Chapter 39 - Full of Suprise

1.7K 61 7
                                    

-

"Asan kana ba?!"

"Near."

"Asa loob kami laban na ng basketball girls!"

"Ok." I answered then hung up.

Kaya pala ang ingay ng line niya nasa arena na. After kong magpark ay tumungo na ako sa aren. Wednesday na ngayon at huling laban na ng basketball girls para sa finals and kung mananalo sila na ang champion for straight 5 years. Pero mukhang alanganin sila dahil injured ang best player nilang si Vans. Delikado sila sa McHill dahil last season sila daw ang mahigpit na kalaban ng El Civian.

Maaga pa naman pero halos mapuno na ang Arena. Tuwing finals kasi sa Arena ginaganap ang laban lalo na't basketball ang laban. Hati ang bleachers para sa dalawang university pero pwede ring makihalo mga ibang university students na gustong manood. Alas dos ang simula kaya onti onti naring napupuno. Hinanap ko sila Cyon dahil magkakasama na daw sila. Buong sportsfest ay kasama nila sila Millan at dalawang propesor kaya paniguradong magkakasama ulit sila ngayon pero this time kasama na ako. Ngayon lang kasi ako makakanood dahil nga sa sobrang busy at kahapon naman ng training kaming dalawa ni Qil after kausap ni Coach.

I excused myself while huddling in the row of students' seats. Some of them are greeting me and murmuring to me, as if they are fans.They just like me that much. Nasa panglimang seats kami mula sa mismong ground kaya malapit lapit ang view namin sa laro. Buti nalang dito ko pinaglunch sila Cyon kundi wala kaming mauupuan. Umupo ako sa tabi ni Anno na walang emosyong nakatingin sakin.

"Hi, babe." Bati ko pero tumango lang siya.

Kahapon niya pa ako hindi pinapansin, ewan ko ba diyan ang sunget sunget pa sa training namin. Kasama kasi siya dahil busy si Coach pero kasama rin namin si Tres at Dos para itrain kami. Ayoko naman umasa na nagseselos siya kay Tres at Qil pero parang ganon na nga. Paano kasi yong dalawa para akong baldado kung makaasikaso. Si Tres naiintindihan ko pa dahil ganon na talaga siya pero si Qil parang nananadya e purkit alam niyang nililigawan ko si Anno. As if naman magseselos yun pero dahil sa inaakto niya ngayon ay hindi ko maiwasang isiping nagseselos nga siya. Ang hot niya kasi lalo pag nagsusunget tsaka isa lang ibig sabihin 'non gusto niya narin ako. Ang saya saya ng buhay hotdog mga mare.

"Dane, Hera tayo maya." Aya ni Tara.

Millan joined, "Heraxagon ba 'yan?"

"Oo, sama kayo? Sama na kayo!" Lakas mag aya ng babaeng 'to.

"Kung sasama si Anno." Ngisi kong sagot na ikinabaling nila kay Anno.

Anno spokes before they could even speak, "Ask Ate Kaye."

We all shift our eyes to Miss Kaye. She raised her eyebrows, "If sasama lahat."

Ang hirap kausap ng magpinsan na 'to. Tara exclaimed, "Yown! So ano sama kayong lahat ha! Amara, Cyon, Trina, Sarys, Sir Ian, Miss Kaye, and Max. Ang 'di sumama panget."

"Ikaw lang 'yon." Millan and Amara respond.

Napailing nalang ako saka bumaling kay Anno. Hindi manlang ako tignan mas maganda kaya ako sa court, "Naglunch kana?"

She nodded, "Ikaw?"

I grin as I leaned closer to her ear, "Not yet, pero kung ikaw ang kakain, why not?"

She glared at me na ikinatama ng ilong namin. Agad siyang umatras sa gulat, "Perv."

"Aray! Ang langgam." Natatawa akong tumingin kay Tara. Nang aasar ang tingin ng three idiots nakita siguro nila, "Mahiya naman kayo sa mga single dito oh!" Binatukan ko siya ng isigaw niya 'yon.

Chasing Cars (GxG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon