ISANG TAON.
Isang taon na rin mula nang bumalik ako ng Australia para asikasuhin ang libing ni Tita Duday. Maraming nangyari nang araw ng pag-alis ko.
Mula umaga, iyak nang iyak si Vien. "Mommy ku, aalis ka, Mommy ku!" Naghahalo na ang luha, sipon, at laway sa mukha habang yakap-yakap ko.
Umuwi rin si Isaiah kaninang umaga. Hindi siya nagsasalita pero halos hindi siya umalis sa tabi ko. Kahit nakikita ko na nangangalumata siya sa pagod at antok, ni hindi siya umidlip kahit saglit.
Ihahatid nila ako ngayong gabi sa airport. Sina Mama Anya, Papa Gideon, kasama rin namin sina Tita Roda at Tito Kiel. Humabol din na dumating sina Arkanghel at Sussie, Miko at Zandra. Ang van ang gagamitin.
Bago umalis ng PK2, lumuhod si Isaiah sa kalsada. Sa harapan ko. Hindi siya nagsasalita habang mahigpit na hawak-hawak lang ang kamay ko.
"Isaiah, m-may mga tao..." pigil ang mga luha na saway ko sa kanya.
Hindi pa rin siya tuminag. Nakaluhod pa rin siya at nakahawak sa kamay ko. Kung hindi pa siya inalalayan patayo nina Arkanghel at Miko, hindi pa siya tatayo. Luhaan siya na yumakap sa akin. Sobrang higpit na halos mapisa ako.
Hindi na nakuhang mag-drive ni Isaiah. Parang wala na siya sa huwisyo. Si Arkanghel na ang nagmaneho ng van na sinakyan namin papunta sa airport.
"Isaiah, tama na." Pinunasan ko ng aking kamay ang luhaang mukha niya kahit pati ako ay wala na ring patid ang pagluha. "'Wag mong ipakita kay Vien iyong ganito. Sa 'yo siya kukuha ng lakas habang wala ako."
"Boo..." hikbi niya. Sumandig siya sa balikat ko.
"Alagaan mo ang anak natin, ha?" garalgal ang boses na bilin ko sa kanya.
Tumango siya habang patuloy sa pag-iyak sa buong biyahe. Hinahalikan niya ang mga kamay ko.
Sa airport ay sobrang tahimik naming lahat. Nang kailangan ko nang pumasok ay hinarap ko si Isaiah. His eyes were red from crying, as well as the tip of his pointed nose. And he couldn't look at me.
"Isaiah, mag-iingat ka, ha? Pigilan mong malungkot. Magtrabaho ka nang maayos, mahirap makahanap ng magandang trabaho kaya ingatan mo iyan. Pagbutihin mo para maabot mo pa ang mga pangarap mo. Alagaan mo rin ang mama at papa mo. 'Wag kang pasaway sa kanila, ha?"
Hanggang tango na lang siya dahil hindi niya na kayang magsalita. Tiningnan ko sina Mama Anya. Naluluha na rin ito. "Vi, mag-ingat ka roon. Ako na ang bahala sa mag-ama mo. Isipin mo muna ang sarili mo. Alagaan mo ang sarili mo."
"Salamat po, Mama..."
Niyakap ako ni Mama Anya. Pagkatapos ay si Papa Gideon ang sunod kong niyakap. Karga-karga nito si Vien na namumula na ang mukha sa paghikbi.
"Anak, ingat ka roon," bilin sa akin ni Papa Gideon.
BINABASA MO ANG
South Boys #3: Serial Charmer
RomanceShe may be beautiful, but she is aware that she's quite the airhead and is pretty dense. As such, Vivi masks her weaknesses behind a snobby and haughty façade. Then she meets Isaiah, who sees through her from the get go, an existence that threatens...