Chapter 22 - Reminisce

1.5K 65 28
                                    


-

Kinabukasan ay nagising ako sa ring ng phone. Sobrang sakit ng ulo ko dahil anong oras na akong nakatulog tapos may mangiistorbo pa ng precious sleep ko, gosh.

Pikit mata at tamad na tamad ko itong kinapa sa gilid ng kamay at nang makuha ay hindi ko na nagawa pang tignan ang caller sa sobrang antok.

"Who the he—"

"Baby." Agad akong napabalikwas sa pagkakahiga nabuhay ata lahat ng natutulog kong landi.

I checked the caller and I was right, it's mah baby, "Um...Goodmorning baby." I greeted as I yawned.

I'm still sleepy as fuck. Pero 'pag si Kaye bangon agad.

She asked, "I'm sorry, nagising ba kita?"

I slowly nodded even tho she can't see it, "Yes po pero okay lang. Napatawag ka?"

And yup 'ganyan kami mag-usap, masyado akong honest e.

"Kakatapos lang ng check-up ko and I have to eat breakfast for my meds bago pumasok sa school. Can you come?" Agad akong napadilat at napatingin sa oras. Shet! Oo nga pala may check-up siya ngayon, gosh kaya pala 'ganon ang boses niya akala ko antok lang talaga ako.

"Um...opo, wait baby." I excused and get off my bed to check if gising na si Kuya at Papa. Masyado pa kasing maaga kaya baka hindi ako payagan. Nang makitang sarado pa ang pinto nila ay dali dali akong bumalik ng kwarto, "San mo gusto?" I asked.

"Jollibee, baby." I smiled at her tone, cute.

I roamed my closet trying to find decent clothes, "Jollibee right away. Wait mo nalang po ako 'don, 15mins. I love you!" I hurriedly said and hung up the phone.

Hindi na ako magkanda-ugaga sa kakahanap ng susuotin hanggang sa simpleng t-shirt at grey louge jogger ang naisuot ko. Hindi na ako nakaligo sa sobrang kakamadali kaya nag toothbrush nalang ako at naghilamos, kakaligo ko rin naman kagabi. At mahirap paghintayin si Maam mainipin masyado 'yon e.

Hingal na hingal akong lumabas ng bahay at dahil tatakas lang ako ay dahan dahan akong lumabas lalo na sa gate dahil rinig sa loob pag bumubukas 'yon. Buti nga tulog pa si Papa at Kuya si Mama Bell naman ay nasa palengke at si Ate ay nag-aaral at hindi dito nagsstay.

I paid the tric and quickly walked towards the door, where I noticed her sitting pretty in the corner. Onti palang ang tao pero ayaw niya sa madaming tao kaya 'don siya pumunta at para safe na din para samin. Malawak ang ngiti kong lumapit sakanya at nagangat siya ng tingin ng mapansin ako.

"Hello, Maam." Bati ko dahil 'asa public place kami. Maya muna ang bebetime.

Napangiwi ako ng ngumiti lang siya ng bahagya at bumalik sa seryoso niyang mukha, "Order kana kung ano sayo 'yon narin akin."

Ngumiti akong pilya, "Hindi naman pwedeng sarilihin mo ang sarili mo, baby." Bulong ko sakanya na ikinakunot ng noo niya. Hindi niya ata nagets pero ng sumama ang tingin niya ay natawa nalang ako.

Mabilis akong umorder at bumalik sa table namin, "Kumusta check-up? Sorry, baby nakalimutan kong ngayon pala 'yon." Paumanhin ko kahit na galit dapat ako sakanya ngayon dahil tinulugan niya ako. Napuyat kaya ako kakahintay sa reply niya. Pero ngayon ay nabaligtad ang sitwasyon ako nanaman ang susuyo. Unli suyo malala.

"Okay naman." Tipid niyang sagot habang natango pa.

"Ano sabi? May sakit ka daw ba sa bato or what? Gamot? Ilang gamot iinumin mo? Nakabili ka na ba?" Sunod sunod kong natanong pero tinitigan niya lang ako.

Chasing Cars (GxG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon