TRS 108: Mysterious Voice

678 29 5
                                    

A/N: Grammatical and typographical errors ahead.

SHIANNA ZENAIDIE'S POV

WALANG-EMOSYON na naglalakad ako dito sa hallway. Kakatapos palang ng second subject namin at nagpaalam muna ako kay Prof Samonte na magbanyo. Bigla nalang kasing sumama ang pakiramdam ko. Sumakit bigla 'yong tagiliran ko. Wala akong idea kong bakit bigla nalang itong sumakit. Basta ang huli kong naalala ay kahapon ng lunch ako last na kumain.

Iyon siguro ang dahilan na sumakit ang tagiliran ko. Dahil hindi ako kumain kagabi at kaninang umaga. Ayoko kasing kasabay kumain si Zander. Sumasakit ulo ko sa kaniya. Isama na rin ang mga mata ko.

Ang sakit niya sa mata tignan.

Paakyat na ako sa hagdan patungong second floor ng building nang magbeep ang cellphone ko. Kinuha ko ito sa bulsa ng suot ko na square pants. I check it at bumungad sa akin ang isang message.

It was Ivan who sent me a message.

Ivan
:Mag-ingat ka palagi, Anna. Mamimiss kita.

May naramdaman akong kunting kilabot at kaba sa uri ng message niya. Kakaiba kasi. Para siyang namamaalan na ewan. Umiling nalang ako at ibinalik sa bulsa ko ang phone.

Nasa ikalimang palapag na ako ng hagdan nang muling nagbeep ang phone ko.

Inis ko itong kinuha at tinignan ang text.

Zander
:Umuwi ka ng maaga mamaya.

Ngumiwi ako nang mabasa ko ang mensahe ni Zander. Suddenly, I burst out laughing. Wala lang, natawa lang ako kay Zander. Sandali akong tumigil a pagtawa nang mapagtanto ko kong bakit ako tumatawa. Ang saya ng bakasyon ko. Bakasyon pa ba ang tawag nito? Wala man lang akong freedom. Bantay-Sarado ako kay Zander. Nagsisimula na namang guluhin ni Tristan ang tahimik kong buhay. That girl name Claire. Hindi niya ako tinatantanan. Mapa Online o Offline man ang hindi niya ako tinitigilan. Gusto niya talaga na maging kaibigan kami. As if naman papayag ako.

Ano siya gold?

Isa pa itong suitor kuno ni Ivan. Nagulat nalang ako kagabi na may tumambad sa akin na notification while I was scrolling my news feed. Nang chineck ko ito ay isang mensahe na galing sa suitor ni Ivan. Naalala ko siya. She was the girl who visited at Ivan's house. Nakakagulat lang. Si Ivan? May suitor? At babae pa talaga.

Nasaan na ang sinabi ni Rizal na ang kabataan ang pag-asa ng bayan?

Imbis na lalaki ang manligaw. Bumaliktad na yata ang ikot ng mundo. Dahil babae na ang manligaw. Tsk.

Tahimik kong ibinulsa ang phone ko. As what I did to Ivan's message. Hindi ako na rin ako nag-abal na replayan pa si Zander. Malamang maiintindihan niya naman siguro ako. Sasabihin ko nalang sa kaniya late na wala akong load.

Baka sakali pasahan niya ako ng 100 pesos load.

Tahimik kong tinatahak ang hallway ng building sa second floor. Mabuti nalang at third subject na. Nasa classroom ang lahat ng students.

Hindi naman ako makikita ng mga teachers na pakalatkalat sa hallway. Nakasarado kasi lahat ng classrooms pati na rin ang mga bintana. Wala ring makakaita sa akin dahil bukid sa glass window ang bintana ay may nakaharang na kurtina. Lalabas raw kasi ang lamig ng aircon kapag nakabukas ang pinto at bintana ng nga classrooms.

Paano lalabas ang lamig ng aircon eh wala naman 'yong paa?

Sa hagdan na ako paakyat ng thirdfloor ng building nang magbeep na naman ang phone ko.

Sino na naman ito?

Inis kong kinuha ang phone na nasa bulsa ko at tinignan kong sino ang nagtext. Ngumiwi ako nang mabasa ko ang mensahe.

TOGOSZ S2:The Royal Secret | COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon