Chapter 33 - Empezar

1.4K 61 33
                                    


-

After we ate dinner, I asked Tito Rod and Tita Celestine for a talk. I need to clarify something I said earlier when Tito Rod asked me if I would also ask their permission to court Anno. Partly true, but my mind wasn't ready to tell them, so I needed some alone time with them. I'm also having a hard time because of Miss Kaye. She's eyeing me painfully, and I'm feeling guilty for doing this. I just need to talk to them first.

We went to their garden, I sat in front of them while I'm mustering my words, "Thank you for the dinner po, Tito, Tita." Kabado kong panimula.

Ngumiti sila pareho kaya medyo gumaan ang pakiramdam ko, "You're very welcome, hija. Sabi ko naman sayo pumunta ka lang dito pag gusto mo kumain." Pabirong sagot ni Tita.

Bumuntong hininga muna ako bago ngumiti ng pilit, "Hindi ko po alam kung makakaulit pa ako dito pagkatapos kong sabihin ang sadya ko."

As expected nangunot ang noo nila, "What is it, anak?" Tanong ni Tito Rod kaya mas lalo akong kinabahan dahil tinawag niya akong anak.

Jusko! Tanggap na ako agad hindi pa nanliligaw.

Char.

Kaya mo 'to Dacini, nagawa na 'to ni Daddy kaya kaya mo 'to. Woah! Bakit kasi ako ang manliligaw at ako pa ang unang gagawa kesa sa dalawang kong kapatid na lalake. Sa pamilya kasi namin ay kapag may nagustuhang babae at balak mong ligawan sobrang higpit ng proseso namin. Kailangan humingi ng permiso sa pamilya ng babae at ipakilala ang sarili. Kinakabahan ako dahil ito ang una, nagkagirlfriend ako pero hindi ganto kaseryoso kaya ngayon palang talaga mangyayare 'to.

Feeling 80's naman kasi si Abuelo pero pabor din naman ako dahil mahalaga sa pamilya namin ang paggalang at pagmamahalan. Kaya hanggang ngayon wala paring girlfriend ang dalawa kong kapatid dahil gusto nila ay yung mapapangasawa na nila ang una nilang liligawan.

E mga bano pa naman ang mga 'yon baka sila pa ang ligawan ng babae.

"Mr. and Mrs. Echaves, I would like to formally introduce myself. I am Elouise Dacini Perez Achilleo, daughter of Dasha and Louis Achilleo. And my grandparents are Vicountley Arch Achilleo and Veevien Cortez-Achilleo." Pormal kong pakilala habang mariin na nakatingin sa mata nila.

Kinakabahan talaga ako pakshet!

I watched their surprised reaction that made me so freaking nervous, "You're an Achilleo?" Tanong ni Tita napatingin ako kay Tito Rod na ngumiti lang bahagya.

Mukhang hindi niya pa sinabi kay Tita ang napagusapan namin kanina, "Yes, po. Tita. Dane Perez po ang gamit ko pangalan tuwing nasa Pilipinas ako."

She nodded habang kunot parin ang noo, "Why, anak? May pinagtataguan ka ba?"

Natigilan ako bago mapangiti ng pilit, "Yes po, Tita. Three years ago when I left the country, I moved to US and had my child."

Mas lalong nanlaki ang mata nila ng sabihin ko ang huli, "You have a child?" Gulat na tanong ni Tita.

Tumango ako, "His name is Vacini Arkisen, but we call him Arki po." Nakangiti kong sagot dahil proud ako sa anak ko at walang pagaalinlangan na ipakilala ko siya.

"Can we see his picture?" Tito Rod asked.

Kinuha ko ang cellphone sa bulsa at pinunta sa picture namin. Pinagmasdan 'yon ng magasawa kaya pinanood ko ang magiging reaksyon nila. Nanatili silang seryoso kaya kinabahan ako hanggang sa magsalita si Tita Celestine, "Omygod, he looked like you, anak." Nakangiti na netong komento kaya napangiti rin ako.

Tito Rod spokes, "So what was really your point here, hija?"

Napalunok ako ng biglang magiba ang ihip ng hangin. Nakakatakot ang boses ni Tito, "I'm...I..um...ehem." I swallowed hardly, "I'm here to asked your permission po." Halos mabulol ang pagkabigkas ko pero mukhang naintindihan naman ng magasawa.

Chasing Cars (GxG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon