Partners-in-Crime

30 2 0
                                        

Chapter 23
PARTNERS-IN-CRIME

TIN's

19 na bukas at di ko pa alam ang gagawin. Ano ba maganda? Di ako makapag-isip ng maayos dahil na din sa halos away bati namin ni Telle. Di ko maiwasang mapaisip eh.

Araw araw na din syang nagpupunta. Ewan ko kung anong ginagawa nya don, umiinom? Nambaba--- ugh no! Sakit sa didib pag iniisip ko yun tsk.

"Dana! Mag-impake ka!!" Sigaw ni mommy galing baba. Impake for what?! Baka alam na nila na may karelasyon akong... o baka naman naambush na kami ng NBI (gaga! Di naman kayo drug dealer eh) ay haha oo nga. Di ko alam kung bat kailangan kong mag impake. Bababa muna ako para tanungin.

Nang buksan ko ang pintuan, biglang "Bulagaaaa!"

"Ay palaka!!" Sigaw ko at napaupo pa ako sa gulat. Ang sakit sa pwet :'(

"Hahaha! Ayos ka lang ba pinsan?" Tinignan ko ang damulag na nanggulat sakin at whooaaaaahh!! O.O

"ATE GEL!!" Sabi ko at subukang tumayo. "A-araaay" sabi ko at humawak sa pwet ko. Ang sakit nyeta :(

"Haha ay sorry!" Sabi nya at inalalayan akong tumayo. "Upo muna tayo sa bed" at inalalayan din nya ako papunta sa kama.

"Sira ulo ka talaga! Haha" sabi ko nang nakaupo na ako.

"Sorry naman hehe. Ano impake na bebe, sama ka na daw samin umuwi ng probinsya" sabi nito. Ahh! Yan pala ang dahilan kaya pinag-iimpake na ako.

"Sige maya maya. Sakit pa ng pwet ko. Nagbreakfast na ba kayo?" Sabi ko sakanya.

"Haha sorry talaga cousin! Haha" nagsorry nga tawa naman ng tawa tsk.

"Apology accepted! Haha!" Sabi ko.

Btw, si Ate Gel, short for Ma. Angelica Navarra. Isa sya sa mga closest cousin ko. 4 years ang tanda nya sakin pero nung mga bata pa kami halos di kami mapaghiwalay. Kaming dalawa lagi ang nang-pprank sa mga pinsan namin. Partners-in-crime nga kung tawagin. o college na sya kaya medyo na kami nakakapaghang out. Isa ito sa mga idol ko pagdating sa fashion, only child yan kaya spoiled, kaya nabibili nya lahat ng gusto nya, hanggang sa pinakamaliit na fashion trend hanggang sa pinakamalaki. Mabait sya pero mas madalas syang brat. Ewan ko nga ba, minsan gusto ko na tumiwalag dito pero wew di ako masamang pinsan haha.

"Tulungan nalang kitang mag-impake mamaya. Wawa naman ang pwet ni bebe ko" sabi nito at tumayo sa harap ko. "You look depressed ha. Anyare?!" At umupo din sa tabi ko pero padabog sa kami kaya nagbounce kami pareho.

"Tsismosa ka talaga haha! Wala naman!" Sabi ko. Di ko alam kung dapat kong ikwento sakanya. Minsan pag di nya nagustuhan ang isang bagay, pinapairal nya ang pagiging brat nya.

"Ok fine! Haha pero ako! I have a kwento!" Sabi nya at inayos pa ang upo para magkaharap kami. "I have aaahhh... girlfriend" sabay bigay ng malaking ngiti.

"Girlfriend? Sus di na bago yun" lagi syang may bagong boyfriend.... ay wait sabi nya girlfriend, "Ay gago! Hahahaha what?! Tiboli ka pala? Tsk. Sabay pa naman tayong maligo nun" Sabi ko sakanya. I accept her, sana ako din.

"Haha sira ka! Ako yung girl sya yung tibo. Aaaaandd 5 months na kami" sabi nya at nakita ko na naman ang mga ngiting sobrang laki. This girl must be inlove.

"Hahahaha! Ako din eh!" Sabi ko sakanya at pinalo pa sya sa kaliwang braso nya. Pero napatigil sya sa sinabi ko.

"W-what?! Dont tell me you have a gf too, do you?" Sabi nya at pinanlakihan ako ng mata.

Tumango ako sakanya at yumuko.

"Hahah! We're cousins talaga!" Sabi pa nito at inakbayan ako. "No! We're a partners-in-crime" dugtong nito.


-------------

KEEP READING!
VOTE and COMMENT!

ⓒweareforever19

'Di ko alamTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon