A/N: Grammatical and typographical errors ahead.
SHIANNA ZENAIDIE'S POV
"BAKIT ka nga ulit nandito?" ulit kong tanong sa lalaking prenteng naka-upo sa sofa. Pinatuloy ko nalang siya dito sa loob. Nilalamok na raw kasi siya sa labas. Daming arte sa katawan, eh.
"Seriously, Shianna? Pangsampung beses mo na ako tinatanong niyan. Paulit-ulit nalang ba tayo dito?" kunot noong tanong nito na bakas na sa mukha ang iritasyon.
I cleared my throat at kumuha ng boiled water. I opened the cup noodles, put the boiled water and add some seasonings. Kumuha ako ng chop sticks saka bumalik sa sala. Inabot ko sa kaniya ang isa pang cup noodles.
"O ayan! Kumain ka muna." aya ko. Mabuti nalang at dalawang cup noodles mabilis ko.
Sayang, kong hindi napadpad dito 'yan. Dalawa sana kinakain ko ngayon.
"Anyway, ano nga palang ibig sabihin nang ipinunta mo dito, Zander?" tanong ko na nasa noodles ang atensyon.
Nag-angat ako ng tingin nang hindi ito sumagot. Nakasimangot na pala ito.
"Para tayong sirang-plaka sa ginagawa mo, eh." nakasimangot niyang ani.
Ngumisi lang ako at umayos ng upo.
"Ok, babaguhin ko 'yong tanong. Ano nga ba ang ipinunta mo dito? Dahil sigurado ako na hindi lang pangungumusta ang ipinunta mo. Huwag mo rin akong sagutin ng Just Checking you, dahil walang periodical test na nagaganap. Kaya ayusin mo 'yang sagot mo, Zander." mahabang wika ko.
Ngumiti ito saka huminga ng malalim.
"I'll stay here for the meantime. You'll like it or not, dito na ako titira kasama ka!" muntik na akong mabilaukan sa sinabi nito.
"HOY!" kamuntikan na akong mahulog sa inuupuan ko dahil sa pagkakatulak ng katabi kong pasahero. Nilingon ko ito at tinignan ng masama.
"Ano bang problema mo, ate? Bigla-bigla ka nalang nangugulat, eh!" inis kong wika. Sumimangot ito at tinignan ako ng masama.
"Eh, Hija! Kanina ka pa lagpas sa skwelahan mo! Saint Celestine University ka nag-aaral diba? Sus maryusep santisima trinidad! Halos ilang minuto ka nang lumagpas sa skwelahan!" mataray na aniya. Namilog ang bibig ko dahil sa sinabi nito. Tumingin ako sa labas ng bintana.
Shit!
Tama sa Ale, lagpas na nga ako. Tinignan ko ito saka nginitian.
Tumingin ako sa harapan at ibibigay kay Mamang driver ang bayad."Para, ho! Dito nalang po ako!" pagkahinto nang jeep ay agaran akong bumaba.
Tumingin ako sa paligid at wala sa sariling napabuga ako ng malakas na hangin.
"Hayst, di bale. Tatakbuhin ko nalang. Hindi pa naman siguro ako nakakalayo."
Lakad-Takbo ang ginawa ko para lang hindi malate. Ewan ko nalang talaga sa sarili ko kong bakit ako nakatulala. Hayst! Kong ano-ano nalang naiisip ko kaya ako nalulutang, eh.
Dagdag pa 'yang si Zander sa iniisip ko. Hindi ko alam kong bakit siya nandito sa Pilipinas. Siya ang pumalit sa akin sa trono ko. Ngayong nandito na siya sa Pilipinas. Sino ang umupo at namamahala ngayon sa kaharian namin?
Posible kayang naglayas ang kumag na 'yon?
I shook my head and took a deep breath. Imposible, maybe nabobored na rin siguro siya sa New Zealand kaya siya nandito. Tanong ako ng tanong sa kaniya kagabi kong anong reason niya. Pero ayaw niya talagang umamin.
Kong ano man 'yong reason niya. Bahala na siya, total buhay niya naman 'yon eh.
Nandito na pala ako sa harapan ng school. Pinakita ko muna kay manong guard yong I.D ko at pagkatapos ay pumasok na sa loob ng University.
BINABASA MO ANG
TOGOSZ S2:The Royal Secret | COMPLETED
Teen FictionTHE ONLY GIRL OF SECTION Z SEASON 2 [DON'T READ THIS IF YOU HAVEN'T YET READ THE ONLY GIRL OF SECTION Z] After of all what happened between Tristan and Shianna's Love Story.Shianna decided to fly to New Zealand together with his Kuya Carlo.Tristan a...