"'PRE, DOON KA SA KABILANG ROW, MAY BAKANTE ROON. WAG KA RITO, TERITORYO KO ITO."
Nagusot ang noo ng estudyanteng kalbo pero wala na itong nagawa pa. Inakala siguro nito na dito talaga sa tabi ko nakaupo si Isaiah. Bagsak ang balikat na pumunta na ito sa kabilang row kung saan ang bakanteng upuan doon ay ang tunay talaga na upuan ni Isaiah.
Samantala, kakaiba ang kabog ng dibdib ko sa mga sandaling ito. Hindi man iyong lalaking kalbo kanina ang nakatabi ko ay lalaki rin naman si Isaiah. Naiilang pa rin ako na makatabi siya, pero ibang klase ng pagkailang. Hindi ko maintindihan.
Bakit ganoon? Ayaw ko na may katabing lalaki pero 'pag siya ay parang hindi naman pala ganoon kasama na lalaki ang katabi ko.
Maangas ang dating ni Isaiah pero bakit parang ayos lang sa akin?
Kahapon nga ay halos magkadikit na ang mga katawan namin, pero bakit hindi rin ako nandiri maski kaunti?
Naguguluhan talaga ako kaya ipinilig ko ang aking ulo. Nang magsimula ang klase ay sinikap ko na lang na ibuhos ang atensyon sa lesson.
Si Isaiah sa tabi ko ay relaxed lang. Nakasandal siya sa sandalan ng upuan habang nakahalukipkip at kinukuyakoy niya ang kanyang paa sa harapan.
Ako ay kung hindi nakatingin nang tuwid sa blackborad ay nakayuko naman. Kahit parang magkaka-stiff neck na ako ay hindi talaga ako lumilingon sa kanya.
Nang matapos ang first subject at umalis na ang estudyanteng kalbo sa room namin ay akala ko na aalis na rin si Isaiah sa tabi ko, pero hindi siya tumayo.
Hanggang sa dumating ang next subject teacher namin sa English 10 na si Mrs. Panganiban ay prente pa ring nakaupo si Isaiah sa upuan na katabi ng upuan ko.
Nag-discuss ang teacher namin ng ilang minuto at pagkatapos ay nagpalabas ng ¼ sheet of paper. Merong 1-20 na quiz.
Naglabas ako ng ½ na papel dahil iyon lang ang papel ko saka 1 whole. Tinupi ko ang papel at ginamitan ng ruler para mahati iyon sa gitna at maging ¼, ang kaso ay magsisimula na ang quiz pero hindi ko pa rin nahahati.
"Akina," narinig ko ang maaligasgas na boses mula aking kanan.
Napalunok ako dahil hindi ko na kailangang lumingon para malaman kung sino ang nagsalita.
Kinuha niya sa akin ang papel kaya napalingon ako. Sa gulat ko ay dinilaan niya ang pagkakatupi ng papel. Nang mabasa iyon dahil sa kanyang laway ay saka niya hinati.
"See? Easy!"
Nakatunganga pa rin ako nang ibigay niya na sa akin ang isang bahagi ng papel na ngayon ay ¼ na.
"Akin na itong isa, wala akong papel e," cool na sabi niya. Kinuha niya na ang HBW niyang ballpen mula sa bulsa ng kanyang school polo.
BINABASA MO ANG
South Boys #3: Serial Charmer
RomanceShe may be beautiful, but she is aware that she's quite the airhead and is pretty dense. As such, Vivi masks her weaknesses behind a snobby and haughty façade. Then she meets Isaiah, who sees through her from the get go, an existence that threatens...