PANININDIGAN KITA.
Matapos humupa ng sidhi ng mga damdamin ay doon ko naramdaman ang takot sa ginawa namin ni Isaiah. Pero sa mga salitang binitiwan niya ay naibsan ang lahat ng aking pangamba.
"Hindi kita pababayan, Vi." Hinalikan niya ako sa noo. "Mag-aaral ako nang mabuti, ga-graduate ng college para magkaroon ng magandang trabaho. Mag-iipon ako at pagkatapos, magpapakasal tayo."
Naluluha ako sa saya. Ang isa kasi sa ikinakatakot ko kanina ay baka kapag naibigay ko na sa kanya ang aking sarili ay iwan niya na ako.
Hinalikan niya ako sa noo saka siya humiwalay sa akin. Gamit ang kaliwang kamay niya ay inalis niya ang rubber na nakabalot doon sa ibabang bahagi ng kanyang katawan. Basta niya iyon ibinagsak sa sahig.
"Mamaya ko na lilinisin," sabi niya at saka niya ako inasikaso.
Hinila niya ang nakataas kong t-shirt pababa sa aking hubad na katawan. Nang nasa kalahati na ng aking hita ang laylayan ng t-shirt ay natigilan siya.
Napatingin siya sa palad niya at nagsalubong ang kanyang mga kilay. Ang mga mata ko naman ay nakamasid lang sa kanya. Ito ang unang beses ko kaya wala akong kaalam-alam, pero meron akong kakaibang nararamdaman.
"Isaiah, p-parang merong..." Hindi ko maituloy ang sinasabi. Ang kaba ay nagsisimula nang umahon sa dibdib ko.
"Tang-ina," usal niya sabay baba sa kama. Hinagilap niya ang ibinatong rubber sa sahig at agad na binulatlat iyon. Balewala sa kanya kahit marumihan ang kamay niya.
Nakatayo siya patagilid sa gawi ko at walang pakialam kahit nakahubo pa siya. Nakita na tuloy ng aking mga mata ang parte niya na kanina lang ay nasa loob ng katawan ko. Iyon pala iyon?
Hindi ko na magawang magbawi ng tingin. Malamlam ang liwanag ng lampshade kaya hindi ko matiyak kung ano ang kulay. Gayunpaman, nakikita ko ang itsura. Makintab kasi dahil mamasa-masa pa. Mahaba iyon at ang dulo ay parang namamaga.
Kumibot ang mga labi ko habang nakatingin doon. Hindi naman pala iyong gaanong nakakatakot. Mukhang malambot. Pero kung nakita ko kaya iyon kanina ay magiging ganito pa rin kaya ang aking reaksyon?
Nahinto ako sa pag-iisip nang marinig ko muli siya na magmura, "Putang-ina." Mas matigas kaysa kanina.
Nag-alala na ako kaya masakit man ang katawan ay sinikap kong bumangon para maupo. Napangiwi ako sa paguhit ng hapdi pero tiniis ko. "Isaiah..." tawag ko sa kanya.
Iyong nararamdaman kong kakaiba ang nagbawi ng aking atensyon. Napayuko ako sa laylayan ng suot kong t-shirt. Namilog ang aking mga mata nang mapatingin ulit kay Isaiah. Nasa harapan ko na pala siya.
Napakaseryoso ng kanyang ekspresyon nang hawakan niya ang magkabilang binti ko. Ipinasok niya ang isang kamay sa ilalim ng t-shirt ko. Napanganga ako nang hawakan niya ako roon at nang alisin niya ang kamay ay basa ang dulo ng kanyang mga mahahabang daliri.
BINABASA MO ANG
South Boys #3: Serial Charmer
RomanceShe may be beautiful, but she is aware that she's quite the airhead and is pretty dense. As such, Vivi masks her weaknesses behind a snobby and haughty façade. Then she meets Isaiah, who sees through her from the get go, an existence that threatens...