THE ONLY GIRL OF SECTION Z SEASON 2
Shianna's P.O.V
After 2 years...
Andito ako ngayon sa labas terasa ng aking silid. Nakatanaw ako sa magagandang tanawin na kitang-kita mula dito sa aking kwarto.Nilalanghap ko ang masarap na simoy ng hangin habang yakap-yakap ko ang aking sarili at nakapikit ang mga mata na animoy damang-dama ko ang panahon ngayon. Nakarinig ako ng mga yapak ng sapatos.
“Your Ma—”
“Stop...” sita ko sa maid ng aming bahay. Napakurap-kurap naman siya sa aking sinabi.Sa tinagal-tagal king paninirahan dito sa New Zealand ay hindi parin talaga ako sanay na may gumagalang sakin.
“Pardon your Ma—”
“I said stop...” I turn around and looked at the maid.
“Crizalyn. We're best friends since I came here in New Zealand and I already told you hundreds of times that if no one is around or just the two of us. Just call me by my name.Understand?” nakangiti kong sabi kay Crizalyn. Simula nong dumating ako dito sa New Zealand ay siya na ang naging kaibigan ko at kasama ko sa mga oras na umiiyak ako kapag sumasagi sa isip ko ang mga nangyari sa Pilipinas sa mga nakalipas na panahon.
Lumapit ako kay Crizalyn at inabot ang dalawa niyang kamay at hinawakan ko ito.
“Thankyou so much for being my friend Criza.Without you siguro nakalibing pa rin ako sa nakaraan ko hangang ngayon.” mahina kong sambit at bumuntong hininga. Kita ko ang pagpalit ng emosyon sa mukha ni Criza.Kung kanina ay nakangiti ito.Ngayon naman ay malungkot na.
“By the way ano nga palang sadya mo dito sa Criza?” I changed the topic.
“His Ro—”
“Lolo...” putol ko sa sinabi ni Criza.Bumuntong hininga siya at nagpilit na ngumiti sakin.
“Your Grandpa is looking for you. He's in his garden Shianna.” mahina nitong sambit. Mahina niya pang yung sinabi na parang bumubulong sakin dahil alam kong nag-iingat lang si Criza. Baka may makarinig sa kaniya sa labas ng malaking pintuan ng aking kwarto. Ngumiti ako kay Crizalyn at bumitaw sa kamay niya.Yumuko siya ng kunti at sabay kaming lumabas sa aking silid habang siya ay nakasunod sa aking likuran.
|A Q U A V I A M O U R|
[TOGOSZ S2:The Royal Secret]
BINABASA MO ANG
TOGOSZ S2:The Royal Secret | COMPLETED
Teen FictionTHE ONLY GIRL OF SECTION Z SEASON 2 [DON'T READ THIS IF YOU HAVEN'T YET READ THE ONLY GIRL OF SECTION Z] After of all what happened between Tristan and Shianna's Love Story.Shianna decided to fly to New Zealand together with his Kuya Carlo.Tristan a...