Chapter 14

52.4K 3.3K 1.7K
                                    

WALA NA KAMI.


Basta na lang akong nakipag-break kay Isaiah kanina. Hindi ko man lang siya binigyan ng pagkakataon na makapagtanong. Tinalikuran ko na siya agad dahil sa aking kaduwagan na makita ang kanyang reaksyon.


Nanakbo ako papasok sa bahay pagkatapos. Nanginginig ako nang mag-send ng mabilis at maiksing paliwanag. Sinabi ko na alam na ni daddy ang tungkol sa kanya, kahit hindi pa naman talaga. Nakokonsensiya ako pero pero kailangan ko siyang tiisin dahil iyon ang nararapat gawin. 


Lumipas ang magdamag na wala siyang reply. Sinayang ko ang panahon at oras niya, kaya malamang na galit siya. Hanggang umaga yata ay umiiyak ako, pero wala na akong magagawa. Nangyari na. Break na kaming dalawa. 


Namumugto ang aking mga mata kinabukasan, kaya nang pumasok sa school ay nag-eyeliner at eyeshadow ako. Mag-isa pa rin akong pumasok dahil iniwan na naman ako ni Eli. Nauna na namang umalis at hindi na naman ako hinintay. 


Pagpasok sa gate ay dere-deretso ang lakad ko. Natatakot ako na magkita kami ni Isaiah. Alam ko na hindi maiiwasan na hindi kami magkita dahil nasa iisang school lang kaming dalawa, nasa iisang building at floor din. Pero hindi ko pa talaga siyang kayang harapin.

Hindi naman kami nagkita dahil mukhang wala pa siya. Late ba siya? Hindi ako mapakali. Ang totoo ay nag-aalala ako dahil baka hindi siya nakatulog nang maayos kagabi. Marahan kong hinampas ang aking dibdib. Break na kami at hindi ko na siya dapat iniisip.


Hindi na ako lumabas pagpasok ko sa room. Sinikap kong wag nang lumabas hanggang sa dumating ang first subject teacher, ang second, ang 15-minute break, third subject at sumunod pa. Nasa upuan lang ako. Tahimik na tulala habang pigil-pigil ang sarili na wag na wag mapapasulyap sa bintana.


Hindi rin ako nagtanga na lumabas ng room sa lunchbreak, dahil wala rin naman akong gagawin sa labas. Tapos na iyong mga araw na nakakasabik ang bawat lunchbreak.


Kinain ko na lang ang aking baong yogurt. Inubos ko kahit pa sukang-suka ako sa amoy at lasa nito. Hindi kasi talaga ako mahilig sa yogurt. Si Mommy lang ang pumilit sa akin kanina na magbaon nito. Mahal daw kasi ito at naka-sale lang kaya dapat ay sulitin ko.


Parang mas maasim at mabaho lang ang lasa ng yogurt ngayon. Chineck ko ang flavor. Mukha namang okay pero bakit kaya ang pangit ng lasa? Pati ang pakiramdam ko ay parang bigla na rin tuloy sumama. Namilog ang aking mga mata nang makita ang expiration date ng yogurt na kinain ko. Almost 3 months expired na!


Humilab nang matindi ang aking tiyan. Napakapit ako sa armchair kasabay ng pamimilog ng aking mga mata. CR. Kailangan kong pumunta sa CR!


Masama ito. Hindi ko kayang tiisin. Nagmamadali akong nagkalkal sa bag ko. Kinuha ko ang feminine wipes at maliit na alcohol spray. Inilagay ko iyon sa bulsa ng aking suot na palda saka ako tumayo. 


Paglabas ng room ay kinabahan ako dahil baka magkita kami ni Isaiah.  Kung hindi lang masakit ang tiyan ko ay hinding-hindi talaga ako lalabas, pero masakit talaga. Alam ko na ang kasunod nito kaya kailangan ko nang makarating sa CR bago ang lahat.

South Boys #3: Serial CharmerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon