-"Good morning, Ser." Bati ko kay Sir Fred pagpasok ng office niya.
He looked up on me then motioned to seat, "Ace, what can I do for you?"
Lumapit ako sakanya sabay lapag ng excuse letter ko sa lamesa. Tinignan niya ito bago mag-angat sakin ng tingin. Nakausap ko na kasi si Sir Donatello kanina at gaya ng sabi ni Mommy lilipad ako ng Palawan. Kaya inaayos ko ang excuse letter ko sa training namin dahil ilang araw akong mawawala. Hindi naman ako mahihirapan makahabol dahil namove next month ang sportfest dahil marami pang hindi ready na university kasama na ako 'don. Hindi kasi consistent ang training ko kaya aaminin kong nahuhuli parin ako kila Tres na lagi akong pinagiinitan.
Mamaya narin alas 12 and flight namin kaya nagmamadali akong magpass ng letter. Kabonak naman kasi, sila na nga 'tong maguutos kami pa pag aayusin ng letter dapat 'matic na excused kami dahil for school project naman ang sadya namin. Ang corny lang nila.
"That's my excuse letter, kasama po ako sa pupuntang Palawan, Ser. I need your signature po." Deretso kong paliwanag habang turo ang papel.
Tumango naman siya at pumirma after 'non lumayas narin ako dahil rush talaga ang nangyayare. Pinilit ko pa si Mommy kaninang umaga na palitan ako pero ginamitan ako ng super power niyang pangongonsensya. Part of training ko narin daw 'to sa pagmamanage ng business namin kaya 'yon.
Mauutak e.
Sunod ay dumeretso ako sa office ni Uncle para ibigay ang excuse letter ko na napapirmahan ko na sa lahat ng prof ko. Kumatok muna ako at narinig ko si Suzanna na nagsalita.
"Come in." I boredly open the door and gave her a plain smile.
She immediately stood up and bowed na ikinatigil ko, agad kong winagwag ang kamay ko para pigilan siya, "Ms. Dizon, I told not to greet me like that."
She gave me an apologetic look, "I'm sorry, Ms. Ach-Perez. Para ka kasing si Señor Vicountley ng pumasok e."
Ngumiti na nga ako kahit papaano. Ang sunget kaya ng mukha ni Abuelo kaya nakakatakot talaga pero ang amo kaya ng face ko. Pauso si Suzanna am.
I grinned, "Ako parin 'to, Suzanna. Relax." I even winked at her na ikinatigil niya.
Hindi nakalagpas sa paningin ko ang pamumula ng mukha niya, grabe ka na talaga earth mapapagalitan ako ni Abuelo neto e.
Maharot kang depungal ka.
She smiled while blushing, "Nasa loob ang Dean, Ms. Perez. Pasok kana."
Nagpaalam na ako dahil mukha na siyang binilad sa araw sa sobrang pula niya. Tatanong ko pa sana siya kung gusto niyang pasukin ko rin siya kaso 'wag nalang baka umoo. 'Di ko alam na ganon ang epekto ko sa mga nilalandi ko.
Hayst.
Tumungo ako sa office ni Dean and this time hindi na ako maggrand entrance dahil baka may ibang tao nanaman sa loob at madulas na talaga ako ng tuluyan buti sana kung sasaluhin ako ni Anno.
Huh!? Anno what? Luh tanga ng bibig ko, pauso den. Ba't naman nasali si Anno punyawa talaga.
"Matanda kong Tito!" Bulalas ko ng madatnang mag-isa lang siya.
Mula sa tutok niyang atensyon sa papeles ay nag-angat sakin ang salubong na kilay niya. Tinaasan pa ako neto ng kilay kaya tinaasan ko rin siya duh sino may sabing papatalo ako.
"Your mouth, Dacini." He hissed na ikinairap ko lang 'saka lumapit sa table niya.
"Uncle, baka naman may pwede pang pumalit sakin? Ayoko talaga sumama, andami ko pang gustong gawin dito. Andito ang mga kaibigan ko, at mapapangasawa ko, kababalik ko lang, Uncle. 'Wag niyo naman ipagkait sakanila ang maganda nilang kaibigan." Mahaba kong litanya na ikairap niya, "Attitude ka, 'Cle. Akala naman kinaganda niya." Bulong ko kunware pero pinarinig ko talaga 'yon.
BINABASA MO ANG
Chasing Cars (GxG)
Mystery / ThrillerUNDER REVISION Elouise Dacini Achilleo/Dane Aesceil Perez "It's you, Rei. It's always been you. Fuck!" Louise/Dane decided to continue her second-year college at El Civian University. She had been a well-known player since high school but got into a...