A/N: Grammatical and typographical errors ahead.
SHIANNA'S POV
"PAANO BA KAYO NAPUNTA DITO?" tanong ko sa kanila pero wala man lang isang sumagot kahit si Tristan man o si Stanley. Sabay pa itong nag-iwas ng tingin. Hatang iniiwasang sagutin ang tanong ko.
"Rylle..?"
"Don't ask me. You see naman diba? I was there during the ceremony beside a King and a Queen. Obviously, I'm a prince." mayabang nitong sagot na ikinakunot ng noo ko. Inirapan ko lang ito at tumingin kay Rian. Pero napasinghap nalang ako ng maalala ko na hinding-hindi ito sasagot dahil wala naman itong pake sa mga nangyayari sa paligid nito.
Puro screen ng laptop niya lang naman ang inaatupag niya."Lyxe?"
"Huh? wala akong alam diyan ah. Basta nalala ko nagising nalangako nandito na ako sa lugar na ito. Pinainom yata nila ako ng pampapatulog." sagot nito sabay kamot ng kaniyang batok.
"Nandito kami para kunin ka, Shianna. Goal ni Tristan 'yan." si Stepehen ang sumagot. Buti naman may pumansin na rin sa tanong ko.
I was stunned of what Stephen said. Ako? goal ni Tristan na kunin? Sweet yet cringe naman pakinggan. Pero kahit na cringe. Parang nay humaplos na kung ano sa puso ko.
"G-Ganun ba? Ok..." tanging reaksyon ko sabay iwas ng tingin kay Tristan. Nakakahiya naman kasi kung makita niyang namumula ang magkabilang pisngi ko.
"Ganun lang? Ok lang sagot mo? Wala man lang bang thankyou?" nagtatamping tinig na sabi ni Tristan.
Tss, daming arte nito. May kasalanan pa nga siya sa'kin eh.
"Thankyou! Ayan na ha! Nagthankyou na ako. Ngayon, umalis na muna kayo kasi kakausapin ko pa si Kuya at si Lolo. Dahil kapag naabutan kayo ng mga gwardiya dito. Baka hindi na kaayo makakauwi ng Pilipinas na humihinga." Sabi ko sa kanilang lahat. Namutla naman si Lyxe ng tinignan ko ito. Hinarap nito si Stanley saka hinawakan ang manggas ng damit ni Stanley.
"Tara na bro! Ayoko pa mamatay! Gusto ko pa magkaroon ng maraming lahi." sabi ni Lyxe kay Stanley. Napaka over acting ah. Akala mo naman eh hinahabol na talaga siya ng kamatayan.
"Eh kong saksakin kaya kita diyan nang hindi maranasan 'yang sinasabi mong lahi, ha! di mo kaya deserve magkaroon ng mga lahi! kawawa maging anak mo at kung sino mang babae ang papatol sa'yo!" biro ko na sagot kay Lyxe.
Umatras naman ito sabay hawak sa dibdib niya. "Ouch! ang sakit non ah. Tagos hanggang sa lungs ko!" sabi niya habang umaarteng nasasaktan talaga sa sinabi ko. Halata namang biro na naman iyan. Kahittalaga kailan hindi nagserseryoso itong si Lyxe. Sana lang talaga dumating na ang babaeng magpapatino sa mokong na ito. Inirapan ko lang siya sabay talikod at naglakad pabalik sa loob ng palasyo. Naramdaman ko naman na tahimik lang silang nakasunod sa likuran ko at kahit hindi ako lumingon ay ramdam ko na may nakatingin sa akin. Hindi lang isa kundi dalawa.
Si Tristan at si Stanley...
PAGPASOK NAMIN sa loob ng palasyo ay wala na ang mga bisitang andirito lang kanina. Malamang ay umuwi na ito sa kanikanilang mga kaharian. Sa di kalayuan naman ay abot tanaw namin ang Ama at ina ni Lester na nakangiting nakatingin sa akin at si Lester naman ay tumingin sa kaniyang ama at ina na parang may sinasabi ito saka humarap sa akin at ngumiti. Pagkatapos ay umalis na ang parents ni Lester.
Nakangiting naglalakad si Lester palapit sa akin.
"Hi?" he greeted. I smile and hug him.
"I miss you, Les!" sabi ko habang nakayakap sa kaniya. Sobrang saya ko kasi na makita si Lester dito. Ang akala ko ay hindi ko na siya makikita pa after of my departure in the Philippines.
BINABASA MO ANG
TOGOSZ S2:The Royal Secret | COMPLETED
Teen FictionTHE ONLY GIRL OF SECTION Z SEASON 2 [DON'T READ THIS IF YOU HAVEN'T YET READ THE ONLY GIRL OF SECTION Z] After of all what happened between Tristan and Shianna's Love Story.Shianna decided to fly to New Zealand together with his Kuya Carlo.Tristan a...