Chapter 46
1st Major major fight
Kinabahan na ako dahil sa mga tweets ni Telle. Ilang minuto din akong nag-isip kung ano bang nagawa kong mali or ano. Excited pa naman akong makausap sya pagkatapos maconfiscate ang phone ko :(
Pagkatapos naming kumain ng dinner, pumasok na ako ng kwarto at gumawa ng homeworks. Tinapos ang ilang night routines at humiga na.
Tinawagan ko na si Telle at nakumpirma kung bakit sya nagalit sakin.
"Ano? Kunyare confiscated pero katext mo lang pala yang crush mo hahahha"
Ayun kaya nagalit, kasi akala nya nagsisinungaling ako sakanya. Akala nya di talaga naconfiscate phone ko.
"Wtf?! Kinuha ko lang yung number pero di ko tinext! Ano ba!" sabi ko.
"Kilig na kilig ka pa nga eh!" pasigaw nyang sabi sa phone.
"Crush lang naman yun! Wala ka bang tiwala sakin?" sabi ko. May bumabara sa lalamunan ko, ang bigat sa pakiramdam.
"Magbreak nalang tayo. You're cheating on me!" What? Tangina nabigla ako sa sinabi nya.
"Are you out of your mind?" yun nalang nasabi ko sa sobrang shock. Ano ba naiisip ng babaeng ito?
"Ayoko na lagi mo nalang akong ginaganito. Ikaw siguro ang karma ko! Ha ha ha" sarkastiko nyang sabi.
Ano bang gagawin ko? Kung kelan ako nagseryoso sa relasyon naming tsaka nya iisipin na may iba ako?
"Hindi ko pa sya natetext ok?! Sinave ko lang yung number nya! Kumalma ka nga"
"Yun na nga yun eh! Sinave mo yung number nya and may gusto ka, anytime itetext mo sya and ano? Magiging kayo?"
"Ang paranoid mo naman eh!" Yun nalang nasabi ko. Ayokong sumigaw, baka marinig ako nila mommy sa labas at maconfiscate na naman phone ko.
"..." Hindi sya nagsalita sa kabilang linya pero, naririnig ko yung mahihinang pag-iyak nya.
"Ssshh.. Tama na please? Ikaw ang girlfriend ko, dapat di ka nagseselos ng ganyan" sabi ko.
"Ngayon lang ako nagmahal ng ganito. Ngayon ko lang naramdaman tong sakit. Baka nga karma ko na din to" sabi ni telle. Hindi ko alam sasabihin dahil unti-unti na din akong nadadala ng emosyon ko.
"Hindi. Hindi ako yung karma mo. Ako magpapatunay sayo na may forever. Tama na babe pls?" Pagsusumamo ko. Ayokong nakakarinig ng umiiyak na babae. Sobrang bigat sa pakiramdam.
Ilang beses ko pa syang sinuyo para maniwala at tumigil sya sa kakaiyak. Sa huli, nawala na sa isip nya na makipaghiwalay sakin.
"Thank you babe for trusting me. I can't promise not to hurt you again but please stay with me. Please?" sabi ko nang tumigil na syang umiyak.
"Mahal na mahal kita Tin eh, ayokong mawala ka sakin. Sayo lang ako nagkaganito" sabi nito. Bakas na sa boses nya ang pagiging kalmado.
Sandali pa kaming nag-usap hanggang sa napag-isipan na din naming matulog.
"Goodnight babe ko" medyo naiiyak na naman ako. "Alam kong iniisip mo na baka niloloko o hindi kita sineseryoso pero sana lagi mo nalang isipin na mahal kita, na walang ibang nagparamdam sakin ng ganito, ikaw kaya ang first ever ever love ko"
"Bigla bigla ka nalang nagiging sweet eh. Kaya lalo akong naiinlove sayo" sabi naman nya.
"Hay nako hahaha. Bukas na tayo magharutan, maaga pa pasok natin bukas. Goodnight mahal ko, babe kooo" sabi ko sabay hikab. Medyo inaantok na din ako eh huhu.
"Antukin ka talaga babe hahha. Sige goodnight sweet dreams" sabi nya.
Eto yung first fight namin ni Telle.
Habang tumatagal, nararamdaman ko na yung "kabog sa dibdib".
-----------
Sorry guys kung halos isang taon din akong natengga. First year college na kasi ako and nag-adjust pa sa hell life ko sa unibersidad. Glad to say, isa ako sa mga iskolar ng bayan! Sana hindi kayo tinamad basahin tong story ko. Salamat!
Keep reading! Spread Love
VOTE and COMMENT 😊
ⓒ weareforever19
BINABASA MO ANG
'Di ko alam
Romansa"Sa di inaasahang pagkakataon, nakilala kita. Sa lahat ng pwede mong mahalin, ako ang napili mo" -Christine "Ikaw ang nagpabago ng buhay ko. Ang dahilan kung bakit nagbago at umayos ako" -Christelle Mabilis magmahal si Christine, mabilis mafall per...
