TRS 91: Her?

925 32 9
                                    

A/N:Grammatical and Typographical errors ahead.

:Hi Pearls! I'm sorry for my late update. May inaasikaso lang si author. Tsaka inuna ko lang yung collaboration series na sinalihan ko.para may maipakita akong chapter next week Sunday. Pero don't worry. I'll spend time updating TOGOSZ S2:THE ROYAL SECRET namam. So? Enjoy ready! Love lots!

Now Playing
Wish I may
By:Alden Richards

SHIANNA ZENAIDE'S POV

PIGILAN niyo ako. Dahil kung hindi, makakasapak na talaga ako ng lalaki ngayon ng wala sa oras. Sasapakin ko na itong si Lester. Kanina pa umiinit yung ulo ko sa kakulitan niya, jusko. Kapag talaha hindi siya titigil sa kakadada, tutubuan ako ng highblood sa kakulitan niya.

"Pwede ba tumigil ka na! Kanina ka pa eh!" hindi ko napigilan pagtaasan siya ng boses. Kaya ang ending? Ayun, lahat ng atensyon ng classmates ko ay nabaling sa akin. Isama na rin itong masamang tingin ng Prof namin na nasa harapan ngayon at nakapamewang na nakatingin sa direksyon ko. At ang loko na si Lester? Bumubungisngis ng patago.

Tinapunan ko ito ng masamang tingin at saka binalik ang tingin sa harapan.

"Transferees? Is there something wrong?" Our Professor asked bluntly.

"Nothing, Ma'am. May asungot lang dito sa gilid ko." I replied pero sinadya kong hinaan ang boses ko sa huling salita.

"Good. Please stop stalking. Madidisturbo ang klase ko." wika ng Professor namin.

Bwiset! Ang malas ko ah! First day of school ko palang ngayon. Tapos makikita ko kaagad ang mukha ng unggoy na 'to?

Hindi ko nalang siya pinanasin. Nagmumukhang baliw na nga siya sa ginagawa niya. Hanggang sa matapos ang klases sa first period, hindi ko parin ito pinansin.

"Class dismiss." anunsyo ng aming Professor. Tumayo na ako at kinuha ang bag saka lumapit sa gawi ni Lara.

"Lara!" tawag ko nang makalapit ako sa kaniya. Tumingin ito sa akin at ngumiti.

"Hi! Shianna, right?" tumango ako bilang sagot.

"Oum, pwede mo ba akong samahan papunta sa Cafeteria? Alam mo na, Bago palang ako. Hindi ko kabisado yung buong school." wika ko. Kaagad naman itong ngumiti at hinawakan ako sa kanang kamay.

"Oo naman! It's my pleasure to help you, Shianna!" natawa ako ng kunti dahil sa sinabi nito. Para kasing ginawa niyang big deal yung paghingi ko sa kaniya ng tulong.

"Thankyou! Ano? Tara?" aya ko sa kaniya.

Tumango siya at lalabas na sana kami pero hindi pa man kami nakakalabas ng tuluyan ay may humarang na sa amin na asungot.

"Hi! Pwede ba akong sumama? Transferee rin ako. Hindi ko rin kasi kabisado yung buong school." ani ni Lester na ikinakunot ng noo ko. Hangang sa pagpunta ba naman sa Cafeteria eh guguluhin pa rin niya ako?

Tumingin sa akin si Para at ngumiti. Binigyan ko ito ng 'huwag-kang-pumayag-look' pero mukhang hindi niya yata nagets.

Napabuga nalang ako ng malalim na hininga at ngumiti ng peke sa asungot na ito.

"Ayos lang Lester! Ang saya nga eh! May makakasama na akong dalawang transferees! At nagiging instant tour guide pa ako!" masayang ani ni Lara.

Napasinghap nalang ako ng wala sa oras dahil sa mga nangyayari sa akin.

Bunubuntot talaga sa akin lagi ang malas eh.

"ALAM niyo, Shianna, Lester. Madali lang naman isaulo ang mga pasikot-sikot dito sa school. Kaya huwag kayong mag-aalala. Mga after 4 days ay masasaulo niyo rin ang buong school. But, for the mean time. Ako muna ang tour guide ninyong dalawa habang hindi niyo pa alam ang mga daan sa buong school. Ituturo ko sa inyo muna ang daan papuntang Cafeteria, pagkatapos ay sa Quadrangle. Yung pangalawang Quadrangle ay medyo malayo-layo kaysa sa isang Quadrangle." mahabang wika ni Lara habang naglalakad ito sa unahan namin. Sa gilid ko naman ay si Lester na panay ngiti.

TOGOSZ S2:The Royal Secret | COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon