Omegle

149 7 1
                                    

Chapter 1
Hi. Bi.

March 10, Sunday Morning. Kanina pa ako bored na bored dito sa bahay namin :( Ang sarap gumala kaso nakakatamad bumangon sa bed. Parang may magnet na naghahatak sakin na wag bumangon :( hay.

"Dana! Gumising ka na! Anong oras na oh!!" sabi ng nanay ko. Nako naman!

Btw, ako nga pala si Christine Dana Lerman. Sa bahay, Dana tawag sakin, pero Tin naman sa school. 14 years old at nag aaral sa isang science high school. March na at tapos na din ang quarterly exam namin at clearance week nalang kaya chillax na lang :)

"Dana! Gising na!" *toktok* nako, eto na po kumatok na si inay kaya kailangan ko na talagang lumabas.

"ETO NA PO!!" sigaw ko sabay tayo sa bed. Hay nako, summer pls dumating ka na now na!!

After asdfghjkl years, natapos ko na ang daily morning routine ko every weekends.

3 PM

"Ma, bubukaan ko yung wifi ha. Mag iinternet lang ako" bored kong sabi. Pag gantong bored ako, si wifi lang talaga ang comfort zone ko.

Nagsurf lang ang ng nagsurf, pati sa social sites ang lalame ng mga posts :'( kaurat ples. Makahanap nga ng kausap.

Facebook, twitter, insta... Ugh ang boring naman :'(

Kay naghanap ako ng site na may chatrooms para naman masaya haha. (dont get me wrong ha! Friendship ang habol ko hindi cybersex haha)

Omegle|

"Ano kaya to. Mabuksan nga" sabi ko sa isip ko

May kung anong send chat chuchu dito. Pinindot ko yung philippines as a topic, tas biglang may nag-appear.

Stranger is typing...

You: Hi :)

Stranger: Bi

"Teka anong bi pinagsasabi nito. Sabi ko hi" sabi ko sa sarii ko. Nababaliw na ata to eh haha

You: Bi?

Stranger: Bisexual Lesbi ako :) F/M?

You: Ay sorry pagong hehe :)

Stranger: Pwede ba makipagfriends?

Big time! Nakahanap na ako ng kausap na matino :) haha.

You: Friends with benefits?

Oh my g! hahaha oopps sana naman joker din tong kausap ko :D

Stranger: Pwede din :P

Hahaha ayun medyo baliw din tong si stranger.

You: Haha :) Name mo?

Stranger: Cristel, you?

Whoah almost the same name namin haha hart hart charot :)

You: Christine. Halos pareho name natin haha.

Stranger: Yes haha. Ilang taon ka na?

Uuhhh wait, pano to. Baka mamaya gurang to ha baka di na ako kaibiganin nito :( Sorry Lord kailangan ko si white lies ngayon ^_^V

You: 16 :)

Stranger: 18. Ok lang ba talaga na maging friends tayo?

You: Ayaw mo? Edi wag :)

So ayon, nagkwentuhan lang kami ng bagay bagay. Nung una medyo nag aalinlangan pa sya na maging friends kami kasi baka daw awkward or smth pero ok lang. Nalaman ko na 1/3 pinoy sya haha. Half chinese na half spanish na half pinoy.

"Dana! Tumigil ka na dyan sa kakainternet! Kumain ka na dito!" Nagulat naman ako sa sigaw nitong nanay ko.

Pagtingin ko sa orasan, 7 na. Medyo matagal tagal din pag uusapan namin ni cristel ha.

You: Teka lang. Kelangan ko ng mag-off. Dinner time na.

Stranger: Teka, ano number mo?

"DANA! KUMAIN KA NA DITO! PAPATAYIN KO WIFI!" Nako naman.
Bigay ko na nga. Harmless naman siguro to 

You: 09********* txt me nalang bye! Pakilala ka ha ;)

At nag-off na ako.

9pm

Naghahanap ako ng magandang movie sa disc rack ng nakita kong nag ilaw yung phone ko.  Sino naman kaya tong nagtxt :/

Unknown Number:
Hi :) Cristel to, save my number :)

Ahh yung kachat ko kanina.

Ako: Uy hello! Saved :)

"Ano Dana? Manonood ka pa? Matutulog na kami ni daddy. Ilock mo yang kwarto mo ha" Ang aga naman ata matulog nila mommy. 9 palang naman. Baka gagawa ng milagro haha jk :)

"Hindi na po. Bukas nalang pagkauwi mo galing school" at narinig ko ng sinara nila ang pinto. Nako naman maghahabol pa ata ng kapatid tong mga magulang ko :D hahaha joke lang last na.

Pagkapatay ko ng ilaw ng kwarto ko, sya naman pag-ilaw ng phone ko.

Cristel:
Thanks. Gawa mo?

Ako:
Higa lang po. Ikaw?

Cristel:
Bat may po? Ganun ba ako katanda? Higa lang din. Tulog ka nba?

Ako:
Eh 2 yrs kang mas matanda :) di pa po. Ikaw?

Cristel:
Ay haha :) pwede tawag ako? Di kasi ako palatxt eh :(

Tatawag sya? Halaaa. Baka panget boses ko tapos ugh maturn off sya? :( hay bakit ba ako affected hahahaha k.

Ako:
Uhh sige. Haha

*bbrrrrr* (vibrate ng phone ko haha)

"Hello?" Sya una nagsalita :3 oh my g! Ang girly ng boses nya hahaha.

----------------------

Hello po :) sana nagustuhan nyo yung first chap ng story na to :) keep om reading! Di naman ako demanding or smth pero sana magvote kayo haha :) and comment kung may errors or suggestions. Thanks ❤

ⓒweareforever19

'Di ko alamTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon