Chapter 56

84.5K 4.9K 2.9K
                                    

"ISAIAH, BUKAS KA NA UMUWI."


Hinila ko siya papasok sa loob ng gate, sa loob ng bahay, at nagpahila naman siya.


Pagpasok namin ay ini-lock ko agad ang pinto. Walang nag-abala sa amin ng magbukas ng ilaw. Bagaman walang liwanag maski kapiraso, sandali lang ay nasanay ang mga mata namin ni Isaiah sa dilim.


I felt his strong arms wrap around my waist. Tumama rin sa aking mukha ang mainit at mabango niyang hininga. Naghahalong amoy Listerine mouthwash, pepper mint bubble gum, at iced coffee. Wala iyong muffins.


"Bakit ayaw mo akong pauwiin? Anong gagawin natin?" tanong niya sa paos pero buong boses.


I looked up at him despite the fact that I couldn't see him much in the dark. "Tatapusin natin iyong sinimulan natin sa Tagaytay. Mahaba ang gabi, puwede ngayon hanggang Part 3."


Napaungol siya nang humiwalay ako sa kanya. Humabol siya sa akin. "Vi, hindi na ako galit."


Nagpatuloy ako sa paglayo. Kabisado ko ang bahay at kung saan banda nakalagay ang mga gamit kaya kahit madilim ay ayos lang. Si Isaiah na nakasunod sa akin ay ilang ulit mahinang napamura dahil kandabunggo-bunggo siya sa kung saan-saan.


Muntik pa siyang mangudngod dahil tumama yata sa center table ang kanyang tuhod, pero maagap ko siyang naalalayan sa braso. Pagkahawak ko sa kanya ay bigla naman siyang yumakap sa akin.


"Isaiah, wala nang gamit dito," sabi ko sa kanya para bitiwan niya na ako. "Hindi ka na mabubunggo."


Hindi pa rin naman siya bumitiw. "So? E takot ako sa dilim."


Napabuga na lang ako ng hangin. Pagkarating namin sa hagdan ay hindi niya pa rin ako binibitiwan. "Gutom ka ba? Gusto mong kumain muna? Meron ako dito pero mga instant nga lang. Kung gusto mo, puwede kang um-order ng pagkain mo."


"Ikaw, gutom ka?"


"Hindi naman."


"Mamaya na tayo kumain. Hindi pa rin ako gutom." Siya na ang humila sa akin paakyat sa hagdan, na akala mo'y kabisado ang bawat baitang. Ilang ulit tuloy siyang nakantuhan.


Sa aking kuwarto ay bubuksan ko na ang ilaw nang pigilan ni Isaiah ang kamay ko. Tumingala ko sa kanya. Naaaninag ko ang seryoso niyang mukha, dahil kahit walang ilaw ay may kaunting liwanag mula sa labas ng bintana. Lumalagos sa manipis na kurtina ang liwanag mula sa lamppost sa kalsada.


"Vi," maaligasgas ang boses niya. "Nang sinabi mong ginalaw kita habang galit ako, hindi iyon totoo."


Nakatingala lang ako sa kanya.


"Kahit gago ako, hindi ko gagaguhin ang nanay ng anak ko. Aaminin ko, masama talaga ang loob ko kaya kung anu-anong pinagagagawa ko. Pero nang oras na may nangyayari na sa atin, nalimutan ko na lahat ng sama ng loob ko. Kung ayaw mong maniwala, okay lang. Deserve ko iyan."

South Boys #3: Serial CharmerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon