Chapter 32
PASUKANTIN's
Pagdating ko ng school, marami ng estudyanteng pakalat kalat. May mga pamilyar na na mukha at may mga iba. Yung mga first year, parang kinder, kasama pa ang mga magulang dito at andaming libro :o first day palang naman, wala pang masyadong papasok na teachers kasi magulo pa ang sched. Tsk. Sayang effort nila.
"Christine Dana!" Sigaw ng isang babaeng tumatakbo sa harapan ko. Di ko makita ang mukha nya kasi wala akong suot na salamin (Note: di ako nerd ha malabo lang talaga mata ko). Bumagal ang takbo nito at lumakad nalang papalapit sa akin. Pagkita ko si Jill! Nako lagot ako papagalitan na naman ako :(
"Ano? Di mo ko nakita kasi wala kang salamin? Sira ka talaga" sabi nya at mukhang babatukan ulit ako.
"Op op! Babatukan mo na naman ak-" di ko na natuloy sasabihin ko dahil niyakap na nya ako. Kahit kadalasan amazona to, nagiging pusong mamon pa din hahaha.
"Miss kita Tintin!" Sabi ni Jill pagkatapos nya akong yakapin.
Sana si Telle nalang tong yumakap sakin sabi ko sa sarili ko.
"May kwento ako sayo hahaha" sabi nya. Kelan ba nawalan? Hahaha chos.
"Mamaya na hahanapin ko pa pila ko" nagring na kasi ang bell na hudyat na na magsisimula na ang flag ceremony.
"Kahit saan muna tayo pumila pls?" Sabi nya at kumapit na sa kanang braso ko. Sana si Telle nalang to :(
"Sira ka talaga! Hahaha!" Sabi ko at sumunod nalang kung san sya pupunta.
"Christine!" Sigaw ni Monica na papunta sa amin ni Jill. "Doon pila natin. Lika na! Wala akong kakilala doon haha" sabi naman nya at nakita ko si Jill na tinignan sya ng masama.
"Pag ikaw sumama dyan FO na tayo" bulong nya sakin at tinignan sya ng masama. "Naalala mo ba yung ginawa nila sayo nung last day natin nung 2nd year?" Dagdag pa nito.
"Mamaya na lang. Mag-uusap pa kami ni Jill eh. Lam mo naman to mas madaldal pa sakin hahaha" sabi ko kay Monica. Di naman sa galit ako sakanya or what. Sa buong tropa kasi namin di ko talaga sya masyadong feel :/
"Eh sama nalang ako sainyo" sabi at mahinang kinurot ni Jill ang braso ko.
"Bahala ka. Sa section N kami pipila" sabi ni Jill. Ewan ko dito kay Jill, medyo war freak talaga haha.
"Teka? Alam nyo na ba section nyo?" Sabi ni Monica samin. Sa sobrang excited namin ni Jill nakalimutan na namin kung saang section kami. Sana kahit isa sa tropa maging classmate ko.
"Hindi pa. Mamaya na after ng flag cem tinatawag na kaya lahat oh" sabi ni Jill sabat turo sa covered court kung saan nagkukumpulan ang mga tao.
Hinila na ako ng Jill papunta doon habang si Monica nakasunod lang sa amin.
Pagkatapos ng mga seremonyas na yon, tinignan na namin kung ano ang mga section namin. At sa laking gulat ko, si Monica pa ang naging classmate ko sa tropa. Si Jill naman malungkot dahil di kami iisang floor :( Life is unfair nga.
Dumiretso na kami sa classroom namin at nag-ayos. Naghanap na din kami ng pwesto namin at dahil nasa likod kami ni Mocs, sa likod na din namin ginusto umupo.
Pagkaupo, naramdaman kong nagvibrate ang phone ko sa bag. Tinignan ko ito at nakitang si Telle nga ang tumatawag.
"Hello babe" sabi nya. Halata sa boses nya ang bagong gising.
"Hello babe. Goodmorning" sabi ko. Nagulat naman ako ng kinalabit ako ng isang classmate ko na di ko kilala.
"Ah hello. Ako nga pala si Eric" at inilahad ang kamay nya. Sa tindig nya at tono ng boses nya di ko maikakailang beki sya. Hahaha
"Ah hello. Ako si Christine or Tin nalang for short haha" at nakipagshake hands na din sakanya. Umalis na sya at inilapit ang phone sa tenga ko.
"Sino yun?" Uh-oh mukhang naring ni babe ko ang matikas na boses ng beki na yun haha
"Ah si Eric. Nakipag friends lang. Dont worry babe. Beki yun haha" sabi ko sakanya.
"Oww-keey" ayan cold na sya :( pati bakla pinagselosan tsk.
"Babe. Bakla yun haha. Ang cute mo tologo!" Sabi ko sakanya.
"Siguraduhin mo kasi akin ka lang" sabi nya na nagpakilig sakin hehe :')
-------------
AN:
Di ko na po malalagyan ng POV si Telle dahil medyo busy sya ngayon so hindi ko po mahihingi ang kanyang POV pero pag ok na, lalagyan ko po sya ulit :)True story po kasi ito and totoong nag-eexist ako at si Christelle :) sa mga POVs nya sya mismo ang nagsusulat non :)
Keep Reading!
VOTE and COMMENT!ⓒweareforever19

BINABASA MO ANG
'Di ko alam
Romansa"Sa di inaasahang pagkakataon, nakilala kita. Sa lahat ng pwede mong mahalin, ako ang napili mo" -Christine "Ikaw ang nagpabago ng buhay ko. Ang dahilan kung bakit nagbago at umayos ako" -Christelle Mabilis magmahal si Christine, mabilis mafall per...