A/N: Grammatical and typographical errors ahead.
SHIANNA ZENAIDIE'S POV
"YOU, I NEED YOU. IKAW ANG KAILANGAN KO. SO PLEASE, SHIANNA. LET'S TALK. HMM?"
I blinked multiple because of what I've heard from Tristan. O baka naman nabibingi lang ako? Sabi ko na nga ba, eh. Sana naglinis muna ako ng tutuli kanina bago ako umalis sa condo.
Dahil sa pagkakatulala ko. Nawalan na rin ako ng lakas. Parang tumakas ang lahat ng dugo ko kaya nang hulihin ni Tristan ang kaliwang kamay ko ay hindi na ako nakaangal pa. Basta nalang rin akong nagpatianod nang hilahin ako nito.
Naramdaman ko nalang pinasok na pala ako sa loob ng kotse ni Tristan.
Ilang minutong katahimikan ang namayani sa aming dalawa."A-Anong ginagawa natin dito? Bakit mo ako dinala rito?" sa wakas ay may salita naring lumabas mula sa bibig ko. Pilit kong pinakalma ang sarili ko at maging kaswal sa harapan ni Tristan. Hindi niya pwedeng makita ni Tristan na nahihirapan ka kapag malapit siya. Pakiramdam ko ay ano mang oras titigil na ang paghinga ko.
Narinig kong bumuntong-hininga si Tristan.
"I want to talk to you."
"Huh? What do you mean?" patay-malisya kong tanong kahit ang totoo naman ay may ideya na ako kong anong ibig niyang sabihin.
"Shianna, mag-usap tayo." ulit nito.
"Nag-uusap na nga tayo. Ano pa bang gusto mo? Tss!" pabalang kong sagot. Bahala siya sa buhay niya kong mainis man siya. Basta babasahin ko siya hanggat kailan ko gusto.
"Huwag kang magpilosopo!" frustration drawn on his face and it made me silence. He seems to be so damn serious. And yeah, nakaramdam ako ng kaba dahil sa pagtaas ng boses ni Tristan. Mula ng magkita kami ay hindi ko pa siya nakitang sumigaw. Maliban nalang noon. Pero noon na iyon.
I tilted my head at tumingin sa labas ng bintana ng sasakyan. Mukhang madilim na sa labas. Naka on na kasi lahat ng ilaw sa Parking Lot. Kukunti na rin ang mga nakikita kong sasakyan.
"I'm sorry." he almost whispered.
"Ayos lang." maikising sagot ko. He started the engine and maneuverthe car.
Tahimik lang kami ni Tristan sa loob ng sasakyan. Walang balak magsalita sa aming dalawa. Hindi ko nga rin alam kong saan niya ako dadalhin. Bahala na talaga siya sa buhay niya.
Naramdaman kong huminto ang sasakyan. 'Taka ko siyang nilingon pero nasa harapan ang paningin niya.
Tumingin ako sa labas ng bintana pero lalong gulat ko nang bumungad sa mga mata ko ang isang tahimik na lugar. Oo, sa sobrang tahimik ay wala akong makita kahit isang sasakyan o motor man lang.
Sobrang tahimik rin ng lugar. Puro kahoy lang ang nakikita ko. Isa lang ang ibig nitong sabihin. Malayo kami sa syudad.
Binalingan ko si Tristan. Nagtama ang mga mata namin. Tinignan ko siya ng masama saka ko hinampas sa balikat. Halatang nagulat ito sa ginawa kong paghampas sa kaniya. Pero wala akong pakialam kong ano man ang mararamdaman niya.
"Nasaan ako? Saan mo ako dinala, Tristan?!" madiin kong tanong pero pilit kong pinakalma ang sarili ko.
Nakatitig lang ito sa akin. Ako ang unang umiwas ng tingin. Hindi ko kayang makipagtitigan sa mga asul niyang mga mata ng matagal. Kakapusan ako ng hininga.
I heard him unbuckled his seatbelt and the next thing I heard ay ang pagbukas ng pintuan ng sasakyan.
Nilingon ko siya sa driver's seat pero wala na siya.
BINABASA MO ANG
TOGOSZ S2:The Royal Secret | COMPLETED
Teen FictionTHE ONLY GIRL OF SECTION Z SEASON 2 [DON'T READ THIS IF YOU HAVEN'T YET READ THE ONLY GIRL OF SECTION Z] After of all what happened between Tristan and Shianna's Love Story.Shianna decided to fly to New Zealand together with his Kuya Carlo.Tristan a...