TRS 105: Let's talk

687 29 5
                                    

A/N: Grammatical and typographical errors ahead.





SHIANNA ZENAIDIE'S POV

HANGGANG ngayon ay pakiramdam ko bangag parin ako. Kulang nalang buksan ko itong ulo ko at dukutin ang utak ko para icheck kong anong laman nito. O baka naman nag-a-assume na naman ako na may laman pero ang totoo puro utot lang naman pala ang laman.

Para na kasi akong ewan sa mga ginagawa ko. Two days had passed simula nong nagkasigawan kami ni Tristan. Pero heto ako ngayon. Nakatulala na naman at wala sa sarili.

"Miss Madrigal, are you with me?" nagising ang diwa ko nang magsalita itong Professor namin sa calculus. Nakataas pa talaga ang kilay nito at naghihintay sa magiging reaksyon ko.

Nakasuot ito ng malaking salamin dahil na rin siguro na may ka-edaran na ang ginang.

I blink multiple times and put myself together.

"Y-Yes, Prof." tipid kong sagot.

"Good! Now going back to our topic!" bumalik ang atensyon ni prof sa discussions namin. Ako naman ay pinipilit ko ang sarili ko na ituon na rin ang atensyon sa mga dinidiscuss ni Prof.

Nang dismissal na ay wala akong ganang tumayo saka naglakad palabas ng classroom. Pero bago pa man ako tuluyang makalabas ng classroom ay biglang nagbeep ang phone ko.

Walang gana ko itong kinuha sa bulsa ko at tinignan kong sino ang nagtext.

My forehead creased nang makitang unregistered number ang nagtext sa akin.

From 09234561871

:Let's talk, please?

Huh? Sino na naman 'tong itlog na ito?

Tsk! Hindi ko nalang ito pinansin pa. I turn off my phone at ibinalik ito sa loob ng bulsa ko saka naglakad palabas ng classroom. Aware na ako na maraming magpapapansin sa akin at gagawa ng paraan para lang makuha ang number ko. Tsk, sa ganda ko pa namang ito? Walang duda na maraming maghahabol sa akin.

And speaking of maghahabol. Ayan na sila Lara at Lester na tumatakbo papalapit sa direksyon ko.

"Shianna!" Lester shouted. Dahil sa lakas ng boses nito ay nakuha niya ang atensyon ng mga students na nakapaligid sa amin. Si Lara naman ay malakas na hinampas ito kaya napangiwi ito sa sakit.

"Bakit ba kayo tumatakbo? Ginawa niyo pang marathon area itong hallway."

"Eh ito naman kasing si Lester. Masyadong papansin, akala mo naman kong sinong gwapong nilang." mataray na wika ni Lara. I shooked my head as I looked for the both of them. Pansin ko lang, napapadalas yong pagtatalo at bangayan ng dalawang ito.

"Wow ah! Kong papansin man ako, Lara. Hindi rin ako magpapapansin sa iyo! At gwapo rin ako! Kunting ngiti ko lang sa iyo, kumukunot na iyang noo mo, eh." sagot naman nitong si Lester.

"HAHAHA!" Lara laugh in sarcastic way. "Patawa ka, Lester noh? Bwiset ka! Umalis ka nga sa harapan ko! Kong ayaw mong makakita ng star kahit wala pang gabi! Bwiset!" sa Toni palang ng boses ni Lara ay halatang inis na inis na talaga ito kay Lester. Malamang sa malamang ay kanina pa siya iniinis ni Lester.

"Tapos na ba kayo?" patay malisyang tanong ko sa kanila.

"Oo, tapos na kami." inis na sagot ni Lara saka lumapit sa akin at lumambitin sa braso ko at kinaladkad ako palayo kay Lester.

"Hoy! Hintayin niyo nga ako!" sigaw ni Lester. Pero inirapan lang ito ni Lara.

Sabay kaming tatlong nagrecess sa canteen. As usual. Katulad nang nangyari nong nakaraang araw at kahapon. Hindi ko nakita si Tristan. Kahit anino nito ay wala.

TOGOSZ S2:The Royal Secret | COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon