Desribe yourself

66 5 0
                                    


Chapter 4
Hobbies

Wala kami halos ginawa dahil nga clearance week lang. Magulo ang classroom namin dahil may nakahiga nanonood ng movie sa kanya kanyang laptop at may mga couple na nagddate. Tsk.

"Tin! Nood tayo movie, may usb ako" si max. Tropa ko din to kaso may gap. May iba kasi syang group of friends sa loob ng room. Pero sumasama naman tropa nya samin minsan.

"Ay sige. Sabihan ko din sila Jill. Anong oras ba yung basaan?" Sabi ko sakanya habang inaayos na nya yung laptop nya.

"Mamaya after Lunch time. Tawagin mo na sila Jill" tumango nalang ako at umupo malapit sa laptop. Ya know front seat hahaha.

Naramdaman ko yung phone ko na nagvibrate. Di naman ako palatxt aa school, kaya either si 8888 to or parents ko.

Pagkita ko si Cristel pala.

Cristel:
Hello :)

Ako:
Yo :)

Dumating na yung tropa ko at tropa ni Max. Horror muna pinanood namin, yung The Doll Master.

"Tupang inaaaaaaa!" Sigaw ko sabay takip sa buong mukha ko. Nyeta nakakatakot yung cr dun sa movie may creepy na doll.

"Hahahaha" Aba tumawa pa tong mga katabi ko, di a sila natatakot? Tsk.

Nagsisisi na ako kung bat sa front seat ako umupo hahahaha.

After ng movie chineck ko yung phone ko, kanina pa kasi nagvibrate.

Cristel: 5 new unread msgs.

Whoah! Medyo madami ha.

Cristel:
>Hello kamusta?
>Kamusta naman araw mo?
>Ay? Di na nagtxt?
>Baka busy
>Sorry sa istorbo.

Ay? Meganun? Hahaha. Di naman sya atat sa txt ko no? Haha.

Ako:
Hey! Sorry, nanood kasi akobng movie with some friends. Sorry.

Ay? Meganun? Haha yaan mo na nga. New friend eh. Ya know me friendly haha.

Wala pang isang minuto, nagreply na sya. Wala ba tong pasok?

Cristel:
Ok lang. Ano pinanood nyo?

Ako:
The Doll Master. Nakakatakot nga eh japanese horror kasi hahah

Cristel:
Im fond of horror movies haha.

Ako:
Matapang ka ha! Hahaha

Pagtingin ko sa labas, umaambon na. This is it! Basaan time.

Ako:
Hey! Later nalang ulit ha. May basaan kami eh.

Nagpalit na ako ng shorts and damit pambasa. Lalong lumakas yung ambon hanggang naging ulan na.

"Uyy! Dun tayo sa baba oh andami nilang nagbabasaan" sigaw naman nung classmate kong lalaki.

Pati yung stairs basa na kaya medyo dahan dahan kaming naglakad. Pagbaba namin sa 3rd floor, nakita namin yung mga kabatch namin na may dalang timba galing cr haha. RAK NA ITUU!!

Pagkatapos ng dalawang oras, natapos na ang basaan at tumigil na yung ulan. At dahil bawal yung ginawa namin, huhuliin daw lahat ng basa kaya una unahang magbihis sa cr.

"Sabay na tayong magbihis guys! Bilis!" Yaya ni Max sa mga girls ng buong class. Sya ang class pres namin kaya umoo naman sila.

Halos buong class namin na babae yung andon sa cr. Chineck ko muna phone ko bago ilagay sa bag.

Cristel:
Ingat ka ha. Baka magkasakit ka :)

Sya na talaga sweet :') haha. Oh no! Baka mafall ako mahirap na haha.

Tawanan lang kami sa loob habang nag bibihis. Tuyo na din ang floor sa room namin dahil ang boys ang naglinis.

Pagod na pagod yung pakiramdam ko dahil sa paglalaro namin sa ulan kanina.

Natulog ako sa service at paggising ko bahay na. Ganun talaga ako kapagod :(

Pagdating ng bahay, pahinga konti, kain then ligo na ako. Pagkatapos ko maligo, nakita ko yung phone kong nag iilaw.

Cristel:
Hey?

Ako:
Hey sorry. Nakalimutan ko magtxt kanina. Sobrang pagod.

Cristel:
Ok lang. Ok ka lang ba? Usap tayo sa phone?

Tinatamad na din ako magtxt kaya, ang sinabi ko sakanyang ok lang ;) haha.

"Hello ulit" halata sa boses nyang nahihiya sya. Cutie :')

"Hello po" nahihiya din ako eh. Ano pa ba sasabihin ko? Hahah.

"Nahihiya ako heheh" mahina nyang sabi haha. Ang cute nya fuck.

"Bakit naman? Haha" sabi ko.

"Ewan ko. Describe yourself nga" Tanong nya.

"Uuhh hahah panget ako" sabi ko agad. Eh totoo naman eh.

"Walang taong panget" sabi naman nya. Juice ko di pa naman nya ako nakikita tsk.

"Ikaw, describe yourself" sabi ko naman.

"Uhhh?? Panget haha" kitam kakasabi lang nyang walang taong panget.

"Sabi mo walang taong panget? Haha" natawa din sya sa sinabi ko haha.

Boses palang nya maganda na pano pa kaya ang mukha? Whoah Lord, my heart ia beating fast :')

-------------------------------

Walang taong panget ✌ haha. Sana nagustuhan nyo :) keep reading! Vote and comment ❤

ⓒweareforever19

'Di ko alamTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon