July: 4th Month

34 3 0
                                    

Chapter 36
JULY: 4th MONTH

Dahil sa nangyaring yun, talagang umiwas na ako sakanila. Nagbabaon na din ako ng lunch para di na maobliga na bumaba sa canteen para bumili ng pagkain.

"Christine! Sama ka na samin kumain dito" sabi ni Chrisler. Di kami close pero fc talaga sya. Ok na din to ayoko namang maging forever alone ako.

Lumapit ako, andon din si Eric at Roan.

"Hi Christine!" Sabi ni Eric at hinaplos ang buhok ko. Sa tabi nya kasi ako nakaupo. Nagwave naman ng kamay si Roan sakin.

Tahimik lang akong kumain habang sila nag-uusap ng kung ano ano. Nakita kong dumaan si Jill sa room namin at nakatingin sya sa upuan ko . Nagtago ako ng kaunti sa may upuan para di nya ako makita.

Ng makita kong wala na sya ay umayos na ako ng upo, di naman ako pinansin nila Roan dahil busy sila sa mga artistang pinag uusapan nila.

Naging smooth naman ang araw ko, except sa part na nagmamadali akong magCR para di maabutan sila Jill o Max. Hay :(

Pag-uwi ko ng hapon, nagready na ako ng mga papel at inon ang laptop ko. Monthsary na namin bukas kaya dapat eh ready ako ngayon palang.

Sulat dito, sulat doon. Pindot dito pindot doon. Nagsearch ako ng magandang strategy para icelebrate ang ika4th namin.

Madami akong ways na nakita pero lahat yun eh sa tingin kong mas maganda kung sa personal gagawin haha. May nakita ako na gawaan ng video pero kailangan ng mahabang oras para doon eh. Next time nalang siguro. Eh kung kantahan ko nalang sya ulit tapos long message? Yun nalang ulit. Gagandahan ko nalang yung message :3 hehehe.

Naghanap ako ng magandang quote at cinopy paste ito. Naghanap din ako ng magandang kanta para sakanya. Lumabas muna ako para uminom ng tubig pero pagbukas ko palang ng pintuan eh di ko na tinuloy. Patay na ang lahat ng ilaw hahaha duwag here haha.

Pagtingin ko 11:07 na, tinext ko muna si Telle na magrreview (kunware) ako hahaha.

Blah blah blah blah and boom! Tapos na.

Tinext ko na si Telle na tumawag na sya. Maya maya nagvibrate na ang phone ko at sya nga ang tumatawag.

"Hello babe!" Excited kong sabi.

"Hellloooo!" Medyo pasigaw pero bulong na sabi nya haha.

"Happy Monthsary!!" Sabi ko agad. Baka mamaya eh maunahan nya ako. Hahaha.

"Eehh mamaya pa naman ah?" Sabi nya at tumawa.

"Ehhh bleehh! Nauna ako hahaha" sabi ko naman sakanya. Ako na po kinilig ako na po hahaha.

"Ehh sweet mo tologo babe ko! Hihihi" bakit ang cute nya??? Mamatay na ako sa kilig nito eh.

"Basta para sayo hehe. I love you babe" sabi ko sakanya at niyakap ang unan ko hahaha. Hay Christelle kung kasama lang kita kanina oa kita niyakap ng mahigpit :(

"Mas mahal kita Christine babe. Happy Monthsary" sabi nya sakin na lalong nagpakilig sakin :') naiiyak na ako sa saya. Ang swerte ko sa pagkakaroon ng isang tulad nya. Thank you Lord 

Nag usap pa kami ni Telle tungkol sa mga bagay bagay. Nagkwentuhan lang kami hanggang sa umabot ng 12. Pinatay ko muna ang call at hinayaan kong tumawag sya ulit.

"Ba-" di ko sya hinayaang mahaalita at kumanta nalang.

" ♬♬You can be the peanut butter to my jelly
You can be the butterflies I fell in my belly
You can ve the captain and I can be your first mate
You can be the chills that I feel in our first date

Don't know if I could ever be
Without you cause girl you complete me
And in time I know that we'll both see
That we're all we need ♬♬

Hi babe! Eto na naman ang wala sa tono kong pagkanta hehe. Pero anyway, una sa lahat, gusto kong magpasalamat sayo, dahil kahit anong mangyare andyan ka pa din para sa akin. Salamat sa pagmamahal na pinaparamdam mo sakin at higit sa lahat, sa pasensya na binibigay mo. Sorry sa lahat ng mga kagagahan ko, sa mga childlish attitude ko at sa mga kasalanan ko.

♬♬'Cause you're the apple to my pie
You're the straw to my berry
You're the smoke to my high
And you're the one I wanna marry♬♬

Four months palang tayong magkakilala, four months palang tayong nagmamahalan, pero parang ang tagal tagal na kitang kilala. Christelle Diane Guzman, Mahal na mahal kita, will you marry me?

♬♬Cause you're the one for me (for me)
And Im the one for you
You take the both of us
And we're the perfect two♬♬

Di ko na tatapusin tong kanta hahah. Baka masira pa eardrums mo. Basta lagi mong tatandaan na mahal na mahal kita. Long distance man tayo, pero para sakin since birth na kita kilala. Para tayong kambal na I can't live without ang peg haha. Pero totoo nga, parang matagal na tayong magkakilala at para bang di ko na kaya kung mawawala ka. Ang corny ko pero yun ang totoo. I love you babe! Happy Monthsary mwah mwah!"

Pagkatapos kong magsalit, narinig kong umiiyak sya. Ako naman kanina pa umiiyak dahil sa sobrang kasiyahan na nararamdaman ko at sa kilig. I was really inlove with this girl. Really really madly deeply inlove with Christelle.

—————————

HI GUYS! SANA NAG EENJOY KAYA HAHA 

KEEP READING!
VOTE and COMMENT

ⓒweareforever19

'Di ko alamTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon