TRIGGER WARNING: This chapter contains death and other sensitive scenes which may trigger memories and emotions from traumatic events.
--------------------------------------------------------------------------------
IT HAD ONLY BEEN A MONTH since I started working as a maid for the Bennetts, an Australian family. Sumubok lang ako na mag-apply pero sinuwerte na mapili.
The Bennetts' place was far from the city. It was okay since I would only be here for a short time. Kailangang-kailangan ko lang kasi ng sandaling trabaho. Ang huling ipon ko kasi ay napunta lahat sa gastusin. Malapit na akong umuwi sa Pilipinas kaya gusto ko sana na may natatabi ako kahit kaunti.
Sa bahay ng mga Bennets ay dalawa kaming helper. I was the all-around maid while the other one was the full-time babysitter for Mackenzie, the 3-year-old daughter of Mr. and Mrs. Bennett.
Gabi. Nasa trabaho pa ang mga amo namin. Pagkatapos kong kunin ang hamper sa kuwarto ng mga ito ay lumabas na ako. Walang susi kaya wala akong balak isara ang pinto dahil may babalikan pa ako sa kuwarto.
When I turned around, a girl emerged from the other room and dashed into the master bedroom. I was holding something, at nakatalikod ako kaya hindi ko na ito napansin. Pagbaba ko sa sala ay nagulat ako nang makita ang 40-year-old Australian babysitter na si Sophie. Humahagikhik ito habang may pinapanood na kung ano sa hawak na cellphone.
Ang ipinagtataka ko ay bakit wala sa paligid ang inaalagaan nito? "Sophine, where is Mackenzie?" tanong ko sa babae.
Saka lang tumingin sa akin si Sophie. Bigla itong napatayo nang mapagtanto na wala sa paligid ang alaga. "Oh, I don't know! Where's that little brat?!"
Nakarinig nang malakas na kalabog ng pinto sa second floor ng bahay. Sabay kaming napatingala. Ang gulat sa aming mga mukha ay napalitan ng takot. Napaakyat kami sa itaas para lang malamang naka-lock ang pinto sa kuwarto na pinanggalingan ko. Nasa loob ang 3-year-old na si Mackenzie!
"Mommy! Mommy!" Mauulinigan ang maliit at nanginginig nitong boses. Umiiyak ito sa takot dahil hindi ito makalabas. Hindi ito marunong magpihit ng matigas na doorknob.
"Baby, hush!" Naiiyak na rin ako rito. Ang sakit ng dibdib ko sa isiping mag-isa ito sa loob habang takot na takot. "Mackenzie, don't be scared. all right? We're here. Just hang on, we're gonna get you out. Do you trust me?"
Patuloy pa rin si Mackenzie sa pag-iyak. Hinahampas pa rin nito ang pinto. Nagpa-panic na kami ni Sophie dahil hindi namin mabuksan ang pinto. Wala kaming mga kapitbahay kaya walang makakatulong sa amin na malapit.
"Sophie, call 000 now!" pasigaw na utos ko kay Sophie. It was the emergency number here in Australia.
Natataranta si Sophie na napapababa para kunin ang phone nito. Palakas na nang palakas ang iyak ng bata sa loob. Takot na takot ito dahil nga sa nag-iisa lang sa loob at madilim pa. Nakakarinig na ako ng mga pinagbabato nitong gamit sa loob.
"Baby, we're here. Don't be scared, please." Naiimahe ko ang namumula at luhaang inosenteng mukha ng bata. "Mackenzie, listen to Viviane, okay? Just think of this as a play." Pilit ko itong pinapakalma pero parang hindi na ako nito naririnig. "We're just playing right now, baby!"
BINABASA MO ANG
South Boys #3: Serial Charmer
RomanceShe may be beautiful, but she is aware that she's quite the airhead and is pretty dense. As such, Vivi masks her weaknesses behind a snobby and haughty façade. Then she meets Isaiah, who sees through her from the get go, an existence that threatens...