Chapter 37

56.8K 3.6K 1.2K
                                    

ISAIAH, KUMUSTA KA NA BA?


A bitter smile formed on my lips. When Tita Duday sent me the message about my Mommy's condition five years ago, Isaiah already knew what my decision would be.


Kahit bali-baliktarin ang mundo, hindi ko magagawang talikuran ang mommy ko. Nangako rin ako kay Kuya Vien na hindi ko pababayaan si Mommy. At alam iyon ni Isaiah. Nauunawaan niya.


Naging mabilis ang proseso ng pag-alis ko. Hindi naging mahirap ang lahat dahil iyon pa rin ang apelyido ko at hindi naman napalitan. Tatlong buwan ang hatol ng immigration sa akin bilang tourist sa Australia.


Hindi na yata kami natulog noon ni Isaiah hanggang sa araw ng flight ko. Parang ayaw ko nang bumitiw sa kanila ni Vien noon sa airport. Para akong pinapatay habang paakyat sa eroplano. Sobrang sakit na umalis dahil naiwan sa Pilipinas ang puso ko.


Paulit-ulit ang bilin ni Isaiah na dapat palagi kaming mag-uusap. Paulit-ulit din niyang pinapaalala na pagkatapos ng tatlong buwan ay dapat balikan ko na sila agad. Pero hindi iyon nangyari dahil hindi ko puwedeng basta iwan si Mommy.


Sa loob ng mahigit dalawang taon na inunawa ako ni Isaiah, ay hindi rin natupad kahit iyong araw-araw na dapat kaming mag-uusap. Pareho kaming naging abala at nawalan ng oras. At ang lahat sa amin ay doon na rin nag-wakas...


Ang pag-iisip ko ay nagambala nang pabalibag na bumukas ang pinto. "VIVI!"


Nakatayo sa aking harapan si Daddy. Magulo ang kanyang buhok, ang coat na suot niya ay tabingi. Hindi ko alam kung saan siya nanggaling, pero ilang araw siyang hindi umuwi.


"Nasaan ang passport mo?!" sigaw niya sa akin.


Walang emosyon ang mukha ko nang sagutin siya, "Si Tita Duday ang nagtago."


Umikot ang mga mata niya sa aking kuwarto para magsiyasat. Nang makita niya na bukas ang ang aking cabinet at kompleto doon ang aking mga damit, ay saka lamang siya kumalma.


"Akala ko, nagbabalak ka ng umuwi sa Pilipinas. Mas kailangan ka rito. Nakakahiya sa tita mo kung iiwan mo siya. Ang laki pa ng utang na kailangang bayaran. Alam mo namang wala ako ngayong trabaho."


I didn't say a thing and just listened to him.


"Saka ano bang uuwian mo sa Pilipinas? Malamang na pinagiba na ni Hannah iyong bahay natin doon, dahil hindi ko na nahulugan pa sa kanya iyong lupa niya."


Ang tinutukoy niya ay ang bahay namin sa Buenavista na basta na lang nila noong iniwan.


"O baka iniisip mo na makakauwi ka pa sa tarantadong ex mo? Aba, e mag-isip-isip ka. Ang tagal niyo nang hindi nagkikita, malamang may ibang babae na iyon ngayon."


I was still silent.


"Anak na lang ang meron sa inyo. Ang importante lang naman ay hindi ka pumapalya sa pagsuporta. Pero 'wag mong lakihan ang sustento, dahil baka sa padala mo na lang sila magsi-asa. Aba, swerte naman nila. Instant dollar buwan-buwan."

South Boys #3: Serial CharmerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon