-Pagkarating ko ng parking na paika ika ay tumungo na ako sa sasakyan pero mula sa kinatatayuan ko ay may pamilyar na taong nakatayo sa gilid ng sasakyan ko.
Nangunot ang noo kong lumapit para masigurado kung si Qil ba 'yon at saktong humarap naman siya kaya nagtama ang tingin namin. Akala ko nakauwi na siya dahil nauna siyang lumabas samin nila Tres. Nakakapagtaka rin na nakikipagtitigan siya sakin ngayon animong binabasa ang isip ko.
Kahit hirap sa paglalakad ay pinilit kong dumiretso ng lakad papalapit sa sasakyan. Hanggang sa sasakyan ko nalang ang pagitan namin dahil siya ay nakasandal sa itim na sasakyan mukha sakanya 'yon. Nagdadalawang isip rin ako kung kakausapin ko ba siya o hindi dahil nakatingin parin siya hanggang ngayon. Anong problema neto?
Bumuga muna ako ng hangin bago sumakay ng sasakyan pero saktong pagkabukas ko ng pinto ay nagpintig ang tenga ko sa narinig.
"Weak."
Natigilan ako sa akmang pagsakay ng sa kauna unahang beses ay narinig ko ang boses niya isa lang masasabi ko nakakalaglag panty talaga. Choss. Nagangat ako ng tingin sakanya siya na ngayon ang papasok sa sasakyan.
"Lampa." Malamig kong rebut batid kong narinig niya 'yon kahit tuloy lang siya sa pagpasok sa sasakyan. Ang lalim ng boses niya at nakakaturn on 'yon kung sa ibang babae pero sakin ay inis ang naramdaman ko. Kapal ng mukha lampa naman.
Pumasok narin ako dahil sa inis tila nakalimutan ko panandalian ang panghihina ng katawan dahil sa sinabi niya. Alam kong ako ang sinabihan niya 'non dahil bukod sa kami lang ang tao dito ay alam kong about sa training kanina ang pinupunto niya. Hindi ko ikakaila na nahuhuli talaga ako sa kanilang lahat kaya alam kong mahina pa talaga ako. Napagtanto ko rin na nakikita sa phone niya ang performance ko kanina dahil gamit ko nga ang bike niya at nakakonek 'yon sa phone niya kaya ganon nalang ang focus niya sa pag tingin 'don.
Pagkasakay ko ng sasakyan ay doon ko naramdaman ang pagod sobrang panghihina ng aking tuhod at panginginig ng aking hita. Daig ko pa nakipaground 5. Joke lang.
Iwinaglig ko ang isip kay Qil dahil ubos na ang lakas ko para paglaanan siya ng oras. Wala pa mandin siyang kwenta. Mula sa gilid ko ay kita kong umalis ang sasakyan niya nagsalubong ang kilay ko dahil ngayon lang siya umalis e kanina pa siya nakasakay. Mukhang hinintay niya pa ako para lang sabihan ng weak. Magkapatid nga talaga sila. Hindi na ako natutuwa sakanya unang pagkikita palang namin namumuro na siya.
Hindi ko alam kung dahil ba sa kapatid siya ni Shark kaya masama ang timpla ko sakanya o sadyang nakakainis lang talaga ang asta niya 'kala mong sinong magaling 'di naman marunong lumakad natatapilok pa. Tss.
Napapikit ako ng mariin para pakalmahin ang isip sinasakop na ako ng inis ko at hindi maganda 'yon. Matapos ay binuhay ko narin ang makina at maingat na sumibat dahil nanghihina parin ang lower body ko.
Grabe matutuwa sana ako kung ibang pagpapapagod ang sanhi neto pero hindi e. Nabigla na nga sa pilit pang paraan.
Sana lang talaga maenjoy ko ang pagbalik sa cycling.
In-on ko ang left flasher bago makalabas ng gate dahil sa kaliwa ang daan pauwi sa bahay nang mahagip ng mata ko ang dalawang tao nagtataka akong pinagmasdan sila. Anong ginagawa nila 'don napatingin ako sa orasan at mag aalas sais na wala ba silang sundo kaya naghihintay sila sa waiting shed.
Hindi ko alam kung anong masamang ispiritong sumanib sakin para huminto sa harap nila at huli na ng marealize ko ang ginawa dahil nakatingin na sila sakin sa sasakyan actually. Nagtataka ang mukha ni Miss Serrano habang si Anno ay nakakunot ang noo pero mukhang naiinip rin lagi nalang siyang naiinip gusto na atang tumanda. Kasama ako. Choss. Ihuhulog ko nalang siya sa bangin bago mangyare 'yon.
BINABASA MO ANG
Chasing Cars (GxG)
Mystery / ThrillerUNDER REVISION Elouise Dacini Achilleo/Dane Aesceil Perez "It's you, Rei. It's always been you. Fuck!" Louise/Dane decided to continue her second-year college at El Civian University. She had been a well-known player since high school but got into a...