TRS 107: Be Careful

730 27 3
                                    

A/N: Grammatical and typographical errors ahead.

TRISTAN JAKE'S POV

PWEDENG-PWEDE ko naman lapitan at kausapin si Shianna. Pero bakit hindi ko man lang magawa? Ang lakas ng loob ko kahapon na kausapin siya. Pero ngayon ni kahit tingin man lang hindi ko magawa.

"Nagkausap na ba kayo?" 'taka kong tinignan si Stanley. Pero nasa pagkain ang atensyon niya. Ibinalik ko kay Shianna ang paningin ko.

"Yeah. Last night." maikling sagot ko.

"Weh? Di nga? Kayo ni Shianna? Nagka-usap na?" komento ni Vince na halata naman sa tono nito na hindi naniniwala.

Tinapunan ko ito ng masamang tingin.

"Sa tingin mo ba nagsisinungaling ako, Vince?" kunot-noong tanong ko. Ngumiwi lang ito saka nilantakan ang carbonara na order ni Adrian.

"Hey! That's mine!" tinampal ni Adrian ang kamay ni Vince. Napa-iling nalang ako sa ugali ni Vince.

"Anong pinag-usapan niyo kagabi?" curious na tanong ni Stanley. I sitted properly and looked at him.

"I said sorry. Tungkol sa mga nangyari noon at sa pagsigaw ko sa kaniya noong nakaraang araw."

"Sinigawan mo siya?" gulat naman na tanong ni Stephen. Tango lang ang naging sagot ko.

"Pero bakit mo naman ginawa 'yon, Tristan?" kasunod naman na tanong ni Steve.

Nagdadalawang isip ako kong sasabihin ko ba sa kanila. Pero kong hindi ko naman sasabihin ay kukulitin nila ako hanggang sa mapaamin ako. Lalong-lalo na si Lyxe. Hindi siya titigil hanggat hindi ako aamin.

"I saw Rylle and Shianna. Naabutan ko na muntikan nang halikan ni Rylle si Shianna." I paused. "Parang may sariling isip ang paa ko. Lumapit ako sa kanila at basta nalang kinaladkad si Shianna."

Nanlaki ang mga mata nila dahil sa sinabi ko. Ako rin naman ay nagulat rin sa nakita ko, though hindi ko pa talaga sure kong hahalikan ba talaga ni Rylle si Shianna. Baka kasi namamalikmata lang ako.

"Sigurado ka ba sa nakita mo, Tristan? Baka kasi napuwing ka lang." paniguradong tanong ni Stephen. Lahat sila ay nagulat maliban nalang kay Rian na walang kibo at nasa laptop na naman ang atensyon. 'Yong totoo? Marunong pa ba makiramdam 'to? O baka naman naging robot na puso nito. Tsk.

"Hindi naman ako hahalikan ni Rylle. Masyado lang talagang maraming muta iyang mata mo." parang tumigil ang tibok ng puso ko. Tinignan ko ang mga kaibigan ko. Ang paningin nila ay nasa likuran ko. I turn my back and our eyes met. Nakangiti siyang nakatingin sa akin.

Totoo ba ito? Nakangiti siya sa akin? As in ngumingiti?

Shit! Nababakla ako!

Nagring ang phone nito at pagkatapos ay sinulyapan kami ng ilang segundo saka naglakad palabas ng Cafeteria. Sa likuran nito ay ang palagi niyang kasama na si Lara at iyong maangas na lalaki na si Lester.




SHIANNA ZENAIDIE'S POV

NAPAPANSIN ko na kanina pa sulyap ng sulyap sa akin si Tristan. Kong may gusto siyang sabihin. Edi lumapit siya. Diretsuhin niya ako. Hindi iyong panay sulyap ito.

"Sino ba kasi iyang tinitignan mo, Shianna?" lumingon si Lara sa gawi kong saan ako nakatingin. Kumunot ang noo nito saka binalik ang tingin sa akin.

"Bakit ka nakatingin ka Tristan? 'Tapos si Tristan naman tingin ng tingin sa iyo." tinignan ko siya at ang nanunudyo niyang tingin ang sumalubong sa akin. Hindi ko siya pinansin. Tumayo nalang ako at naglakad palabas ng canteen.

TOGOSZ S2:The Royal Secret | COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon