Bae

31 2 0
                                    

Chapter 34
BAE

Naging masaya naman ang mga sumunod na araw. Di pa din ako makaget over sa mga pictures na sinend nya sa akin. Sa viber ko lang kasi sya nakikita kaya pag nagssend sya ng mga pictures para akong binigyan ng ginto sa sobrang saya haha.

Sa ngayon, naglalakad kami ni Jill sa 3rd floor corridor ng building namin. Sa 4th flr pa ang room ko, kaya ako ang nag-adjust haha.

"Teka nga. Ilang linggo na pero di mo pa din sinasabi sakin kung sino yang new bae mo" sabi ni Jill sakin ng tumapat na kami sa classroom nila.

"Pati lovelife ko ayaw mo tigilan ha" Sabi ko sakanya dahil kanina pa niya ako kinukulit.

"Eh kilala mo naman ako hahaha" sabi nya at abay kindat sakin. Nakakailang hahaha. Simulabng maging kami ni Telle naiilang na ako kay Jill, masyadong clingy eh tsk. Baka tiboli din to haha.

"Wag ngayon busy ako hahaha" sabi ko sakanya at iginala ang tingin ko sa mga tao sa classroom nila. Nakita ko doon si Angelo. Classmates sila hahaha.

"Oh baka naman wala ka talagang bae dahil si Angelo pa din ang apple of the eye mo?" Sabi nya. Angelo ha? Hahaha. Si Angelo ang crush ko NOON. Take note NOON haha. Patay na patay nga ako sakanya NOON eh.

"Gaqo! Hahaha. Matagal ko ng di crush yan" sabi ko kay Jill at tumawa. Di naman sa defensive ako pero di ko na talaga crush yan :/

"O---key! Sabi mo eh" sabi nya. Ayaw talaga maniwala tsk.

"Christine!" May tumawag sakin galing sa kanan ko. Pagtingin ko si Max patakbong papunta sa pwesto namin. Kasama nya sila Nadia at Gail. Isa din sa tropa tropa ko sa Nads pero si Gail? Tsk sungit yan eh haha.

"Max!" Sabi ko at yinakap sya. Ngayon lang kami nagkita dahil di naman ako gala pag break or lunch haha. Ngayon lang.

"Di ka naman bumababa dito eh. Lagi kayong nakakulong ni Monica sa room nyo" sabi ni Max. Speaking of Monica, absent kaya di namin kasama haha.

"Eh katamad eh. May baon naman ako kaya di ako bumababa" sabi ko sakanya. Si Jill nasa loob ng room nila dahil kukunin nya yung wallet nya.

"Hahaha. Eh asan sila Pam tsaka Nicole?" Sabi ni Nads na nasa likod ni Max.

"Dun sa room nila. Mga snob na nga eh. Tapos may kanya kanya na silang tropa haha" sabi ko. Di na talaga sila sumama samin or minsan naman di talaga sila namamansin. Tsk.

"Pilitin nyo nga na ikwento yung new bae nya. Napaka secretive eh" sai ni Jill. Kahit kailan talaga to di titigil hangga't di nakakasagap ng tsismis.

"Oo nga! Sweet sweet nyo sa twitter tas in relationship pa kayo sa fb" sabi ni Max. Kelan pa naging center of topic ang buhay ko? Hahaha

"Basta!!" Sabi ko sakanila at tumawa hahaha.

"Fake frie-" di na na tuloy ni Nads sasabihin nya dahil nagring na ang bell which means tapos na ang break hahaha. Saved by the bell.

"Akyat na ako! Bye!" Sabi ko sakanila at tumakbo na paakyat.

"Ang daya mo Lerman!" Sigaw ni Jill na narinig ko kahit nasa hagdan na ako. Napaka talaga hahaha

Tumawa nalang ako habang paakyat. Pumasok na ako sa room. Since wala si Monica lumipat muna ako sa upuan nya dahil nasa dulo ako, wala akong katabi. Si Rian Go ang katabi ko ngayon.

"Hi!" Sabi nya sakin at inalok ako ng Cheesy. Di naman ako umaayaw sa grasya kaya kumuha na ako.

Matagal bago dumating yung next teacher namin kaya naisipan ko munang itxt si Telle.

Ako:
Babe! :* wala pa kaming teacher ang boring :(

Wala pang isang minuto nagreply na din sya.

Telle ♡ :
Ay? Gusto kita kausap :( miss na kita. Uwi ka na :* :3

Kung pwede lang umuwi na, uuwi na talaga ako :( school sucks. Magrreply na sana ako pero nakatanggap ako ulit ng text. Pero di galing kay Telle kundi kay Jill.

Jill:
Oy babae! Sino na ba bae mo? :) hahaha

Ang kulit talaga nitong nilalang na to. Tsk hahaha.

Sasabihin ko na ba sakanila na babae ang bago ko? Baka mamaya ijudge nila ako tapos biglang ayawan nila ako dahil lesbo ako. Baka mamaya pag nalaman ng mga kaschoolmates ko kamuhian nila ako :( Pano to? Help me Lord :(

------------

Ano nga kayang mangyayare? Aamin kaya ako sa mga kaibigan ko? hahaha.

KEEP READING!!
VOTE and COMMENT ♡

ⓒweareforever19

'Di ko alamTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon