TRS 103: Confrontation

732 29 5
                                    

A/N: Grammatical and typographical errors ahead.

SHIANNA ZENAIDIE'S POV

AGAD kong binuksan ang pintuan ng condo ko at bumungad sa aking paningin ang nakahilatang si Zander na nasa sofa habang kumakain ng chips at nanonood ng T.V.

Naramdaman siguro nito ang presensya ko kaya ito lumingon sa likuran. Pero kaagad ring bumalik ang paningin nito sa pinapanood niyang palabas.

Lumapit ako sa kaniya at hinarap siya.

"Ano ba Shianna! Nakaharang ka, eh!" reklamo ni Zander na pilit tumitingin sa pinapanood niya sa T.V pero kahit saan siya pumwesto ay hinaharangan ko parin ito.

Nagulat nalang ako sa sunod na ginawa ni Zander.

ZANDER'S POV

SA sobrang inis ko ay dinampot ko ang unan sa gilid ko at binato ko si Shianna dahilan na natamaan ito sa mukha.

Hindi ko alam kong anong trip niya sa buhay. Akala ko may klase ito ngayong araw pero bigla nalang itong sumulpot sa harapan ko at inistorbo pa talaga ang panonood ko ng Sarap Diba.

Bwiset na pinsan na 'to. Hindi ko tuloy nakita si Cassie. Grrr! Ang sarap talaga sabunutan ni Shianna.

"What the hell are you doing?" galit niyang wika pero hindi ko ito pinansin. Patuloy lang ako sa panonood kay Cassie.

"Hindi mo ba ako papansinin? Fine! May itatanong lang ako sa iyo, Zander. Make sure na masasagot mo ako ng tama!" hindi ko parin pinansin si Shianna.

"Bakit hindi mo nakwento sa akin noon na bestfriend mo pala si Tristan?" para akong nabingi sa tanong ni Shianna. Hindi ko alam kong kanino niya iyon nalaman at kong bakit niya iyon natanong. Pero isa lang ang alam ko ngayon. Hindi ko nagustuhan ang tanong ni Shianna.

Tumayo ako tinalikuran si Shianna. Umakyat na ako sa taas para sana magpahinga pero bago paman ako makaakyat ng tuluyan ay mabilis na humarang si Shianna sa gitna ng hagdanan.

"Move." I uttered with the authority of my voice pero hindi ito natinang. Nanatili siyang nakatitig sa akin at walang emosyon ang mukha niya.

Ipinikit ko ang aking mga mata. Kailangan kong magtimpi, baka masigawan ko pa si Shianna ng wala sa oras.

"I. SAID. MOVE!" ulit ko pero hindi talaga siya nakinig.



SHIANNA ZENAIDIE'S POV

HINDI ako umiimik. Kahit anong pagtataboy sa akin ni Zander ay hindi ko ito pinakinggan. Isa lang anv gusto kong marinig mula sa kaniya. 'Yong totoo, kailangan ko ng cinfirmation. Hindi pwedeng basta nalang ako maniwala sa mga sinasabi ni Tristan.

"Shianna. Hindi ka ba nakikinig? Sabi ko, tabi!"

"I want to know the truth, Zander. 'Yong galing mismo sa iyo at hindi kay Tristan!" pagmamatigas ko. Kunot na kunot ang kaniyang noo na tila iniisip ng mabuti ang ibig kong sabihin pero kaagad rin ang nagbago ang reaksyon niya. He's looking at me emotionless. I gulped multiple times and cleared my throat. Hindi niya pwedeng mahalata na kinakabahan ako sa uri ng tingin niya.

Mas nangingibabaw sa akin ngayon na malaman ko ang totoo. Dahil sa totoo lang? Napapagod na akong mabuhay sa kasinungalingan. Ayoko nang humihinga na puro kasinungalingan ang mga naririnig ko sa paligid.

Pumikit ito saka huminga ng malalim.

"Fine. Follow me." Zander muttered. Tinapunan muna niya ako ng matalim na tingin bago uto tumalikod at naunang naglakad patungong living room.

TOGOSZ S2:The Royal Secret | COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon