Chapter 40 - Folladores

1.6K 65 11
                                    


Dane/Louise's POV

Woah tangina, pumasok!

Akala ko hindi papasok tres ko dahil umikot pa 'yon sa ring. Hindi naman talaga ako titira pero nabadtrip ako sa nakita ko. Magkahawak lang naman kamay ni Anno at Tipaklongs sinong matutuwa. Seryoso akong tumingin sa gawi nila pero agad na nanlambot ang puso ko ng makitang bahagyang nakangiti sakin si Anno.

Wahh! Pota marupok kang hayop ka!

Umiwas ako ng tingin saka tumakbo sa court ng kalaban. Pambihirang puso 'to ngiti lang 'yon pero nakalimutan ko na agad inis ko. Pero inis parin ako duh. Hinayaan niyang umupo si Tipaklongs sa upuan ko.

"Ginulat mo kami." I looked at Chol when she tapped my shoulder.

I just shrugged, "May tipaklong kasi."

Natawa nalang siya kahit hindi niya naman alam ang sinabi ko. Nagtuloy ang laban at si Nadine parin ang kaharap ko. Nagagawa ko siyang lagpasan pero mukhang hindi parin siya seryoso lahat sila ay hindi pa. Nakahabol kami kaya sampo nalang ang lamang. Imposible man pero hindi nila mapigil si Rexi mag tres tulad ng sabi niya hinigpitan nila ang bantay kay Taylor kaya hindi na siya makapuntos. Pero magpapahuli ba kami may plano rin si Vans na gumana naman kaya nakahabol kami.

Napapagod na nga ako sa pabalik balik na takbo. Nagugutom narin ako dahil burger lang na binigay ni Anno ang kinain ko ngayon araw. Kung alam ko lang na maglalaro ako edi sana kumain ako ng limang libong calories. Bumantau sakin si Nadine pero hindi na maluwag mukhang nadala na siya sa ginawa ko. Hindi naman na naulit 'yong pagtira ko dahil si Rexi na ang pumupuntos samin kung hindi man siya ay si Beom. Minsan rin nakakalusot ni Chol kaya nalilito sila kung sino ang babantayan. Dinouble team nila si Taylor kaya napapabayaan si Rexi. Masasabi kong mahina ang plano nila. Hindi balance.

"What's your name, Perez." Mapangasar na tanong ni Nadine.

"Preciosa." (Gorgeous.)

"What?"

"Stupid." I mumbled that drawn her face dim.

Mabilis niyang dinribble ang bola na sinundan ko ng tingin, "Tignan natin kung sinong stupid." Sumugod siya pasulong kahit nakaharang ako kaya napaatras ako. Nakalagpas siya sakin na ikinahabol ko sakanya. Tumalon siya ng mataas kaya batid kong magdudunk siya kaya tumalon rin ako para iblock pero agad niya ring binaba ang kamay at ng makalagpas ako sakanya saka niya lang dinunk ang bola.

Wiws, double clutch. Mukhang magpapakitang gilas na siya.

Nginisan niya ako habang nakalambitin sa ring pero nilagpasan ko lang siya at tumakbo sa court nila. Pasikat masyado. Pinasa sakin ang bola kaya tumayo ako sa gitna ng court lumakad ako pakaliwa ng makitang open si Rexi sa right wing. Binantayan ako ni Nadine ng sobrang lapit kaya napapaatras ako. Nakakasura ang ngisi sa labi niya. Bahagya akong sumugod na ikinaatras niya pero huminto ako kaya sumugod ulit siya. Initsa ko ang bola pataas kaya tumalon siya para tapikin 'yon pero bago niya pa maabot ay tinapik ko ang bola ng malakas papunta kay Rexi ng hindi siya tinitignan. Nakahinga ako ng maluwag dahil nasapo niya 'yon. Malayo ang bantay niya kaya kahit tumalon ang kalaban hindi parin nagawang iblock ang tres ni Rexi.

Pabagsak akong umupo sa bench sa sobrang pagod. Quarter break na at hindi namin nakuha ang 3rd quarter. Pambihirang Sueman kasi 'yan bigla nalang nagpakitang gilas sama na rin si Nadingot si Nadine 'yan pero nakakabadtrip silang dalawa. Hindi pa nga namin nababawi yung lamang nilamangan nanaman nila kami. Naging 28 ang lamang dahil sa tres ni Kelsey at Sue. Nakakagulat si Sue dahil small forward siya pero ang lakas magtres. Minsan nagiging aggressive siya sa ilalim kaya natutuma si Beom pag hinaharang siya.

Pagod narin ang mga kasama ko na halos hindi na makausap. Nakuyom ko ang palad ng mapatingin kay Maggi. Bagsak ang balikat niya habang tahimik na nakatingin sa team. Ginala ko ang paningin sa buong team kahit si Chol na masiyahin ay halatang pagod na. Suko na agad sila? Hindi pa mandin ako nagsisimula. Tss.

Chasing Cars (GxG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon