Kinagabihan ay naghanda na ako para umalis. I wear my white uniform with three stripe in my shoulder board, sa ilalim ay isang slim fit na pantalon na kulay itim. Together with my necktie. Itinali ko ang buhok ko at kinuha ang hat na naka sabit sa dingding ng aking silid.
Napangisi ako ng makita ang mukha ko sa harapan ng salamin. Mukha akong professional.
Mas lalo akong natuwa dahil gabi ang lipad namin. Sabi ni cap, espesyal daw ang mga ihahatid namin. Kaya hindi pwedeng ipagpaliban.
Dapat nga raw si Logan ang isasama niya ang kaso ay hindi makalusot sa schedule ng flight niya.
Gabi ang flight. Nangangahulugan may mga bituin. Tuwang tuwa ako nang lumabas ng bahay. Ini-lock ko lahat ng pinto at pinagpapatay ang ilaw bago umalis.
I call a cab para hindi masyadong malukot ang uniporme ko. Habang paparating sa destinasyon ko ay biglang umilaw ang cellphone ko.
Ulap is texting me. Bago 'to ah.
Naibigay ko na ang schedule ng divorce paper. Kukunin na lang daw ni tito, sasabay na lang daw niya sa hawak niyang kaso. Nag-text ako sa kanya pero hindi niya ako nereplyan at ngayon naman ay nag tetext.
Nang makita ang pangalan niya sa screen ay napailing ako. Nakababa na ako sa sinakyan at nabayaran ko na rin. Hindi ko na nagawang replyan si Cloud dahil sinalubong ako ni Cap.
He compliment my look. Lumalaki na nga ang ulo ko e. Nagbiro siya nang nagbiro saamin habang hinihintay namin ang dalawang pang kasama.
Sa pribadong ereplanong sasakyan namin ay may dalawang flight attendant kaming kasama. Ni-request raw ni Cap sa kaibigan niya na ihahatid namin.
"Oo, dalawang flight attendant na para masulit mo naman ang unang hatid mo. Ayaw mo no'n, may waitress din tayo!" tatawa tawang saad niya.
Napapailing na lang ako sa kalokohan niya. Parang ibang iba siya kay logan e.
Nang manahimik si Cap ay inayos ko na lang ang gamit ko. Pinakatitigan ko ang buong airport. Walang masyadong tao.
Ilang saglit pa ay napatingin ako sa dalawang babaeng naka pang flight attendant na uniform. They are walking toward us.
Nginitihan ko sila nang batian nila ako. Nag hitay pa kami ro'n dahil hindi pa dumadating ang kaibigan ni Cap.
Nang magkayayahan na pumunta na sa loob ng landing areas ay sabay sabay kaming naglakad. Pero napatigil nang may tumawag sa pangalan ko.
I look behind me and see him running toward me. Nanlalaki ang mata ko at hindi mawari kung anong ginagawa niya rito.
Cloud is running to me, ang bilis nang takbo niya, baka madulas ang mokong.
"Polaris!" sigaw nito kaya napahinto ako.
I look at him as he stopped in front of me and winded. Inabutan ko siya ng dalang water bottle, he grab it and drunk it all. Napatingin ako sa kasamaan ko na pawang nagtataka.
"O, si Mr. Alcantara pala 'to. Anong sadya mo hijo? may flight kaba?" tanong nito.
Naghahabol pa rin ng hininga si Cloud at umiling-iling, sabay ng paggalaw ng kamay niya.
"N-no tito. I-i'm here because i need to talk to my wife." he said as he is winded.
Nanlaki ang mata ko at tumingin sa likuran ko. Si Cap na nakataas ang kilay. Umiling agad ako para ipahiwatig hindi iyon totoo.
"C-can i?" tanong niya.
Lumingon siya sa mga kasamahan ko at sa akin. Salubong ang kilay kong tinignan ko siya.
Cap look at his watch and nod.
"Yeah, sure but in 30 minutes get ready we're going na" he said smiling.
I smile too and wave at them. Sabay sabay ang mga ito na umalis.
I crossed my arm and look at Cloud flatly.
Wag mokong pipigilan unang flight ko 'to gago.
"I-i'm sorry... c-can we talk?" saad niya.
"We're talking na."
"I-i mean. C-can we talk a-about... us?" tanong naman nito.
Nagkunot ang noo ko at tinitigan lang siya. Hindi ko alam kung anong pinagsasabi niya. Malapit na lang kaming lumipad e.
"Anong ibig mong sabihin? Cloud, natanggap mo ba 'yong mensahe ko? tito has already settled the rest. Kailangan na lang ay ang pirma–"
"I-i know. But... I don't want too. A-ayoko. Pwede bang pag-usapan natin ngayon?"
Nagsalubong ang kilay ko at napatingin sa oras. Malelate na ako hindi na afford ng oras ko ang makipag-usap pa nang matagal sa kan'ya.
I shook my head and hold my travel bag.
"Hindi na pwede. Iniintay na ako ni Cap."
"K-kahit ilang minuto lang. Isang minuto na lang." utal na saad niya.
I shook my head at tumodo na ang salubong ng kilay ko. "Cloud..." i close my eyes, trying to calm my self. Unang lipad ko ngayon at ayaw kong masira 'yon.
"Pwede ba... pwede ba pagdating ko na lang? I really can't cancel this one. Unang araw kong magpalipad ng may pasahero. Hindi ko kayang isakripisyo iyon para sa usapan natin. Just wait for me to come back... then we'll talk." i said flaty.
Tatalikod na sana ako ng hablutin niya ang kamay ko. Inis na lumingon ako rito.
"I'll... wait you come home. Let's talk wife. I-i can't sign it... please." he said.
Bago pa maubos ang oras ko kadaldal sa kan'ya ay hinarap ko siya.
"We can talk at mystery café near this airlines. Itetext kita, mauna na ako." i said and walk away.
Habang naglalakad ramdam ko ang mga titig niya. Hindi ko maiwasang magpabuntong hininga. Ano na naman palabas ang gagawin niya?
Is he going to use me again? wala na naman ba si Avery para magkukumahog siya rito at sabihin ayaw niyang pirmahan ang kasunduan namin?
What if he's going to use me as a rebound again? like how i feel when he's acting weird.
Inalis ko sa isipan si Cloud at sumakay na. It's eight forty-five in the evening. Around nine ata ang alis namin.
Nang nakapasok ay naghahanda na ang mga flight attendant. Cap told me the passenger guest will be here soon. Nagbiro pa nga na kinidnap raw kasi niya ang kasama ng kaibigan niya kaya natatagalan sila.
"I didn't know na mey asawa kana pala. And guess what, it's my son's best friend." mapanukso ang tono ng pananalita niya.
I rolled my eyes while fixing my noise reduction headset.
"Actually we're going to divorce, Cap." i said, still busy fixing all i see in the cockpit.
Napatingin ito sa'kin tila nagtataka. Ngumiti ako rito at tumango.
"Wow, a woman like you is the least person i imagined being divorce. Strong woman... grape!" humalakhak ito kaya naman napatawa rin ako.
"But... seriously i don't know how you two got married. Hindi man lang ako nakadalo! I'm Cloud's best tito kaya!" pagdadamog niya.
Napangiwi ako at tinignan siya, "It's arranged marriage ho Cap. Kaya konti lang nakaka alam, and after that marriage i and cloud agreed to separate as soon as possible after i get work." pangkukwento ko.
Hindi naman ako nahihiya. Kilala ko naman na si Cap, madaldal siya pero maaasahan.
Napailing siya at nag tsk-tsk, "Grabe... bagay pa naman kayo."
YOU ARE READING
Constellation Under the Plane
De TodoThey were arranged marriage. None of them wanted to get married because of their personal things in life. So they came up with the deal. When Polaris had her dream and Cloud had his company, they got separated. But what if one of them fall for the...