TRS 109: No Choice

674 24 8
                                    

A/N: Grammatical and typographical errors ahead.

SHIANNA ZENAIDIE'S POV

THIRD DAY, Pangatlong araw na magmula nang inanunsyo ni Prof. Samonte ang tungkol sa Celestinians Night. Pero heto parin ako. Nakatulala sa kawalan.

Nagmasidmasid ako sa paligid. Wala pa ang aming Professor sa second subject sa umaga. May biglaang meeting raw kasi. Malamang tungkol ito sa Celestinians Night.

Kaya malakas ang loob ng mga kaklase ko na mag-ingay.

Hindi ba sila busy? College na sila pero asal high school parin.

Ang iba ay nag-uusap sa gilid. May iba na naghaharutan. 'Yong iba naman ay nagbabasa ng libro sa sulok. Dumako ang paningin ko sa gawi ng babae na tahimik na nakaupo sa sulok na parte ng classroom. As usual, tahimik lang ito habang nakasuot ng headphone.

Sa kakatitig ko sa kaniya. Hindi ko napansin na may umupo na pala sa gilid ko.

"Shianna." boses iyon ni Lara. Nilingon ko siya at nginitian.

"Hmm? Bakit?"

Umusog siya ng kunti sa upuan ko.

"Tungkol pala sa Celestinians Night." pag-uumpisa niya nang topic.

"Hmm, bakit? May problema ka ba sa upcoming event na iyon?"

Umiling ito saka ngumiti. Hinawakan niya ang kabilang palad ko saka pinisil iyon.

"May partner ka na ba? I mean ka-date. Ganun!" biglaang tanong ni Lara. Napa-isip naman ako saglit.

Ka-date? Wala pa akong partner sa araw na iyon. Wala rin namang nagyaya sa akin na maging partner ako. Maganda naman ako. Sexy saka gusto ng lahat. Pero nagtataka lang ako na hangang ngayon ay wala paring nagyayaya sa akin na maging partner nila. Siguro dahil sa pagtataray ko kaya wala akong partner.

Umiling ako na ikinagusot ng matangos na ilong ni Lara.

"Posible ba iyon? Eh, ang ganda mo kaya." binitawan niya ang kamay ko saka napalumbaba sa arm chair ng upuan.

"Ikaw? Meron ka na ba?" balik kong tanong sa kaniya. Hindi siya sumagot. Tumahimik nalang siya bigla na ipinagtaka ko.

"Hoy!" sinundot ko siya sa tagiliran.

"Wala." maikling sagot ni Lara.

Kumunot naman ang aking noo dahil sa simpleng sagot nito.

Bumuntonghininga si Lara. Pagkatapos ay umayos ng upo.
Lumingon siya sa akin. Kakaiba ang mga tingin niya. Hindi katulad ng nakasanayan ko na laging nakangiti kahit ang mga mata ni Lara.

May kong anong liwanag na pumitik sa utak ko. Char!

"Lara?" nanunudyo kong tanong. Nakuha niya siguro ang ibig kong sabihin. Dagli siyang nag-iwas ng tingin.

"Owemjieeeeee!" napatakip pa talaga ako ng bibig ko.

Tinapunan niya ako ng masamang tingin.

"Ang OA ng reaction mo." she muttered bluntly.

"Pero yong totoo! Yieee may gusto siya kay Lester." I teased her. Nanlaki ang kaniyang mga mata at agad na tinakpan ang bibig ko. Tumingin pa siya sa paligid kong may nakarinig ba ng sinabi ko.

"Hoy! Tumigil ka nga!" madiin niyang sabi. Pinandilatan niya ako ng mata na ikinatawa ko.

"Why? Hindi ko naman ipagsasabi, ah. Saka wala namang makakarinig sa atin dito." natatawang sagot ko pero inirapan lang ako nito.

PAGKATAPOS NG KLASE ay sabay kami ni Lara na pumuntang cafeteria para magsnacks. Sinabi niya rin sa akin na huwag ko raw siyang aasarin dahil baka mapipilitan talaga siyang hindi ako pansinin.

TOGOSZ S2:The Royal Secret | COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon