Simula...
KAPAG DAW MAGANDA, TANGA.
Totoo kaya iyon? Hindi naman siguro. Maganda kasi ako pero hindi naman ako tanga.
Kanina nga ay may fifty pesos ako, 'tapos bumili ako ng worth 12 pesos na bananacue, ang sukli sa akin ay 40. Kulang ng dos kaya nag-reklamo agad ako.
Teka, mali. Ang ibig kong sabihin ay hindi pala kulang kung hindi sobra ng dos ang sukli sa akin.
Tama ba? Sandali, mali pa rin. Ang ibig ko palang sabihin ay... Napakamot ako sa aking ulo. Ayoko na palang pakaisipin ang mga bagay na nangyari na dahil 'past is past'.
Anyway, balik tayo sa sabi-sabi na ang tanga raw ang magaganda. Sabi-sabi lang iyon at hindi talaga ako naniniwala. Di ba ang naniwala raw sa sabi-sabi ay walang bait sa sarili.
Napanguso ako habang nakatingala sa madilim na kalangitan. Nakapangalumbaba ako sa terrace namin habang nag-iisip-isip. Ugali ko ito tuwing gabi bago matulog. Nakakatalino raw kasi ang pag-iisip. Dapat naman talaga ini-exercise ang utak para hindi nai-stuck.
Naisipan ko na magbilang na lang ng stars. Nakaka walo pa lang ako nang may sumitsit mula sa ibaba ng terrace. Yumuko ako at doon ay nakita ko ang isang matangkad na lalaki. Nakatingala siya sa akin.
Siya nga pala si Eli na kapitbahay, kinakapatid, at kababata ko. Mabait at guwapo naman siya kaya lang ay naaasar ako sa kanya dahil mahilig siyang mang-istorbo.
"Anong ginagawa mo?" tanong niya sa akin.
"Nagbibilang ng stars? Bakit ba?" nakasimangot na tanong ko sa kanya. Inistorbo niya ako sa pagbibilang.
Malamang na nag-over the bakod siya dahil bisyo niya na iyon. Mga bata pa lang kami ay tresspasser na siya sa bakuran namin. Kahit ang aso namin na si General ay kilala na siya. Imbes na tahulan siya ay dinidilaan na lang siya sa paa.
"May test bukas, nag-review ka na ba?" tanong niya sa akin habang nakatingala sa kinaroroonan ko.
"Test?" Napakurap ako. "May test?"
Nagsalubong ang mga kilay niya. "O di ba, di mo alam!"
May test ba? Hindi ko matandaan kung saang subject may test. Napaisip ako kung sino ang teacher na parehas kami. Magkaibang section kasi kami ni Eli, nasa section 2 siya habang ako ay nasa section 5—sa Grade 10-Mangga.
"Kay Mrs. Pagkaliwangan, Filipino subject!" pangunguna niya sa pag-iisip ko. "1-50! Kasama iyong kuwento na binasa kahapon!"
Natutop ko ang aking bibig. "Hala! Oo nga pala!"
Wala pa naman akong libro dahil hindi ako humingi. Nagpapa-photocopy lang ako dahil ayaw kong ng masyadong mabigat ang laman ng aking bag.
BINABASA MO ANG
South Boys #3: Serial Charmer
RomanceShe may be beautiful, but she is aware that she's quite the airhead and is pretty dense. As such, Vivi masks her weaknesses behind a snobby and haughty façade. Then she meets Isaiah, who sees through her from the get go, an existence that threatens...