CHAPTER 8
ColdThursday. Medyo close na kami ni Christelle Madami na din akong nalaman tungkol sa kanya. Na mayaman sila, dahil may sarilig company ang daddy nya at yung family ng ex nya ay isa sa mga billionaire dito sa Pilipinas.
Pero di ko din maiitatanggi na naffall na ako sakanya. Ang bilis diba? Sweet kasi sya at talagang di ka mabbore kausap sya. Di naman sa madaldal pero talagang madami syang kwento. At higit sa lahat napakacharming nya.
Kahapon, umamin sya na gusto nya ako. Eh? Pano kung nang-gogoodtime lang pala to. Madami syang naging girlfriends at boyfriends, sa edad ng 18 naka 8 na sya na jowa. Ayoko namang masaktan ulit.
'Di ko alam. Kailangan ko sigurong iconfirm muna tong nararamdaman ko bago ako magsabi ng kung ano ano.
Pagdating ko sa school kinabukasan, tumatakbong papunta sakin si Nicole
"Christine! Tignan mo yung mga tweets nila Monica at Pam" sabi n Nicole sakin. Medyo nabother ako kaya inon ko na yung 3g ko.
Iba talaga pag social climber no. -si Pam
Pero sino nga ba ako para sabihing mabait ka? Hahahaha - si Monica
Sino ba pinapatamaan nito? Tsk.
"Nag away ba kayo?" Medyo malungkot na tanong ni Nicole. Kaming dalawa lang magkasama kasi ewan. Medyo lumayo samin si Mocs at Pam simula pa last week.
"Yaan mo. San na usb mo? May dala akong laptop" sabi ko nalang sakanya.
Binigay nya sakin yung usb at nagtransfer ako ng mga movies. Madami kaming pinanood na movies. May mga lumapit din na mga ibang section para makinood. Hahaha
"Ngayon naman laptop nya tsk. Ibang klase talagang tong social climber na to" narinig kong sabi nila Pam galing sa labas. Tsk nakakainis ha!!
Pagkatapos ng panonood tinago ko na yung laptop ko and umupo sa may tabi ng window. Ng naramdaman kong may nagtxt sa phone ko.
Pagtingin ko tumatawag si Christelle. Ano naman kaya kailangan nito?
"Hello?" Sabi ko. Medyo maingay yung line nya marahil nasa school sya.
"Ay hello! Musta ka naman?" Tanong nya na mukhang masayang masaya.
"Ah eto. Medyo problemado" sakanya ko nalang ioopen yong nararamdaman ko.
"Bakit? Anong nangyare?" Tumahimik na yung background nya at halatang concern nga sya.
"Galit kasi yung mga tropa ko kasi parang may kumalat na issue na social climber ako kasi nakikipagkaibigan ako sa medyo famous sa batch namin . Ewan parang ang babaw nila haha" medyo nangingiyak na ako. Nakanap na nga yung ulo ko para di nila makita haha.
"Bakit naman ganun? Iexplain mo talaga yung side mo" sabi nya na medyo malumanay sakin. "Makikinig sila sayo. Sayang naman ang friendship nyo kung masisira lang diba?" Umoo naman ako sa mga sinabi nya at sinabing mamaya na kami mag usap dahil padating na ang mga kaibigan ko kasama sila Max
"Uh Tin. Usap daw tayo? Open forum" sabi ni Jill na di nakatingin sakin. Tumayo naman ako para sa floor na kami umupo. Nagform kami ng circle. Katapat ko si Mocs at nasa tabi naman ni Max si Pam.
"Ok. Ako muna magsasalita. Bago nyo ako husgahan. Uhm gusto ko malaman nyo na di totoo yun. Alam nyo yun. Kaibigan ni Jill si Ana kaya naging friends kami. Nagpatulong si Jill sakanya. Pero it doesn't mean na kaibigan ko sya. Nakapunta na kayo sa bahay, diba Max? kasama mo pa nga tropa mo. Alam mo na lahat ng kinukwento ko is totoo! Diba?" Medyo naiiyak na ako pero matapang ako! Grr
Pagtingin ko kila Max nakayuko lang sila at di nagsalita. Si Jill naman nakatingin kila Pam pero nakita ko yung ngisi nya.
"Bago kasi kayo magjudge, alamin nyo muna. Kayo nga tong dapat nilalayuan sa sama ng ugali nyo."sabi ni Jill. Sabi ko sainyo matapang yan eh.
Tumayo na ako at umalis dahil uwian na. Pag-uwi ko ng bahay medyo mabigat pa din yung pakiramdam pero ayos lang
Tinawagan ko si Telle, naging hobby ko na atang kausapin to gabi gabi.
"Musta na? Ok na ba kayo ng mga kaibigan mo?" Sabi nya.
"Yep. Nag usap na kami and sinabi na yung side ko" simple kong sagot. Ayoko muna mag isip ng kung ano ano ngayon.
"Kwento ka" sabi nya.
"Ayoko" mas simple kong sagot.
"Bakit? Wala ka sa mood?"
"Hindi naman. Ayoko lang. At wala akong ikkwento"
"Bakit ang cold mo? May nagawa ba ako?" Nagsigh sya at hinintay akong magsalita.
---------------------------------
Ang plain hahaha. Sorry. Keep Reading!
ⓒweareforever19
BINABASA MO ANG
'Di ko alam
Romance"Sa di inaasahang pagkakataon, nakilala kita. Sa lahat ng pwede mong mahalin, ako ang napili mo" -Christine "Ikaw ang nagpabago ng buhay ko. Ang dahilan kung bakit nagbago at umayos ako" -Christelle Mabilis magmahal si Christine, mabilis mafall per...