"SINASAGOT NA KITA."
Ang pagsusuot ni Isaiah ng helmet sa ulo ay sumala. Nakita ko na lang na gumugulong na ang helmet niya sa lupa. Natulala siya sa akin. Napakurap-kurap. "Ano? Paulit nga, Vi!"
"'Sabi ko sinasagot na kita."
Bumaba siya sa motor. "Ano? Pakiulit!"
"'Sabi ko sinasagot na kita. Tayo na."
"Ano ulit?!"
"Tayo na nga."
"Ha? Ano, Vi? Please, ulitin mo!"
"Sabi ko, inaantok na ako. Uwi ka na!"
"Vi..." Hinawakan niya ang kamay ko. "Vi, mamamatay na ako..."
Napangiti ako at tiningala siya. "Makinig kang mabuti, hindi ko nauulitin. Isaiah, tayo na. Sinasagot na kita. Pag pinaulit mo pa sa akin, babawiin ko. Sige ka."
"Bakit ko papaulit? Hindi ko pinaulit! Ikaw nag-ulit. Bakit mo inulit?! Sheeet!" Napatalikod siya. Nang humarap ay ngiting-ngiti. "Wala nang bawian, Vi. Pag binawi mo, hindi mo na mababawi. Bawal bawiin!"
Nangingiting tumango ako. Pagkasabi'y iniwan ko na siya sa kanto. Nakangiti ang aking mga labi dahil alam ko na kahit iniwan kong nakatulala si Isaiah ay masaya ang gabi niya. At maging ang gabi ko rin.
Sa kuwarto ay sumubsob agad ako sa kama at impit na napatili. May boyfriend na ako. May boyfriend na ako!
LINGGO ng umaga kinabukasan. Pagmulat ay hinagilap ko agad ang aking phone na dati rati'y hindi ko naman ginagawa. Ngayon ay nagising ako na naghahalo ang kaba at excitement. Pagtingin ko sa screen ng phone ay muntik pa akong mahulog sa kama nang makitang may 1 text unread message doon.
Sa kauna-unahang beses sa paggising ko, may message ako na natanggap sa umaga. Sabik na binuksan ko agad.
Isaiah Gideon:
Good morning! *heart emoticon*
Gusto ko sanang i-reply, ang kaso ay wala na akong load. Hindi naman kasi ako nag-lo-load dahil wala naman akong itini-text at wala ring extra budget. Pasa load lang mula sa phone ni Kuya Vien ang ginamit ko kahapon.
Masigla ako na tumayo. Pakanta-kanta ako habang papasok sa banyo. Magaan ang pakiramdam ko ngayon. Hindi katulad nang mga nakaraan na bagot na bagot ako. Pagkahilamos ay naglagay na ako ng sunscreen sa mukha. Kahit nasa bahay lang ay importante ang sunscreen sa skincare routine ko. Dapat daw kasi na palaging protektado ang balat sa init, polusyon at radiation.
Paglabas sa banyo ay nag-beep ulit ang phone ko. Kandadulas ako sa paglapit at pagdampot dito.
BINABASA MO ANG
South Boys #3: Serial Charmer
RomanceShe may be beautiful, but she is aware that she's quite the airhead and is pretty dense. As such, Vivi masks her weaknesses behind a snobby and haughty façade. Then she meets Isaiah, who sees through her from the get go, an existence that threatens...