Nagbalik

33 0 0
                                    

Chapter 47

Nagbalik

Naging maayos naman ang mga sumunod na linggo sa relasyon namin. Balak ko na din magquit sa varsity kasi ang hassle sa schedule. Mga buwaya kasi yung mga teacher ko, feeling college professor. At isa pa lagi na akong late umuwi na sobrang kinagalit naman ng mga magulang ko. Hay dagdag credits pa naman sana to sa page ko sa yearbook if ever HAHAHAH.

"Ate Tin! Bakit di ka na nagttraining sa bball? Malapit pa naman na yung district meet" sabi ni May. Kakadating ko lang ng service at si May palang ang tao.

"Stress sa Physics at Stat. Di din kasi pwede na lagi akong wala sa klase. Yun pa naman ang pinakahalimaw na subject" sabi ko.

"Ay sayang naman! Mga taga-Brent pa naman yung kalaban natin. Mga batak nga daw yun sabi nila ate Camille kaya dapat yung mga magagaling" sabi nya. Narinig ko na dating pinag-uusapan yan nila coach at ng kambal. Mga batak daw maglaro ang mga taga-Brent dahil kung hindi mga shiboli, eh talagang malalakas na babae ang mga iyan.

"Next time nalang siguro. Focus muna ako sa mga acads. By the way, samahan mo naman ako sa CR ohh please!" sabi ko.

Pumayag naman si May dahil wala naman kaming gagawin sa service. Pagbalik namin, halos andon na lahat kaya nakipagkwentuhan na din kami sakanila.

Pag-uwi ko ng bahay, nagbihis na ako at ginawa ang mga dapat gawin.

Pagkatapos kong gawin lahat ng assignments naisipan kong magfacebook sa phone ko. Medyo nakakatamad dahil puro lovelife at hugot ang mga post. Ibaba ko na sana yung phone ko ng may nagtext sakin na unknown number, pero pamilyar eh .

From: +639158******

Hi Tin

Medyo kakaiba na yung nararamdaman ko sa kung sino man to eh.

To: +639158******

Who's this?

From: +639158******

Si Hero to! Mukhang dinelete mo na number ko ha?


Tama ako ng hinala. Yung gago kong ex nga. Wala naman na akong nararamdaman na love or shit sakanya, pero ok sabihin na natin na punong-puno ng pagsisisi at galit ang meron ako sa lalaking ito.

Hindi ko sya nireplyan. Mas mabuti nang umiwas ako kesa naman magkasala na naman ako..

Flashback

Naglilinis ako ng study table ko ng maramdaman ko na nag-vibrate and phone ko.

From: +639158******

Hi :)

Sino naman to. Never ko namang pinamigay ang number ko. Hindi ko nalang nireplayan dahil hindi ko naman kilala. Pero maya maya may nagtextt na naman.

From: +639158******

Uy? Si Hero to yung boyfriend ni Karla.

Bakit nman nagtext to sakin? Pero para di magmukhang bastos, nireplyan ko na din.

To: +639158******

Hi Hero :) Pano mo nakuha number ko?

From: +639158******

Kiinuha ko kay Karla, btw baka nakakaistorbo ako.

Bakit naman kaya interesado to sa number ko. Ayoko mag-isip ng masama pero hay nvm. Hindi ko na sya nireplayan at si Karla nalang ang tinext ko. Lagot tong babaeng to sakin.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jan 08, 2017 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

'Di ko alamTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon