theo a fan talaga ng harry potter novel. Nag-uunahan nga kaming maka kumpleto ng libro e, kaso broke kaming pareho.

Habang abala ako sa laptop ko umilaw ang phone ko. Napatingin ako ro'n at tinignan kung para saan. It was Theo ig story.

Nag screenshot siya ng pinaglalaruan niya. Napailing naman ako, proud na proud pa siya eh puro tsokolate ang mga nakuha niya sa rank. Ni-replayan ko 'to at inasar.

'Weak mo. Puro chocolate history mo sa ml bobo.'

Natawa ako at inilapag ulit ang phone ko. Inabala ko ulit ang pagaayos sa mga papeles ko.

Actually natanggap na ako. I apply an private plane aviator. I have certificate in private aviator kaya napabilis ang pagtanggap sa'kin. Mas mapapadali kung sa private plane ko muna susubukan at sasusunod ang commercial flight. Sadyang mapili lang talaga at maarte ang airlines na napplyan ko. Lolo suggest Cloud company pero tinanggihan ko.

Pero napaka mapagbiro talaga. Ang kumpanya na applyan ko ay sa tatay ni Logan na kaibigan ni Cloud.

Well Cloud is a private pilot and Logan is a public servant.

Napapanguso ako nang matapos ang ginagawa. At nang mapaunat ako ay siyang bukas ng pinto. Napatingin ako sa pumasok at nakita si Cloud.

Hindi ko na sana siya papansinin ng makita ang nasa likod niya. Nanlaki ang matang tinitigan ko siya. Natigilan naman siya at napatakip ng bibig.

He's with Avery.

Theo stalker.

Lumunok ako ng magawi ang tingin ko kay Cloud na nagtataka sa inakto ko. Bumati siya sa'kin at tinanguan ko lang siya. Niligpit ko ang gamit ko at pinatay ang tv. Napatingin ulit ako kay Avery.

"P-polaris." bulong na tawag nito.

Ngumiti ako ng pilit at naglakad na papunta sa kwarto ko.

"K-kumain kana?" tanong ni Cloud.

Natigilan ako at humarap sa kanila. Gulat pa rin si Avery at si Cloud naman ay hindi ko malaman kung anong ekspresyon ang nakikita ko rito.

"Oo." paalam ko at pumasok sa loob.

"Tang ina." mahinang usal ko.

All this time. Si Avery the stalker lang pala ang minamahal ng gago. Wow, then why would she pursing Theo? what the fudge.

Napailing ako at hindi na lang nakialam. Dumeretso ako sa cr at naghilamos, naghahanda nang matulog. Bukas ay aalis ako at i te-training ulit para makapagtrabaho na ako.

I need experience from a private flight bago ako maka apply sa public servant. Sabi nila bibihira sa mga babae ang nagpipiloto. Okay naman na ako ro'n ang mahalaga ay makalipad ako.

Kinabukasan ay inagahan ko ang gising ko. I ask Theo to pick me up to a bus stop dahil mas mabilis akong makakarating e, malayo pa naman ang Pasay sa Quezon city.

Suot ko ang puting pilot shirt na short sleeve lang at nag black slim fit jeans. Lumabas ako sa kwarto dala dala ang mga papeles ko. Pagkalabas na paglabas ay ang naglalakad na Cloud ang nadatnan ko.

Parang may flight siya ngayon dahil naka jeans na siya habang inaayos ang buhok niya.

He look at me and my outfit. Ngumiti siya.

"It's perfectly suit to you Aviatrices. Salazar." papuri nito na ikinangisi ko.

"Bagay ba? ako lang 'to." Pag bibiro ko. Nagtungo ako sa kusina at hindi pinapansin ang tawa niya. Kumuha ako ng tubig at uminom bago inayos ang sarili handa nang lumayas.

"Sabay kana sa'kin." biglang hablot niya ng braso ko.

Napatingin ako ro'n at napalunok. Nakasuot na siya ng uniporme niya at handa na rin lumabas.

"Ah, may mag hahatid na sa'kin e." ngumiti ako rito at kinuha ang braso ko.

Nangunot naman ang noo niya. "Who?"

"Si Theo." simpleng sagot ko habang pinapagpagan ang jeans na suot.

"Oh siya, ayokong ma late. Alis na ako." saad ko.

"Wait-" habol naman nito, "Sabay na tayong bumaba." pilit na ngiti niya.

Tumango lang ako at hinintay siyang isara ang pinto. Habang naglalakad kami patungo sa elevator ay nitext na ako ni Theo na nasa labas na raw siya.

Ibinaba ko ang phone ko at sinulyapan si Ulap. Napalunok ako ng makitang salubong ang kilay at tupi ang mga labi nito. His jaw line clenching, gumagalaw galaw pa 'to.

He shift his gaze at me at agad na nagbago ang ekspresyon niya nang makita akong nakatitig sa kan'ya.

Bipolar.

Tunog ng mga sapatos namin ang naririnig habang nalalakad kami palabas ng condo. Ang mga taong nakapalibot ay napatingin sa amin.

At dahil pabibo ako itinaas ko ang panga ko at aakto na sanang kakaway nang makita ko ang hayop na kaibigan na nagpipigil ng tawa.

Ngumuso ako at pinandilatan siya. Nang makarating sa harapan niya ay pareho kaming napatingin sa tabi ko.

Cloud is staring at Theo, parang lalamon ng tao dahil titig na titig at salubong ang kilay. Ang mga mata ay nanliliit. Nagtataka naman kaming pareho ni Theo.

A guy give Cloud's key car. Nasa harapan na ang kotse niya pero hindi parin siya gumagalaw. Nakasabit ang brown leather sling bag niya sa balikat at sobrang higpit ng hawak nito sa strap no'n.

"A-ah, pre. M-mapuputol mo na tali ng bag mo... m-mahal siguro 'yan Gucci e'" sabat ni Theo pero hindi siya sinagot ni Cloud.

Tiim ang bagang nito, at titig na titig ang iretado niyang mata kay Theo. I tap his arm kaya napatigil siya at tila umamo ang mukhang tumingin sa'kin.

Rinig ko ang pagsinghap ni Theo at nagtago pa sa likod ko.

"Owsim." rinig kong sabat no'ng nagbigay kay Cloud ng susi.

Nagkatinginan kaming dalawa ni Theo at humarap sa lalaki na nagugulat na lumingon sa'min.

Itinaas namin dalawa ni Theo ang tatlong daliri sa bandang huli at pinagdikit ang hintuturo at hinlalaki. Naging 'okay' sign at winagayway.

"Owmsim." sabay na sagot namin ni Theo.

Natawa 'yong lalaki at nakigaya na rin.

Napatingin ako kay Cloud na salubong na naman ang kilay at nagtataka sa pinagsasabi namin.

"What?"

"What daw." bulong ni Theo.

"Ah wala. Secret 'yon, for kabataan only." i said sarcasmly.

Mas nangunot ang noo nito, "I'm still young. Two years nga lang tanda ko sa'yo."

Nagkatinginan ulit kaming dalawa ni Theo at natawa. Hinayaan namin siyang titigan kami na paalis. Isinuot pa ni Theo ang helmet sa ulo ko at ipinaarurot ang motorbike niya.

Iniwan ang tulalang Ulap sa harapan ng condominium.

Constellation Under the PlaneWhere stories live. Discover now