NGAYON LANG AT HINDI NA PWEDE SA SUSUNOD.
Matapos iyon sabihin ni Isaiah ay hindi ko na ulit siya narinig na nagsalita. Nakapamulsa siya sa suot na school pants habang tahimik na kasabay kong naglalakad.
Gusto ko sana siyang tanungin kung ano ba ang ibig niyang sabihin kaya lang ay sa tuwing susulyap ako sa kanya ay seryoso pa rin ang ekspresyon niya. Yumuko na lang ako at tahimik na lang din na naglakad. Sa bandang gate na ako dumistansiya sa kanya dahil naroon ang mga kaibigan niya na naghihintay sa kanya.
"Oy, nandiyan na si Isaiah!" sigaw ng isa sa mga kaibigan niya. Babae ito at natatandaan ko na naging kaklase na rin namin dati. Maganda ito kahit pa medyo matapang ang bukas ng mukha.
Apat ang mga ito na sumalubong kay Isaiah. Dalawang babae at dalawang lalaki. Lahat namumukhaan ko dahil mga naging kaklase ko na rin sila noon.
Ang isa sa mga lalaki na naunang lumapit sa kanya ay kaklase namin ngayon, si Asher James Prudente. "Isaiah, saan ka ba nagsuot? Magbi-bilyar ang tropa kina Pabling. May babawin tayo sa pustahan, gago!"
Nawala na ang atensyon ko sa kanila nang may tumawag sa akin. "Vi!"
Pagtingin ko sa unahan ng gate ay nakatayo roon ang kinakapatid ko na si Eli. Mukhang kanina pa siya naghihintay sa akin. Naglakad na ako patungo sa kanya.
"Tara na?" yaya niya sa akin.
Nakatingin lang ako kay Eli kahit nang hilahin niya na ako sa pulso.
Bago ako magpatangay sa kanya palabas ng gate ay wala sa loob na napatingin pa muna ulit ako sa gawi ni Isaiah. Ang akala ko ay abala na siya sa mga kaibigan niya kaya nagulat ako nang makitang nakatingin din siya sa akin.
Iiwas pa lang sana ako ng tingin nang bigla siyang kumindat. Nag-init ang aking mukha at muntik pa akong matalisod sa paglalakad kung hindi lang ako maagap na naalalayan ni Eli.
"Vi, okay ka lang ba?" tanong ni Eli sa nag-aalalang boses.
Tumango ako at kahit nagtataka si Eli ay ako na ang humila sa pulso niya para mapabilis kami ng alis. Sa pagmamadali ko ay kahit si Eli ay muntik na ring mangudngod dahil kanda-talisod ang mga mabibilis kong hakbang.
Nang malapit na kami sa paradahan ng tricycle ay pinigilan niya ako sa braso. Humihingal siya nang tumingin sa mukha ko. "Vi, dahan-dahan naman. Baka mag-deretso tayo sa gitna ng kalsada dahil sa pagmamadali mo."
Huminto kami sa paglalakad.
Salubong ang mga kilay ni Eli. "Vi, bakit namumula ka? May sakit ka ba?"
Napakurap ako. "Eli, 'pag ba namumula kailangan may sakit na?"
Lalo namang nagsalubong ang mga kilay niya. Ako naman ay natigilan nang ma-realized ang aking sinasabi... bigla ring pumasok sa isip ko si Isaiah. Bakit? Bakit pumasok sa isip ko ang lalaking iyon?
BINABASA MO ANG
South Boys #3: Serial Charmer
RomanceShe may be beautiful, but she is aware that she's quite the airhead and is pretty dense. As such, Vivi masks her weaknesses behind a snobby and haughty façade. Then she meets Isaiah, who sees through her from the get go, an existence that threatens...